Prologue

7 1 0
                                    

Binabagtas ko ang kahabaan ng EDSA gamit ang bago kong sasakyan na regalo saakin ngayong araw dahil ikalabing-walong kaarawan ko at ito lamang ang tanging hiling ko sa mga magulang ko.

Ayoko man sana ng mga debut party na yan kagaya ng ibang mga babae ay nagkaroon pa rin ako sa pangangasiwa ni Mommy. Malamang, ayaw nila mapahiya sa mga mayayamang kaibigan nila kaya gagawin nila iyon.

Gabi na ngayon at iniwan ko lamang ang selebrasyon sa isang malaking hotel kung saan nga ginanap iyong party ko. Hinintay ko lamang na maibigay saakin ang susi ng kotse para makaalis sa lugar na iyon.

Pakiramdam ko ay ako na lamang ang tanging lumulubog doon dahil sa napakaraming plastik na lumulutang sa paligid. 

Ang totoo ay hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil gabi na rin, gusto ko lang makaiwas sa maraming tao at makaramdam ng sariwang dampi ng hangin sa balat ko.

Nang makaalis ako sa EDSA ay agad kong inihinto ang sasakyan sa gilid para magsearch ng lugar na malapit lamang pero makakalanghap ako ng sariwang hangin. Nang may makita ako ay agad kong binuhay ang makina para puntahan iyon, sa Tagaytay lamang iyon at kaya ko naman imaneho.

Binuksan ko pa ang stereo ng sasakyan para makarinig ng musika habang nagbabyahe habang nagi-enjoy ay makailang ulit na tumunog ang cellphone ko. Malamang ay pinaghahanap na ako ng mga iyon.

Ikaw ba naman ang umalis na lamang sa sarili mong party ng walang paalam ang hindi hanapin. Mga manhid at wala talagang pakialam na magulang lang siguro ang gagawa nun. Well, ang mga magulang ko naman ay nagkakaroon lang ng pakialam saakin sa tuwing may importanteng nagaganap sa buhay ko. When it's just normal days, para lang akong hangin sakanila.

Existing but they kept on ignoring.

Nang makarating sa patutunguhan ko ay wala akong ibang naramdaman kundi ginhawa. Ang sarap ng banayad na hangin na dumadampi sa aking balat. Nasa bubong ako ngayon ng sasakyan ko nilalanghap ang sariwang hangin ng gabi, o mas maayos na sabihin, sariwang hangin sa unang pagbati ng umaga. Pinilit ko ang sarili ko na huwag matulog kahit na iyon ang masarap gawin sa payapag kapaligiran na ito.

Marami ng nangyari saakin sa araw na ito na hindi ko gusto, syempre una na dun ang pinilit ako sa ginawa nilang party para saakin, pangalawa ang pakikipag-plastikan sa mga taong corrupt. Bakit ko nasabing corrupt? Dahil ilan lang naman sila na inimbita ni mommy na katrabaho ni daddy sa senado. He is a senator tapos ganito lang ang anak niya puwes wala naman siyang magagawa kasi may sarili naman akong buhay. Pangatlo, ang pagpapakilala nila sa lalaking hindi ko naman gusto, gusto nilang maging magkasintahan kami pero ayoko. Kahit naman maganda ang katayuan nun sa buhay at marami akong mapapala sakanya ay tumanggi ako.

For me, love is not about to choose, it's about to follow.

Kung dumating man yung lalaking para saakin ay malalaman agad iyon ng aking puso at ang magagawa ko na laman ay sundin ito. Ika nga sa isang kanta, 'kapag tumibok ang puso ay wala ka ng magagawa kundi sundin ito' kaya sa palagay ko ganun ang gagawin ko once matagpuan ako ng lalaking inilaan para saakin.

Kasi kung pipili lang naman ng lalaking may magandang katayuan sa buhay ay marami akong makukuha pero iyong tunay na mamahalin ako ay isa lang.

Napagisipan ko na bumalik na nang sumikat na ang araw, may pasok pa ako sa eskwela pero magli-liban na lamang ako idadahilan ko na lang ang kaarawan ko kahapon.

Sinagad ko ang volume ng stereo para hindi ako pumikit habang nagda-drive. Inaantok na ako, super, ngayon ko lang pinagsisisihan kung bakit hindi ako natulog kagabi gayung napakaganda sa pakiramdam ng klima at puwesto ko. Sleepyhead pa naman ako, kaya pinagdadasal ko na lang na walang mangyari saaking masama sa daan na ito.

Napansin ko na marami ng missed calls and texts sila mommy, panigurado ay nag-aalala na sila, kaya ng tumawag ulit ay sinagot ko na para naman mabawasan ang isisermon nila kapag nakita ako.

"Go home now, Liora Moniquecah Laxamana!"

There, I know na nagpipigil na lang ng galit sakain si mommy. She's not a woman of words kaya sa kaunting salita niya lang ay napapasunod na ako, alam ko na agad kung kailan siya galit.

Ifull name ba naman ang pangalan ko. Tsk

However, alam ko kay daddy ako makakatanggap ng maraming sermon, yun ay kung nasa bahay siya at hindi busy, pero palagay ko ay wala iyon dun ngayon. He's a busy man so what will I expect?

"I will, mom. Don't worry I'm on my way."

"Just made sure of that, Liora! Marami kang dapat ipaliwanag! You ditch your own debut party."

"I said, I don't want it."

Sinabi ko iyon with a 'duh' tone.

Bago man siya magsimula na planuhan ang party na iyon ay makailang ulit ko na siyang sinabihan na ayaw ko nun, ayoko ng ganun pero hindi siya nakinig kaya hindi ko na kasalanan na nasayang ang pera nila dahil dun ang gusto ko lang naman kasi ay itong Moseratti na ito.

"My god! Just come home! You're such a headache."

"Yeah right," I answered in a sleepy voice.

Pinutol ko na ang tawag dahil ayoko na marinig ang boses niya mas lalo lang akong nadidistract e. Dapat siguro ay natulog muna ako bago umuwi kasi naman, kulang na lang gayahin ko ngayon si Mr. Bean na nilagyan ng toothpick iyong mga mata niya para lang makapagdrive ng maayos.

Rush hour na pa naman, hindi pa naman ganun kabigat ang traffic kaya umuusad pa kahit papano. Nang mag red light ang traffic sign ay nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at iniyuko ang ulo sa manibela.

"Tangina mo, Liora. Bakit kasi hindi ka natulog?" Pinagalitan ko ang sarili ko at tinampal-tampal pa ang pisngi habang ginagawa ko iyon ay aksidente kong natapakan ang accelerator kaya naman umanadar ang kotse ko, doon ko din namalayan na kulay na green na pala ang sign. So technically, gumagalaw na ang mga sasakyan ng maapakan ko ang accelerator. Ako ang nasa pinakaunahan ng pila kanina nung mag red light, kaya naman ng biglang umandar na ang mga kotse ay may nabangga ako.

Well, shit. I'm doomed. I don't know if it's a nice thing na hindi tao pero six-wheeler truck naman. Ang ending syempre basag iyong harapan ng kotse ko, kasi nagkasalubong kami. Mabuti na lang naprotekhan ko ang sarili ko kaya hindi ako duguan. Nauntog lang yung ulo na nagpawala ng antok saakin.

Pagtingin ko sa labas ng bintana ay may iilang sasakyan na ang nakahinto at pati na rin mga tao para tignan ang nangyari. Nasapo ko pa ang noo ko ng may makitang media.

Sapul na. Maya-maya lang ay ako ang headline ng news. Sana lang hindi ako makasuhan. Nang lumabas ang driver ng six-wheeler truck ay agad kong hinanap ang wayfarer ko, cap at mask na parati ko naman dala para itago ang buong mukha ko.

Ohmyghad. Ang gwapo ng driver nung nabangga kong truck tapos ako ito, ang babaeng pinanganak lang ata para kapitan ng malas.

Light of MemoriesWhere stories live. Discover now