Natasha's POV:
Inis na tinignan ko s'ya na ngumisi lang sa 'kin at mabilis niya ring kinabit ang seatbelt kaya hindi ako maka-alis. Bumusangot ako at kaagad na inayos ang tube na suot ko, ayokong makasama s'ya sa iisang lugar dahil hindi maganda ang nararamdaman ko sa kanya. Tinapon niya ang coat ko sa katawan ko, nagtiim ang panga niya at pumasok na sa sasakyan.
"I told you I can handle myself! Hindi mo ako kailangang ihatid!" singhal ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako.
"Ihahatid pa rin naman kita kahit hindi mo sabihin. Gabi na at baka mapano ka," kalmadong sambit niya.
I scoffed. "Kayang kaya ko ang sarili ko Wade! Kaya bumalik ka na sa pamilya mo pwede ba?" inis na singhal ko.
Hindi niya ako pinansin at pinaharurot ang sasakyan niya palabas. Huminga ako nang malalim at nakalimutan kong matigas nga pala ang ulo nito. Hindi mababali ang desisyon niya para sa sarili. Tumingin nalang ako sa labas at huminga ng malalim, piling ko ay nasasakal ako sa presensya niya.
Wala naman talaga akong balak na pumunta, hindi ko lang talaga na maatim na magtampo sa 'kin si Lolo. Kahit ayoko, pumunta pa rin ako dahil sa kanya. Tinignan ko si Wade, seryoso ang mata niya na nakatingin sa harapan at mahigpit ang kapit sa manibela.
I should act formal towards him, hindi niya na ako madadala sa paghatid-hatid niya. Hindi pa nakakatulong ang pabango niya na nanunuot sa sistema ko kaya kailangan ko pang huminga nang malalim.
"Akala ko bibiguin mo si Lolo..." pagbasag niya sa katahimikan.
Nagulat ako. "H-hindi ko kayang tanggihan si Lolo," kalmadong sambit ko kahit nagkakarera sa bilis ang tibok ng puso ko.
Hanggang doon nalang ang usapan namin, tinuro ko ang address ng condo ko. Wala na akong pakielam, palagi naman kaming nag-aaway pero ngayon iba. Parang kalmado ako, lahat ng paghihiganting naiisip ko ay nawawala kasi nasa tabi ko lang s'ya. Hindi dapat ganito, hindi pa ako tapos iparamdam sa kanila ang lahat ng sakit na pinaramdam nila sa 'kin sa loob ng ilang taon.
"D-dito nalang ako..." sambit ko sa kanya at inayos na ang shoulder bag ko.
Tinignan ko s'ya na pagod na sumandal sa upuan, kumurap ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung aalis ba ako o mananatili dito, bastos ko naman kung aalis ako. Bago pa ako makapagsalita, inunahan niya na ako.
"Hindi mo ba kayang maging civil sa'kin. I mean, hindi mo ba kayang hindi ako sigawan o singhalan?" wala sa sariling tanong niya.
Totoo 'yun. Kada magkikita kami ay palagi akong nakasigaw sa kanya o hindi kaya'y nakasinghal, gusto ko na nararamdaman niya na ayoko sa presensya niya. Ngayon mas nakita ko ang pagod niyang mukha at parang may kumirot sa puso ko pero kaagad ko ring winaksi.
"Hindi ko kayang gawin ang tinatanong mo," mariin ang pagkakasabi ko sa kanya dahil gusto kong maintindihan niya na ayaw ko sa presensya niya.
He sighed. "Alam ko na mahirap, pero hindi ka ba napapagod? Gusto kong maging maayos tayong dalawa, gusto kong kahit galit ka ay kalmado ka pa rin..." mahinang pakiusap niya.
I shook my head at diretso ang tingin sa labas. "Hindi ko kayang pakisamahan ang taong nanakit sa 'kin," walang kabuhay-buhay na sambit ko.
Hindi s'ya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya, ganoon nalang ang gulat ko nang makita na pinupunasan niya ang luha sa mata niya. Namanhid ako, hindi ko alam kung anong i-r-react ko sa kanya. Parang may kung ano sa tiyan ko at sa puso ko ang hindi ko maipaliwanag.
"Sorry..." mahinang sambit niya at suminghap. "H-hindi ko lang siguro kayang makitang ganito tayong dalawa. Para lang akong hangin sa'yo, pero anong karapatan kong isumbat ang lahat sa'yo?" natatawang sambit niya at pumiyok ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
БоевикBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...