Amanda
“I-Imposible ’yan!”
Napatayo sa kinauupuan si Jenella habang nakatutok sa ’kin ang daliri niya. Bakas ang gulat sa mukha niya at ngayon ay wala na siyang kawala. Everyone heard the recording. Kahit pa magdeny siya, wala ng maniniwala sa kanya.
“Nothing’s impossible today with the use of technology.” Matalim ko siyang tinitigan. “You should think before you make a move. Not all people can be your puppet and toy whenever you want to play with them.”
Namumula na ang mukha ni Jenella dahil sa pagkapahiya. Nakatutok na sa kanya ngayon ang tingin ng mga kaklase namin kaya nakaramdam siya ng pagkailang.
“Why are you all staring at me?!”
Dumagungdong ang matinis niyang boses sa loob ng classroom. Kanya-kanya namang iwas ng tingin ang mga kaklase ko.
“Huwag mo silang takutin. Napaghahalataan ka lang guilty.” Nakangisi kong sambit. Napabaling ulit siya sa ’kin.
“We’re not yet over!” Sigaw niya at padabog na lumabas ng classroom. Sumunod naman sa kanya ang mga alipores niya na sinamaan ako ng tingin. Binigyan ko lang sila ng isang matamis na ngiti saka sila inirapan.
Natahimik ang classroom at wala ni isa sa kanila ang naglakas ng loob na tumingin sa ’kin. Kahit itong batang katabi ko ay wala ring imik. Nang lumingon ako sa kanya ay naglalaro lang siya ng games sa DT niya.
Napabuntong-hininga ako. Hindi naman ako nangako kay Mommy at Daddy na iiwas talaga ako sa gulo. Dahil sa ugali ko ay mahihirapan akong hindi mapaaway. Ang ayoko sa lahat ay ang pinapakialaman ang gamit ko. Ayokong pinapakialaman ako kung nananahimik lang ako. Ayokong napipirwisyo ako dahil hindi ko naman ugaling makipag-away ng walang matinong dahilan.
In Jenella’s case, she got mad at me because I didn't answered her properly this morning. The hell I care? Hindi ko naman sinabing magtanong siya. Ugali ba niyang mangialam sa buhay ng may buhay? Hindi niya nalang kasi itikom ang bibig niya.
Kung hindi ko agad siya binigyan ng leksyon, malamang gagawa ng paraan ’yon para maipasok ang virus na ’yon sa DT ko. Kung wala lang proteksyon ang mesa ko ay malamang nagtagumpay na siya sa plano niya at tinatawanan na ako ng palihim. Pero mali siya. Mali siya ng binangga. Kung uulitin niya pa ’yon sa kahit anong paraan, kakausapin ko nalang ang mga connections ko na hanapan ako ng paraan para makausap ko ang tatay ni Jenella na si Mariano Fuentes.
Tumunog ang bell at maya-maya lang ay pumasok ang isang lalaking nasa mid thirties at nakasuot ng black suit. Maganda ang pangangatawan nito at halatang may lahi siya base sa itsura niya. Inilibot niya ang tingin sa buong classroom saka nagsalita.
“Good morning class.”
“Good morning Mr. Paris.” Sabay-sabay na bati ng mga kaklase ko. Hindi na ako nag-abala pang bumati dahil tinatamad ako.
Nang magsimula ng magturo ang guro ay napahikab ako. Nilagay ko ang kamay sa bibig para hindi masyadong halata.
Oo nga pala, wala akong masyadong tulog kagabi dahil sa nasaksihan ko sa kwarto nina Mommy at Daddy. Anong oras na ako nakatulog kagabi.
Pero kahit gano’n ay hindi pumasok sa isip ko na matulog sa classroom. Kahit ganito ang ugali ko, marunong pa rin naman akong rumespeto ng kaunti sa mga guro. At saka, hindi din naman ako mahilig matulog sa eskwelahan.
Napatingin ako sa nakabukas na bintana. Maganda ang panahon ngayon at sa tingin ko ay magandang mamasyal sa labas mamayang gabi. Tatakas nalang siguro ako sa security system ng school para makalabas. Gusto kong mafamiliarize ang buong lugar na ’to.

YOU ARE READING
THE AGENTS: SQUAD
ActionAmanda was a trouble magnet wherever she goes. She's a short-tempered high school girl with so many bullies. Everyone who tried to mess with her were sent to the hospital and was admitted for almost a year. For her, "You'll got bullied if you let th...