BESTFRIEND

113 7 9
                                    

[Nami]

"Kash! Ayos ka lang?"

"Oo, salamat sa tulong mo Nami"

"Syempre, Bestfriend na tayo aah!"

"Ikaw ang first Bestfriend ko Nami, wag mo akong sasaktan aah!"

"Hinding hindi kita sasaktan Kash. Promise"

Napaiyak pa ako ng maalala ko yung mga panahong naging bestfriend ko si Kash, yung panahong musmos pa lang kami nag-promise na kami sa isa't-isa na walang iwanan at hindi namin sasaktan ang isa't-isa. Yung mga pangako kong napako.

[Flashback]

"Nami, sabay ka na saakin papuntang canteen, please... ang tagal na nating hindi nagbo-bonding eh." Aya saakin ni Kash isang araw nang makasalubong ko sya sa hallway ng school. Nginitian ko sya.

"Sige ba! Namiss talaga kita Kash!" Sabi ko sakanya atsaka ko sya niyakap, niyakap din nya ako pabalik. Pero sa loob-loob ko gusto ko syang itulak palayo saakin, ayoko sakanya. Mangaagaw sya.

Bata palang kasi si Kash ng pumunta sa ibang bansa ang mga magulang nya para duon maghanap buhay, kaya naiwan sya saamin. Bata palang kami, kami na ang mag-Bestfriend. Ipinangako namin sa isa't isa na walang iwanan at hinding hindi namin sasaktan ang isa't-isa.

Hanggang sa isang araw may nangligaw saakin, yung crush ni Kash. Tinanong ko sya kung ayos lang sakanya kung manliligaw saakin yung crush nya, sinabi nya saakin na ayos lang sakanya. Hanggang sa dumating yung araw na sinagot ko si Jax.

Sya yung First Love ko at First Boyfriend ko, sikreto lang yung relasyon namin kasi ayaw nila mama at papa na magka-boyfriend kami kasi raw bata pa kami. Si Kash lang ang may alam na may boyfriend ako.

Hanggang sa nakipag-break ako sakanya sa kadahilanang nalaman ng mga magulang ko yung tungkol sa relasyon namin, pinilit nila akong makipag-break sakanya kahit ayaw ko. Pero wala rin akong nagawa dahil pinagbantaan nila akong ilalayo nila ako sakanya. Ayoko 'yong mangyari kaya nakipag-break ako sakanya kahit nasasaktan ako, at least makikita ko pa sya kahit sa malayo lang. Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko ayaw kong makausap ang mga magulang ko. Si kash, malamang sinabi nya na may karelasyon ako. Dun na nagsimulang mapalayo ako sakanya. Pinatawad ko sya dahil sinabi nyang hindi sya yung nagsabi kundi yung kapitbahay namin, nakita daw kasi kami ni Jax na magka-holding hands.

Lumipas ang dalawang buwan ay nakipag-balikan ako sakanya, this time pinakilala ko na sya sa mga magulang ko. Nangako ako na hindi ko pababayaan ang paga-aral ko kahit na may boyfriend ako. Pumayag sila pero kapag daw bumagsak ang grado ko paghihiwalayin daw nila kaming dalawa
Ayoko 'yong mangyari kaya nag-aral ako ng mabuti kahit na puyat akong pumapasok sa school.

Tatlong linggo palang kami ni Jax ng may mabalitaan ako, sila na daw ni Kash. Nasaktan ako nuon pero hindi ako naniwala kaagad dahil alam kong hindi magagawa ng Bestfriend ko yun saakin. Papunta na dapat ako sa canteen ng makita ko silang dalawa sa may garden. Sabay silang kumakain habang nagtatawanan. Nung araw din na iyon bago ko pa sila makitang dalawa nagtext saakin si Jax na hindi raw sya makakasabay saakin may importante daw kasi syang gagawin. Pumayag ako dahil ang alam ko ay tungkol 'yon sa project nya. Tinext ko si Kash na sabay na kaming kumain pero nag-reply din sya na may gagawin daw sya at hindi sya makakasabay saakin. Hanggang sa nakita ko nga silang magkasabay kumain.

Nasaktan ako nun dahil mas inuna nya pa si Kash kaysa sakain, na Girlfriend nya. Duon ako nagsimulang magkaroon ng gakit kay Kash.

Hanggang sa araw-araw ko na silang nakikitang magkasama at masaya. Nakipag-break ako kay Jax na hindi ko sinasabi ang dahilan, gusto kong maipakita sakanilang hindi ako naapektuhan sa mga panglolokong ginawa nila saakin. Ayokong umiyak. Pero ganun naman talaga eh, sasabihin mong hindi ka iiyak pero iiyak at iiyak ka parin kahit anong pigil mo. Ang sakit lang, nagawa akong lokohin ng Bestfriend ko.

BESTFRIEND [ONESHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon