prologo

1 0 0
                                    

prologo(read slowly)

nagising ako sa patak ng tubig na tumatama sa aking mga palad. Marahan kong binuksan ang aking mga mata kasabay ang unti unting paggalaw ng aking mga daliri't mga paa.

Bahagya akong nakaramdam ng takot nang bumungad sa akin ang kadiliman ng lugar. Pamilyar yata ang lugar na ito sa akin?

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid.nasa kama ako,sa gitna ng kama . Nakasuot pa ako ng pajama gaya nang sinuot ko kanina bago pumikit para matulog. Napa bintong hininga ako nang masagot ko ang tanong na gumugulo sa akin isipan.kaya pala pamilyar kasi silid ko ito. Bahagya pa akong natawa sabay haplos sa aking buhok. 

Ilang sandali'y bumakas ng marahan ang siraduhan ng pinto. Dinig ko pa ito pati na ang impit ng tunog na nanggagaling rito. Ramdam ko pa ang kaba habang nakatuon ang buo kong atensyon . Malaking katanungan kung sinong pangahas ang gustong pumasok sa kwarto ko.

"oh ..anak,'bat gising ka pa?"

si mama lang pala. Umayos ako ng upo sa kama saka sumagot.

"wala po nalamigan po kasi ang mga palad ko galing sa baso.." sabay turo sa gawing kanan kung saan nakalagay ang nakatumbang baso. May mga gamot pang nakakalat sa tabi nito.

"..natabig ko ata." dagdag ko pa.

Tumango lang ito saka ngumiti.ganun rin ang ginawa ko .isasara na nito ang pinto base sa galaw niya.

"pagaling ka ,matulog ka na din ..goodnight darling." kasabay na nun ang pagsara ng pinto.

Bumalik na ako sa pagkakahiga matapos ligpitin ang mga nakakalat na gamot pati na din ang mga baso. Marahan kong pumikit para bumalik ulit sa pagkakatulog,pero laking taka ko kung bakit di ako nakaramdam ng antok.kahit anong paikot ikot pa ang ginawa ko ay di pa rin nakatulong.

Teka..

Di ba nasa macau si mama?

Binukas ko ang aking mga mata sabay upo. Sinapo ko ang aking noo dahil sa sobrang pag-iisip.

'baka naman umuwi na siya kanina di ba?'

pero kahit anong pagkumbinsi sa sarili'y di pa din ako mapakali bagkus ay mas lalo pa akong nakaramdam ng kaba.nanigas ako at nanlamig.para akong binuhusan ng malamig na tubig sa realisasyon. Kakatawag lang kasi ni mama kaninang alas diyes  at ang oras ngayon ay... Teka sira ba ang alarm clock namin? Di kasi gumagalaw ang mga daliri nito. Inalog alog ko ito matapos abutin sa ulohan.pero di pa din gumagalaw. Kahit na makailang ulit ko nang tinatanggal balik balik ang baterya ng orasan. Itinigil ko nalang ito. 

Kahit sa wallclock at wristwatch ko'y ganun rin. Nakapagtataka  lang ang nangyayari mas lalo lang akong kinabahan. 

Minabuti ko nalang na tanungin si mama .

"ma..." nakailang katok na ako sa pinto pero wala pa ding sumasagot . Kinabahan ako lalo..halos rinig na rinig ko na ang bawat pintig ng puso ko sa kaba.samo't saring ediya ang pumasok sa isip ko.kung baka may nangyaring masama kay mama.na baka natutulog na siya.pero hindi eh,mabilis magising si mama di katulad ko na tulog mantika,baka wala talaga si mama at naghallucinate lang ako.hindi rin...o baka inatake nanaman siya sa puso..napatigil ako. May sakit pala si mama shit!

"mama bubuksan ko ang pinto!" paghingi ko ng permiso bago pinihit ang door knob.bumungad sa akin ang napakalinis na kwarto ni mama.walang bakas na may pumasok dito,knowing na parating makalat ang kwarto nito bago matulog katulad ng nakaugalian nito. Maging ang kama ay maayos pa din,walang gusot,walang bakas ng pagkakagamit.

Ano ibig sabihin nito?! Nagmamalikmata lang ba ako?! Pero nakausap ko siya kanina bago matulog!

'aaaaaaAAAHHHHHHHhhhh!'

agad akong lumabas matapos marinig ang boses ni mama sa labas.alam kong siya yun.

Nakarating naman ako sa labas kahit gulong gulo pa ang mga buhok ko at gusot pa ang damit ko.di ko rin nasuot ang tsinelas ko. 

"anak..." nawala ang kaba ko at paghihinala nang makita ko siya. Thank god she's ok! Halos patalon akong lumapit sa kanya sa sobrang tuwa.

"mama!" halos paiyak kong sabi.pero di pa din siya yumayakap sakin pabalik. Nakapagtataka.

"mama?" di pa din ako umaalis sa pagyakap sa kanya.

"sweetheart..."sabi nito. 

I stiffined. Umalis ako sa pagkakayakap saka nagmadaling umatras. Mga ilang hakbang lang.

"s-sino ka?" nagdadalawang isip pa akong tanungin ito. Kilala ko si mama. Hindi sya iyan.

"anak ako to.." sabi pa nito pero di ako kumbinsido sa sinabi niya.

"sino ka!"

"an--"

"sino ka ! Di ikaw ang mama ko..." tanong ko.napahina ang sabi ko sa huling sentence ko..para na yung bulong kung tutuusin.

Ilang sandali ay humalakhak ito.nag-iiba na din ang boses nito.still ,naka katawan na parang si mama ito.iba ang boses nito..parang ang lalim ng boses na di ko maipaliwanag..nakakatakot. Di ko namalayang humihigpit na pala ang kapit ko sa laylayan ng pajama ko.

Sa wakas natapos na din ito sa pagkakatawa.Nakatitig lang ako sa kanya. Ano bang nangyayari? Parang gusto kong mag collapse...nanginginig ang buo kong katawan.nararamdaman ko ding nanlalambot ang tuhod ko

"hahaha wow bata...ang talino mo,napansin mo...."anito

di nga siya ang mama ko..alam ko yun.. She used to hug me back sa twing dadating siya sa bahay. Mapa business trip man galing o namamalengke. She hate using me sweetheart.coz its reminding it about her past.

"pero kahit napabilib mo ko... Di pa din kita papalampasin....."sabi nito. Umalis ito sa pagkakahawak sa maleta.itinaas nito ang hintuturo sa harap niya malapit sa mukha nito. 

Nagimbal ako sa ginawa niya, she, she...she.... Pinunit niya ang mukha niya. Muntik akong masuka sa ginawa nito.nasama ang isang mata nito sa kaliwa sa balat na napunit.. Kita ko na ang bungo at mga nakadikit na laman dito.sunod nitong kinuha ang buhok kasama ang balat sa ulo. Kung bunutin ito pataas ay parang wig lang. Napalunok ako. Ayoko na. Masyado ng torture...wag... Kahit hindi iyon si mama..para ko pa ding nakikita si mama na ginagawa yun sa harap ko.

 "My name? 

Its nightmare.. Lets begin the nightmare's game . And by the count of 1 to 3 you'll run. Defend youself coz ill chase you........." 

----

hey you! 

Oo ikaw nga!

Vote ka muna kung nagustuhan mo ito bago mag proceed sa ibang kwento

salamat salamat kahit ang pangit nito.lol.

Geh thanks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

nightmare's stairway to hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon