Kung papipiliin ka, anong araw ang sobra mong mamimis?
Isang araw lang?
Siguro marami.
Nakakatawang isipin na sa dinami-rami ng masasakit na karanasan sa buhay, marami paring araw na gugustuhin mong alalahanin. Ni hindi ka makapili kung alin ang the best. Ironic isn't it?
Maraming memorable days sa buhay natin. Mga alaala ng isang araw noong dumating siya, sila. Isang araw na binago ng iba ang takbo ng buhay mo.
Isang araw ....
***
Isang araw nang makilala ko siya, ang lalaking may mapupungay na mga mata. Palaging nakakunot na mga kilay at mapupulang labi. Kaklase ko siya sa halos lahat ng subject noong first year. Lagi ko siyang nakikitang nakasimangot na para bang may galit sa mundo. Kung minsan, nahuhuli ko pang masamang nakatingin sa akin.
Menopausal yarn?
Nakakabanas! Minsan di ko maiwasang tarayan kapag nahuhuli kong nakatitig sakin. Di rin nakakaligtas sa paningin ko ang bahagya niyang pagngisi tuwing ginagawa ko iyon. Ewan ko ba! Sisimangot tapos biglang ngingiti? May damage ata braincells nito.
May mga araw na mapagkakamalan mong absent siya. Hindi rin kasi sumasagot sa recitation or nakikihalubilo sa iba. Nagulat nalang ako nang isang beses lumapit siya sa akin at walang sabi sabing naglapag ng isang balot ng Hanny na chocolate sa table ko.
"Ano gagawin ko dito?"
"Isampay mo. Tss." sabay alis sa harap ko.
"Abat taran- " hindi ko na natapos Ang sasabihin ko nang magsuot ito ng headphones.
Gagu lang?
Ang weird niya. But deep inside nagustuhan ko. Hindi ko alam kung para saan to pero bahala siya! Akin na to! Ha! Favorite ko kasi ang Hanny chocolate. Ginagawa kong braces yung foil nun noong bata pa ako. Last time bumili ako sa canteen tapos napikon ako nang candy sinukli sakin nung tindera. Buti nalang may Hanny sila kaya yun pinalit ko.
Mula noon ay lagi na niya iyong ginagawa. Maglalapag ng Hanny chocolate tapos parang tangang aakto na parang walang nangyari. Kapag tinatanong ko naman kung bakit, iniismiran lang ako. Tss. Gwapo kaso masungit.
Ngunit ang pagsusingit ay nauwi sa matamis na pagngiti. Ang pagkainis ay napalitan ng kumportable at panatag na pakiramdam. Akala ko hindi ko siya makakasundo, ngunit hindi ko lubos maisip na higit pa sa pagiging magkasundo ang kaya niyang ibigay.
Kung gaano siya ka iwas sa mga tao ay ganon siya ka-clingy sa akin. Ang matatalim na tingin ay lumalambot tuwing nababaling sa akin. Ang nakatikom na mga labi ay kusang kumukurba kapag ako ang kausap at katabi.
Tsk sabi na! Crush ako neto!
Di nagtagal ay napasakin ang supladong may mapupungay na mga mata.
Napakasaya ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya dahil bago sa akin ito. Siya ang first boyfriend ko at pakiramdam ko ako ang pinaka special na babae sa mundo.
Sabi nila, main character daw ako. Napaamo ko ang isang lalaking mukhang may galit sa mundo. Ang saya ko dahil alam kong mahal na mahal niya ako.
Ngunit ang masasayang sandali ay gumuho nang isang araw, nakita ko siyang ngumiti sa iba. Ang ligaya ay napalitan ng sakit nang makita ko ang mga braso niyang pumulupot sa beywang ng isang estrangherang maputi ang hita at mala porselana ang balat. Ang mga tingin na sa akin lang lumalambot ay nakitaan ko ng pagmamahal habang kapiling ang iba.
Hindi ko mahanap ang tamang salita. Masyadong madiin ang pagkakasulat ng manunulat sa kanyang pangalan sa puso kong parang papel at nagmistulang dugo ang tinta.
YOU ARE READING
Isang Araw, Isang Ikaw
Short Story"Kung papipiliin ka, anong araw ang sobra mong mamimis?" Wala kang mapili? Kuwento ito ng isang babaeng paulit ulit nagtiwala at nabigo. Sa ilang beses niyang nasaktan, hindi niya alam kung anong araw sa buhay niya ang siguradong babaunin niya hangg...