Gumising ako ng maaga. Nagdilig ng mga halaman at kumain ng almusal. Naliho at dali daling nagbihis. Sumakay ako ng bus. Habang nakasakay, tinext ko naman si Venus para batiin ng "good morning."
Sa ganitong pagkakataon lang lang ako nagkakaroon ng pagkakataong magtext sa kanya. Kapag nakaupo na ako sa bus papasok.
May trabaho na nga pala ako. Marketing manager ng isang firm sa Manila. Si Venus naman ay nasa Laguna ngayon, manager din sya. Pero sa isang fastfood chain.
Tatlong taon na din mula nung nakagraduate. Ibig sabihin, 5 years na kami ni Venus. Syempre hindi maiiwasan yung mg LQ, pero ok naaayos ko din agad. Sa loob ng limang taon, madami na kaming mga pinagdaanan at nalampasan din namin. Hindi nga lang madali pero kinaya.
Natatandaan ko pang isang beses, yun na ata ang pinakamatindi sa lahat ng napagdaanan namin. Nagpapractice kami para sa toast party noon, 3rd year kami. Si Venus talaga ang partner ko pero may part na magkaka palit-palit kami. Pagkalipat ni Venus ng partner, napatapat sya sa isang lalaki. Habang pinapanuod ko sila, hindi na ako mapakali. Parang gusto ko silang awatin. Hindi sa nagseselos ako pero feeling ko talaga na may hindi maganda sa lalaking yon.
Its either naiirita ako sa paraan ng tingin nya kay Venus o hindi talaga ako kumportable sa lalaking ito. Madami kasi akong naririnig na hindi magagandang bagay sa kanya.
Kaya nga iniiwasan ko na makausap o makasalamuha manlang sya. Sya nga pala si Renz, ang pinaka kinaaasaran kong lalaki sa school.
Maiintindihan ko naman kung simpleng crush lang ang meron sya sa girlfriend ko eh. Pero sa napapansin ko, iba na. Lagi nalang syang nakasunod samin na para bang nagaabang na magkamali ako at bigla nalang eeksena. Kung ano ano din ang mga ginagawa nyang kalokohan, pinupuntqhan nya si Venus sa bahay, laging kinukulit at sinisiraan pa ako. Tinext nya pa nga ako isang beses at kung ano ano ang mga pinagsasabi sakin. Inasar ako, minura at pinikon. Papatulan ko ba to? Nakakainis na eh, naaasar ako sa ginagawa nya.
Pinuntahan ko sya isang beses sa classroom pagkatapos ng klase, kinausap na tumigil na. Sinabihan na wala syang mapapala sa mga ginawa nya. Syempre kasama ko ang mga tropa, baka mabugbog pa ay mahirap na.
Pagkatapos nun ay tumigil na din naman sya. Akala ko talaga noon, sya ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin ni Venus.
Nang matapos ako sa pag iimagine ng flashback na yon, sabay din na nakarating ako sa pinagtatrabahuhan ko. Bumaba ako at dumiretso sa offuce ko. Tiningnan ang cellphone at nakita nagtext si Venus ng "gudmorning Maghapon akong nakaupo sa aking table at inaasikaso yung mga papeles. Sumakay ulit ako sa bus paglabas ng trabaho. Sumakay ako sa papuntang laguna. Gusto ko sya puntahan sa trabaho kaya dumiretso ako sa fastfood chain para din kumain.
Sakto naman na nagkita kami ni Venus sa loob. Naka bihis na sya kasi tapos na din ang trabaho nya. Umordef kami at kumain, habang kumakain, may iniabot ako sa kanyang isang maliit na kahon. Binuksan nya ito dahan-dahan.-------------------------------------------------
Vote for this story, im very much appreciative to people who do. :)

BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Roman pour AdolescentsDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.