Let me be the one

86 0 0
                                    

Nandito ako sa isang restaurant. Sobrang simple lang ng itsura pero maganda yung place.

Sobrang importante kasi ng araw ngayon kaya medyo napaaga yata ako ng dating, pero kanina pa kasi ako nandito eh. 6:30 pm sharp yung pinag-usapan, eh mag-seseven na.

Um-order lang ako ng juice, at sandali lang ay dumating na agad. Iinumin ko na sana iyon ngunit..

"Hey, babe!" tawag sa akin ni Raffy. Napatingin naman ako sa kanya.

"Oh. Andiyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay eh. Saan ka ba nanggaling?"

"Sorry na. Promise, hindi na ako malelate ulit." sabay pout niya pa.

Napa-sigh nalang ako, "Hay. Oo na sige. Di naman kita matitiis eh. Basta, wag ka ng malelate ulit ha?"

Napangiti naman siya bigla, "Oo naman. Pangako ho iyan, boss." Napangiti na din ako doon.

Um-order lang kami at nag-usap ng konti lang, dahil agad dumating yung in-order namin. Kaya gusto namin dito sa restaurant na to eh, ang bilis na ang sarap pa ng foods.

"Happy 3rd anniversary sa atin, love!" bati ko sa kanya ng matapos kaming kumain. Humarap naman siya at ngumiti.

"Salamat. Happy 3rd anniversary din. I love you, mahal!" sabay lapit niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Ako naman ang ngumiti.

"I love you, too." sabi ko. "Siya nga pala, eto oh para sayo." sabay binigay ko sa kanya ang regalo ko. Binilhan ko lang naman siya ng watch at may mga pictures namin doon sa isang notebook na parang scrapbook na din. Nag-effort din ako doon ha.

"Woah. Thank you." simpleng sagot niya. "Oh, tara labas na tayo." pag-aaya niya.

Seriously? Wala siyang regalo sa akin? Ang tagal kong hinintay tong time na to eh. Nag-prepare pa man din ako.

Lumabas na kami at nagulat na lamang ako ng dalhin niya ako sa garden.

"OMG!" sigaw ko na medyo may pagkagulat.

Sino ba namang di magugulat sa ginawa niyang effort? Nakakakilig, ewan ko ba. Meron kasing malaking box na nakabukas sa gitna ng isang circle. As I can see, may boquet doon sa loob and teddy bear, may hearts na ilaw na nakapaligid. May nakasulat din sa banner na "HAPPY THIRD ANNIVERSARY BABE.". Nasa bandang puno iyon nakasabit. Kulang nalang yung mga mahal namin sa buhay!

"Jillie Madrid, happy third anniversary! I hope you like these." ngumiti siya at napangiti din ako.

"Oo naman. Sobra ko tong nagustuhan, I love you so much, Raffy!" sabay yakap ko sa kanya. Nagsalita muli siya habang nakayakap pa din ako.

"I love you too, Jillie." kumalas siya at hinalikan ako sa pisngi.

--

Days passed, masaya pa din kami ni Raffy. Minsan nag-aaway, pero syempre, nagbabati din naman agad. Normal lang naman iyon eh.

Hay, basta. Sobrang saya ko talaga ng dumating sa buhay ko si Raffy. Kundi dahil sa kanya hindi ako makaka-move on sa isang gagong lalaki na niloko lang ako.

Eh kase, may iba pala talagang mahal yung boy, kung kelan naging kami, doon ko nalaman na pinagpustahan lang pala nila ako nung mga kaibigan niya. Nagkataon namang si Raffy, gusto ako noon. Kinomfort niya ako, tinulungan niya akong bumangon at ayusin ang sarili ko. Di nagtagal, nagkagusto din ako sa kanya. Kaya ayun, nagkatuluyan kami.

Sana kami na talaga hanggang sa hu--

*Bzzzt bzzzt*

Biglang nag-vibrate ang phone ko at kinuha ko ito.

Let me be the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon