CNN Breaking News: The master thief has again succeeded to steal one of the most expensive thing in the world. We had been informed that the Walking Man Sculpture of Alberto Giacometti was lost a while ago. The sculpture was displayed in Albright-Knox Art Gallery in New York. It has been reported that this sculpture costs $104.3 million. This is the most expensive piece of art to ever sell at an auction. Well this is really alarming since this is the third stealing attack within this year, we do hope that the government has to do something with it. Stay tune and...
Will's POV
Pinatay ko na ang Tv. Ano ba yan? Wala na bang mas ikagaganda pa ng mga balita ngayon. Puro na lang pagnanakaw, murder, rape, drugs, syndicate, child abuse, well.. name it all. Lahat na lang ata bad news. Ang gulo na ng mundo! Tsaka paano naman sila matutulungan ng gobyerno kung mismo ngang maliliit na pagnanakaw di masolusyunan, eto pa kayang nag iinvolve na ng malaking pera? Lahat na lang ng problema ibubunton sa gobyerno. Wala na lang silng pinapalampas. Wala din namang naitutulong ang gobyerno sa mga problema nila. Nakakastress naman oh. Teka nagriring ang cellphone kong nasa mesa, nang tingnan ko ang caller ID, si boss ang tumatawag.
"Good morning boss, what can I do for you?" I politely answered the call. Mahirap ng mapagalitan ng amo.
"Investigator Will, we just received a memo. We are going to have a big case and we need you here at the office as soon as posible." ani ni boss. Anong kaso na naman kaya to? Hindi pwede to! Kita mong nag u-unwind ako dito sa Maldives e. Sayang naman ang ibinayahe ko ng 19 hours, uuwi lang din pala ako agad.
"Hey boss, did you forget? I'm on a vacation!" Medyo galit ko ng turan. Nakakainis naman kasi eh. Ngayon na nga lang ulit ako makakakita ng abs este ng dagat tapos mabibitin pa. Kaya wala akong lovelife eh dahil sa pesteng trabaho na to. Kung di ko lang talaga to mahal matagal na kong nagresign talaga. Aside from the mental stress. Nakakabaliw talaga tong trabaho ko buti na lang at malaki yung sweldo.
"Yeah I know it, and no I did not forget it, I am very sorry but we really need your intelligence and expertise in this case. It's about the stealing attack of this master in disguise man. I'll send you your plane ticket thru your email. See me tommorow in my office first hour in the morning." Wow naman medyo demanding si boss!
"Hello, did you hear me investigator Will? Hello, are you still on the line?" dagdag nya pa.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng magsalita si boss. "Uh, alright boss, I guess you left me with no choice." Pinalungkot ko pa ang boses ko para naman makonsensya si boss sa pambibitin niya sa sanang engrandeng bakasyon ko. Makakapagpahinga na sana ako eh kahit saglit lang! Gusto ko mang magreklamo wala din naman akong karapatan kasi empleyado lang ako dito.
"I'm really sorry investigator Will, I promise after this you can have all the time that you want. I assure you, you can have your vacation with payment. Just this once, Will." Buti naman at umepekto ang pangongonsensya ko. Mabait naman din kasi si boss. Alam niya kung paano suklian ang mga efforts ng bawat empleyado niya. Marunong siyang makisama sa kanyang mga tauhan, medyo may pagkademanding nga lang. Tsaka eto ang gusto ko sa trabaho ko, aside from the professional fee, I can be able to tour around the world with payment. Nakakaenjoy pero nakakastress din minsan lalo na pag malalaki ang kasong hawak mo. Tulad ngayon!
"Hey that's a promise boss right? I am looking forward to it. Okay bye." Pinatay ko na yung tawag. Mababakas sa boses ko ang kasiyahan lalo na't may pinangako si sir na promotion pag ginalingan ko ang trabaho ko sa case na ito.
BINABASA MO ANG
Embrace the Mystery of Rain
Adventure"Without Rain, there would never be Rainbow" Rainbow is a group of girls na nabuo dahil sa kagustuhan nilang matugis ang isang professional thief at tinaguriang "The Master of Disguise", na tinawag din nila sa alyas na "Rain". They called him Rain b...