Chapter 20

7K 177 5
                                    

Wade's POV:

Hanggang gabi ay nagt-trabaho ako at kung minsan pa ay pumupunta ako sa shop lalo pa't madalas na nandoon si Natasha, kahit sulyap lang ang ginagawa ko ay nakukuntento na ako lalo pa't nakikita ko s'ya. She never changed when it becomes to her work, palagi niyang prioridad ang trabaho niya pero never nagkulang ng oras sa 'kin si Natasha.

Nagalit ako sa kanya dahil nung third year collage kami ay bigla s'yang umalis. Walang pasabi at nag-iwan ng letter. Ang letter na ayokong basahin, maraming hindi ko nagustuhan at mas lalo lang akong nagagalit. Hindi niya kailangang ipamukha sa 'kin na hindi niya ako deserve. Ikakasal na s'ya sa iba, at hindi niya na ako mahal.

Napapailing nalang ako habang na-aalala ang mga nabasa ko sa sulat niya. Pangalawa, nagagalit ako dahil sa nagkalat na litrato na may iba't-ibang lalaking kahalikan ni Natasha. May mga nagpapadala sa 'kin ng litrato na hindi ko alam kung sino at doon mas lalong umusbong ang galit ko sa kanya. 

Dalawang dahilan kung bakit mas umusbong ang galit ko sa loob ng pitong taon. Kaya naman nang makabalik s'ya mas lalo lang nag-alab ang galit ko, sobrang bilis niyang makalimot sa lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Basta basta nalang kung humalik s'ya sa lalaki at hindi niya manlang ako inisip. Hindi niya manlang naisip ang mararamdaman ko, nakakainis na kailangan ko pang pumikit para hindi ma-alala ang sulat niya.

Kaya naman nang makita ko s'ya sa unang pagkakataon, ngayon ko lang nakita ang pinagbago niya. Ang galit ko ay unti-unting napapawi dahil lang sa mga hinanakit niya, wala akong ibang alam dahil alam kong nasaktan ko ang isang katulad niya. Kaya naman tanggap ko ang bawat galit na binibigay niya ngayon at ang paghihirap ko.

"Sir, may mga tao sa labas. Isang Martinez," sambit nang kakapasok lang na si Brent.

Napa-ahon kaagad ako sa upuan ko at napaawang labi. Mabilis akong naglakad papunta sa labas sa paga-aakalang si Natasha ang nandoon, kinakabahan ako lalo pa't pinagbantaan niya akong kukunin niya ang trabaho na mayroon ako ngayon. Napakurap ako nang makita si Jake, may pasa ang kaliwang pisngi niya at kunot ang noo niya.

"Jake..." pagtawag ko kaya napalingon s'ya sa 'kin at 'yun na naman ang talim ng tingin niya.

"Tito..." nakangiting pagbati niya at tumango, nagbibinata na ang boses.

"W-what happened?" tanong ko at tinignan ang katapat na upuan niya.

Nagkibit balikat s'ya. "Naghamon, ngayon na ako ang nanuntok nagtawag ng iba..." maangas ang pagkakasabi niya.

Napakurap ako at hindi ko maiwasang mamangha sa kanya he's just 17 years old. Napapailing ako dahil nasa dugo na ata nila ang pagiging maangas at kalmado, tinignan ko ang tatlong lalaki sa unahan. Masama ang tingin kay Jake na nakakunot ang noo kaya huminga ako ng malalim.

"Can you tell me what happened before the four of you got here?" seryosong tanong ko.

Huminga ng malalim si Jake at tinignan ako. "I was in my school, susunduin ko sana si Cruzette kaya lang may humarang. I don't know what's with them at ang init ng ulo nila sa 'kin. Kaya wala akong nagawa ng abangan nila ako sa labas, nagtawag pa ng mga nakakadiring gangster sa kung saan..." napapangiwing paliwanag niya.

"Hindi totoo 'yan! Ikaw ang unang sumugod sa'min! Tignan mo nga ang mukha namin?!" sigaw ng isang matabang bata na may pasa sa kaliwang mata.

Tumawa si Jake. "Kung hindi mo ako inunahan malamang walang pasa diyan sa mata mo. Don't you dare touch my sister again, hindi lang 'yan ang kaya kong gawin naiintindihan mo?" aniya sa maotoridad na boses.

Napatingin ako sa entrance nang makita si Tito kasama si Natasha na nakalukipkip. Napatayo ako ng tuwid at binati si Tito na tiim ang panga, tumango s'ya sa 'kin at tinapik ang balikat ni Jake na nagugulat na napatingin sa kanya.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon