"This is my wife, Leeina." Nakipag kamay ako doon sa mag asawa na amerikano/amerikana.
Ngumiti naman sila sa akin."You're so beautiful, you look like a spanish?" Natawa ako ng bahagya. "I'm pure filipina." Proud na sambit ko.
Hindi din nagtagal nag umpisa na ang meeting nila, wala naman akong ginawa kung hindi makinig lang. Paminsan minsan ay kinakausap ako nung babaeng amerikana tungkol sa kung saan saan para hindi ako ma bored.
Ng matapos ay hinawakan agad ni Zenth ang kamay ko. "Are you bored?" Tumango ako natawa naman sya.
"Saan ang ponta ko ngayon?" He asked. "My friends house. I want to see them." Sagot ko, hindi naman na sya nagsalita at hinatid na lang ako doon.
Sinabi ko na sa kanya na ako nalang uuwi mag isa kaya pumayag na sya. Pagdating ko sa condo nila Tim ay sunod sunod akong kumatok may hawak akong pizza.
Binuksan naman ito ni Cristy na naka pantulog na damit. "Ang aga aga honeymoon agad kayo." Sabi ko at pumasok sa loob habang sya ay nandon pa din sa pinto. Nilingon ko sya. "'Kumain tayo, nagugutom ako." Nakanganga sya.
"Wow, ha. Parang condo mo. Condo mo to? Condo mo?" Sarkastikong ani nya. Tumawa naman ako at umupo sa sofa nila.
"Asan na yung kumag mong fiance?" Tanong ko. "Bakit mo ako hinahanap? Miss mo ako?" Lumabas si Tim na bagong ligo, may nakasabit pa na tuwalya sa leeg nya.
"Cristy, gawin mo akong isa sa architect ninyo, diba may project kayo na gagawin? Bagot na bagot na ako." Kunyaring umiiyak na sambit ko.
Tumawa naman sya. "Oo naman. Payag na payag ako. Sige, I'll tell my parents about it." Ngumisi ako. "I already have a design, ipasa mo nalang sa engineer ninyo." Sabi ko.
Ngumisi rin sya pabalik. "Nabago na pala isip ko, tanggap ka na. Ikaw na ang magpasa nyan sa engineer namin sa kompanya." Nanlaki ang mata ko.
Inilabas ko ang phone ko. "Is the engineer have a social media account? I want to add so we can discuss about it na." Tumawa yung dalawang sira kaya naguluhan ako bahagya.
"Isaac Heimz ang pangalan ng engineer namin. Add him na." Sabi ni Cristy na nagpahinto sa akin. Tumawa si Tim ng makita ang reaksyon ko.
"Oh, bat ayaw mo pang I add?" Asar ni Tim kaya hinampas ko sya sa braso. Napangiwi ako.
Tumabi sa akin si Cristy kaya napapagitnaan nila ako ngayon. "Mag schedule nalang ako ng meeting para mapag usapan natin lahat. Are you okay about this?" Tanong nya. Ngumuso ako at tumango.
"Bakit ba gusto mo pang sa kompanya nila Cristy mag trabaho? Ayaw mo sa kompanya ng asawa mo?" Tanong ni Tim.
Sumandal ako. "Mga engineer at architect naman nila doon ay galing ibang bansa eh. Bilang lang ang archi at engineer na kilala ko doon, saka mas maganda kung sa inyo na ako, ayaw nyo ba nun makakapag bonding tayo?" Sabi ko.
"Gusto. Pero I really can't believe na asawa mo ay isang Rozz. Grabe kayong mag Kapatid, tinuhog ang mga Rozz." Tumawa ako sa sinabi ni Cristy. "Baka ang mga Rozz ang tumuhog sa amin." Pagmamayabang ko.
Nagkwentuhan pa kami sa ibat ibang bagay. Binalikan din namin yung masasayang alaala namin nung mga teenager pa kami habang umiinom kaming tatlo.
Dumating din si Herry na abogado nila ni Cristy sa kompanya. May dala itong cake at hindi ko alam kung bakit. Pagbukas non ay may nakalagay sa cake 'Leeina.' Napangiti tuloy ako.
"May girlfriend ka na ba?" Tanong ko kay Herry. Medyo nahihilo na din ako dahil sa dami ng nainom. Gusto ko din namang sanayin ang katawan ko sa alak.
Ngumisi sya. "Hulaan mo sino." Binatukan ko sya. "Sabihin mo nalang sino!" Inis na sabi ko. Tumawa sya. "Dein Wes." Nanlaki ang mata kim
"WHAT?!! Pinatulan ka nun?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kumunot naman ang kilay nya na para bang hindi nagustuhan ang reaksyon ko.
"Grabe ka naman, ang pogi pogi ko kaya paanong hindi nya ako papatulan?" Inis na sabi nya.
I really can't believe. Ang talino nung babaeng iyon tapos mapoponta lang sya sa lalaking ito?
Lumipas pa ang ilang oras ng napagpasyahan ko ng umuwi. Hinahanap na din ako nila Mama at Papa. Sinamahan ako ni Tim na humanap ng taxi dahil sya lang ang hindi lasing sa aming lahat.
Halos hindi ko na makita kung anong ginagawa ni Tim, hindi ko na din makita ang daan na tinatahak namin. Nahihilo na din ako.
"Sorry, Ikaw tinawagan ko wala ako tiwala, eh. Gabi na baka mapapaano sya." Rinig kong kausap ni Tim sa taxi driver.
Kakilala nya ba iyon? Bat nya kinakausap? Feeling close.
Hinawakan ako ni Tim sa balikat. "Sumakay ka na sa loob." Inalalayan nila akong dalawa makasakay sa passenger seat.
Pagkasay ko ay kusang bumagsak ang ulo ko sa kung saan. "Shit." Usal nung taxi driver at inalalayan ang ulo ko na makasandal sa kung saan.
"I d-dont want aircon." Mahinang daing ko. Naramdaman ko naman na pinatay ni Manong Driver ang aircon.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, bahagya akong nagising ng may tumutulak sa akin at sunod kong naramdaman ang paglutang ko sa ere. Napahawak agad ako sa leeg ni Manong Driver ng buhatin nya ako.
"Hoy, huwag mo akong dalhin sa kung saan. Lagot ka sa Papa ko." Hindi naman ako pinansin ni Manong.
"It's raining outside. Baha na din sa dadaanan natin patungo sa bahay ninyo, sa condo mo na kita." Sabi nya.
Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Hala, bakit naman ako matutulog sa condo mo, hindi naman kita kilala." Nakangusong sambit ko.
Inihiga nya ako sa kama. "Huwag mo akong irape, lagot ka talaga sa Papa ko. Bugbugin ka non." Sabi ko sa Driver baka sakaling matakot.
"I won't do it. Sleep now." Ewan ko ba, pamilyar sa akin ang boses nya.
Yung boses na iyon...Pakiramdam ko boses iyon ng dating minahal ko, possible bang boses iyon ni Isaac?
Pilit kong inaaninag ang mukha nya pero blurred lang ang nakikita ko. Bahagya ko pang itinagilid ang ulo ko.
"Stop staring at me. Go to sleep." Masungit na ani nya.
Naghikab ako, pagkasabi nya iyon ay atomatik na inantok ako. Kagaya ng lalaking nagsasabi din sa akin noon.
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...