Epilogue

95 3 0
                                    

Pagkatapos kumain ay iniwanan ko na muna si Ate Dion sa labas para kuhanin ang mga gamit ko sa dormitoryo namin.

Lahat sila ay tila nakaabang sa akin pagkapasok ko pero imbis na tapunan pa sila ng tingin ay nagdire-diretsyo nalang ako saka pumasok sa kwarto para mag empake.

"Nag eempake ka na?" tanong ni Diana saka naupo sa kama na katapat ng aparador kung saan ko inaayos ang mga gamit ko.

"Kailangan kong makalimot... At ang paraan lang para magawa ko iyon ay ang lumayo sa lugar na patuloy na nagpapaalala ng bangungot ko" binitbit ko na ang bag ko at hinatak ang isang trolly para likumin ang natitira ko pang gamit.

Lumapit naman sa akin si Hera na may nag-aalalang tingin. "Pero babalik ka pa naman hindi ba?"

Ramdam ko sa tinig niya ang kalungkutan pero naaawa rin ako sa sarili ko kung hindi ako magpapahinga ngayon.

"Malaking responsibilidad ang iiwan ko rito, kaya't babalik pa ako" nakangiti kong sagot sa kaniya saka tinapik ang balikat niya.

"Kung ganoon ay hihintayin ka namin" ani Athena saka niya kami sinalubong ng mahigpit na yakap.

Pumasok narin sina Vesta, Hestia, Minerva, Hermes, at Ceres.

Ang higpit ng yakap nila ang nagpapaalala sa akin na hindi ako nag-iisa at parati akong magkakaroon ng kasama.

Ginulo-gulo pa nina Hermes at Ceres ang buhok ko saka ako hinatak ni Hermes papalapit sa kaniya saka ako solong niyakap.

"Babalik ka ah"

"Pangako"

Agad kaming napabitaw sa isa't-isa ng marinig namin ang sunod-sunod na katok sa pinto saka bumungad sa amin si Ate Dion.

Dahil isa rin siyang Vehemen ay madali siyang nakapasok sa Dormitoryo namin ay inalalayan ako.

"Salamat sa pagprotekta sa kapatid ko... Sobrang halaga para sa akin ang ginawa niyo"

"Mahalaga rin sa amin ang pagtitiwala niyo muli sa amin Ate Dionella" ani Vesta saka ito sinuklian ng ngiti ni ate at marahang hinaplos pa ang braso niya.

"Salamat" ani Hera saka sila sabay-sabay na yumuko kay Ate bilang pagtanaw ng utang na loob.

Nang maiangat na nila ang ulo nila ay saka kinuha sa akin ni Ate ang hawak kong trolly saka muling ibinaling ang tingin sa mga kasama ko.

"Sigurado akong ayaw niyong mahiwalay sa kapatid ko pero kailangan niya" tila sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Ate dahil sa pagtango nila. "Ibabalik ko muli siya pagkatpos niyang paghilumin ang mga sugat niya"

"Sana kapag pinagaling mo siya ay naaalala niya parin kami" biro ni Hermes kaya napuno ng tawanan ang buong silid.

Ito ang maaalala ko, ang paulit-ulit kong aalalahanin.

"Hindi ko na aalisin ang alaala niya... Tara na Galy at baka magbago pa ang isip ko dahil sa biro ni Hermes" biro niya saka niya hinatak palabas ang trolly ko saka ako sinenyasan na aalis na.

Nakangiti kong muling tinignan ang mga kaibigan ko.

Kumakaway sila nang isara ko ang pintuan at iwanan ang Dormitoryo.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon