MABILIS ang ginawang pagtakbo ng seventeen years old na si Beau. Kahit na pawisan na ang kanyang noo at labis-labis na ang kanyang pagod wala siyang ibang choice kundi ang magpatuloy sa mabilis na pagtabo. Sa bawat segundo na kanyang tinatakbo ay siya ring kinababahala niya sa buhay ng kanyang nanay. Kakauwi niya lang galing school kanina ng sabihan siya ng kapitbahay nila na itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang nanay niya.
"Nay!" malakas niyang sigaw pagkarating niya sa emergency room ng ospital.
"Hijo, ikaw ba ang anak ng pasyente?" tanong ng doktor na tumitingin sa nanay niya.
"Opo doc. Ano pong nangyari sa nanay ko?"
"Nagkaroon ng internal bleeding sa baga ng nanay mo, sanhi ng pagsususka niya ng dugo. Maaaring dahil ito sa napabayaang pabalik-balik na ulcer na nakapagdudulot ng pinsala sa mga internal organ ng pasyente gaya na nga lang ng baga niya. As of now, wala pa kaming exact findings tungkol sa sakit niya pero nagconduct na kami ng mga test para sa karagdagang obserbasyon sa kalagayan niya."
"Kumusta na po siya doc?"
"Pinainom na namin siya ng gamot. Nagpapahinga na siya ngayon. Maaari ba kitang makausap sa labas?"
"Salamat po doc, sige po."
"Tatapatin na kita hijo, sa kaso ng nanay mo, pag hindi pa tumigil ang pagdurugo sa baga niya, kinakailangan na niyang sumailalim sa isang mabilisang operasyon upang mapahinto ang pagdurugo at maisara ang sugat sa baga niya. Kung hindi maagapan ang pagdurugo maaari siyang maubusan ng dugo na posibleng maging dahilan ng pagkamatay ng pasyente."
"Doc wala po akong pera. Magkano po ang gagastusin para sa operasyon doc?"
"Just prepare 300,000 pesos hijo. I'll go now, madami pa akong ibang pasyente"
Napaupo sa sahig ang binatilyo sa labis na pag-iyak. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera. Isa lamang siyang hamak na studyante at part-time student assistant sa library na siyang ikinabubuhay nila ng nanay niya. Ang tatay niya ay matagal na niyang di nakikita at balita niya ay may iba ng asawang mayaman. Nilapitan niya ang natutulog na di gaanong katandaan na babae. Maputi, matangos ang ilong at may mapupulang labi ang nanay niya na siyang ikinamana niya. Kung titingnan mo ang babae ay hindi mo masasabing Pilipino ito sapagkat namana nito ang Australian genes nito sa ama. Kung anong ikinaganda nito dati ay siyang ikinaputla at ikinatamlay ng mukha nito ngayon. Wala ng makikitang bakas ng kasiyahan sa mukha niya simula nung iwan sila ng tatay niya.Nanay naman kasi ang kulit-kulit, sabi ko naman kasing huwag na magpapagod at magpapalipas ng gutom e. Ayan tuloy nagkaulcer pa kayo. Di ko pa alam kung saan ako kukuha ng pera. Kaya naman kasi kitang buhayin nay. Tama na ang sakripisyo mo sa akin. Ako na dapat ang nag-aalaga sayo. Mahal na mahal kita nay, wag mo po muna akong iwan, di ko po kakayanin. Umiiyak na sabi ng binatilyo sa ina habang sinusuklay ng kamay ang mahabang buhok nito.
NAISIPAN ng binatilyo na humingi ng tulong sa tatay niya kahit labag sa kalooban niya. Kailangan na niya ng pera sa lalong madaling panahon. Wala na siyang ibang mapupuntahan bukod dito. At lalong wala din siyang mapapasukang trabaho na may malaking sweldo lalo na't di pa siya nakakapagtapos ng kolehiyo.
Kinakabahan man ay pinidot na ni Beau ang doorbell sa bahay ng kanyang tatay. Matagal na niya itong di nakikita at di niya alam kung anong mararamdaman niya sa kanilang muling pagkikita. Aminin niya man, kinasusuklaman niya ang kanyang ama dahil sa pag-iwan nito sa kanila pero sa ngayon ibabalewala niya muna ang galit at pride na ito para sa ikakagaling ng pinakamamahal niyang ina.
"Sino po sila?" Tanong nung lumabas na katulong yata base sa uniform na suot nito.
"Hello ako po si Beau, kamag-anak ni Rodrigo. Andyan po ba siya?"
"Andito po. Saglit lang tatawagin ko ho si sir."
Habang naghihintay sa labas ng gate, di niya mapigilang pagmasadan ang kabuuhan ng bahay. Ito yata ang pinakamalaking bahay sa buong subdivision. Kung titingnan mo ito ay masyadong malaki ang bahay na ito para sa isang pamilya. Kahit siguro sampung pamilya ang titira dito ay kakasya at di magsisiksikan di tulad sa bahay nila na maliit na nga, nasa skwaters area pa.
Sinundan niya ng tingin ang umalis na katulong at nakita niya sa may gilid ng bahay ang tatay niya, masayang naliligo sa swimming pool habang nakikipaglaro sa anak nitong babae sa bago niyang asawa. Di niya mapigilang di magselos sa nakikita. Dati siya yung kalaro ng tatay niya, ganyan din sila kasaya kasama ng nanay niya. Pero hanggang balik tanaw nalang siya, hinding hindi na mabubuo ang pamilya niya.
Natigil ang pagbabalk tanaw niya ng biglang nagsalita ang tatay niya. "O, anong ginagawa mo dito? Bilisan mo baka makita ka ng asawa ko." Nakalapit na pala ito.
"Tay, si nanay. Dinala po siya sa ospital. Kailangan ko po ng pera para sa operasyon nya." Pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Alam mo naman ang sitwasyon ko dito diba. Wala akong pera. Humingi ka na lang sa iba. Osya umalis ka na bago ka pa makita ng asawa ko." Pagpapaalis nito sa kaniya.
Walang nagawa ang binatilyo kundi ang umalis sa lugar na may poot sa dibdib ng dahil sa tatay niya. Di niya ito mapapatawad kung sakaling may mangyaring masama sa nanay niya.
Habang paalis ng subdivision ay may tumawag sa kanya galing sa ospital. Dinudugo na naman daw ang nanay niya. Lakad -takbo siyang pumuntang ospital para maabutan ang nanay niya.
"Nanay! " umiiyak na sigaw niya ng makita ang kanyang ina sa ospital.
"Nay, lumaban po kayo! Magpapagaling ka pa, tutuparin pa natin ang mga pangarap natin. Wag mo po ako iiwan, nay! Mahal na mahal kita nanay!
"Doc gawin niyo po ang makakaya niyo sa nanay ko. Magbabayad ako kahit magkano basta po gamutin niyo lang po siya. Please doc, nagmamakaawa ako."
Sinusumpa ko simula sa araw na ito kakalimutan ko ng may ama ako. Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito Rodrigo Costa.
BINABASA MO ANG
Embrace the Mystery of Rain
Avontuur"Without Rain, there would never be Rainbow" Rainbow is a group of girls na nabuo dahil sa kagustuhan nilang matugis ang isang professional thief at tinaguriang "The Master of Disguise", na tinawag din nila sa alyas na "Rain". They called him Rain b...