Natasha's POV:
Mariin ang paglunok ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya, nakita ko ang gamot na 'to dahil gusto ko sanang maghanap ng sauce. Hindi ko alam kung para saan pero nakita ko na gamot pala sa depression at pills pampatulog. Natitigilan akong napatingin sa gamot na hawak ko, hindi s'ya nagsalita at iwas rin ang mata niya.
May parte sa 'kin ang kumirot at may parte sa 'kin ang nahahabag sa kanya. I know this past few days I've been stressing him dahil gusto kong marealize niya na dapat hindi ako ang kasama niya. Kaya naman hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ngayon habang nakatingin sa kanya.
"Oh, don't look at me like you pitied me so much..." natatawang sambit niya at umupo.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang pagkain, konsensya ko pa kung hindi s'ya makainom ng gamot. Inurong ko ang pagkain sa kanya kaya nagulat s'ya at tinignan ako. Nilapag ko rin ang gamot at inayos ang pagkain niya, naguguluhan s'yang nakatingin sa 'kin.
"Kumain ka na..." kalmadong sambit ko sa kanya.
"Y-you? Tapos ka na bang kumain?" nagaalinlangan na tanong niya.
Tumango lang ako. "Sa labas muna ako. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka," sambit ko at tumayo na.
Wala akong narinig na sagot kaya lumabas ako, napapagod na umupo ako. Gusto kong magtanong tungkol doon sa gamot, kinagat ko ang labi ko at napailing. Hindi dapat ako mag-alala para sa kanya, kailangan kong panatilihin ang galit ko. Hindi dapat ako magpadala ng emosyon ko para sa kanya.
Pumunta ako sa labas at umupo sa sun lounger. Tinignan ko ang payapang dagat, somehow nakakaramdam ako ng kapayapaan. Hindi dapat ako nagiging malapit sa kanya, hindi dapat ako nagiging mahinahon sa harapan niya. Tinignan ko ang asul at berdeng dagat at para akong hinahatak nun palapit sa kanya.
"Do you want to swim?" napatalon ako sa boses ni Wade na nasa gilid.
"Pwede?" mahinang tanong ko at ang tingin ay nasa dagat.
He smiled. "Sure you can do all you want," nakangising saad niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi ka ba nag-aalala na baka kapag nakalusong ako sa dagat ay takasan kita?" nanghahamon na tanong ko habang nakalagay ang mga braso sa dibdib.
I heard him chuckled kaya kaagad akong napatingin sa kanya. "Tatakasan mo ba ako?" nakangising tanong niya.
Napatitig ako sa kanya, para kong nakikita si Warren sa mga mata niya. Lumakas na naman ang kabog ng puso ko, naging seryoso ang mata niya. Hindi ko maaalis ang paningin sa kanya na nakatitig sa 'kin, ang mga mata niya na gustong gusto kong tignan noon pa man. Malakas at parang pumipitik sa bilis ang pagtibok ng puso ko.
"You will never escaped from me hangga't hindi tayo nagkakaayos..." seryosong sambit niya.
"Hindi kailaman maayos ang lahat Wade..." ngumiti ako sa kanya nang mapait.
Lumapit s'ya. "Maayos natin, Natasha kung gugustuhin nating pareho..." mahinahong sambit niya at titig na titig sa 'kin.
Lumunok ako. "Matagal na tayong sira Wade, kaya 'yang sinasabi mo ay nakapaka imposible para sa 'kin. Kailaman ang sugat na naiwan hindi na kayang humilom kapag sobrang lalim," kalmadong sambit ko sa kanya.
Hindi s'ya sumagot. Kahit gusto kong pag-usapan ang lahat sa tingin ko ay hindi pa rin tama na mag-usap kami. Iba na ngayon dahil madaming nagbago sa'ming dalawa. Isa na doon na may anak na s'ya, may pamilya na s'ya. Sa isiping 'yun parang may nagbara sa lalamunan ko at ang pait ay nanuot sa kalamnan ko.
"I want to make things right for the both of us, Natasha... iy want so bad to make it up to you..." mahinang sambit niya halos bumulong na.
"Kung naisip mo 'yan dati pa edi sana maayos tayo ngayon. Accept it Wade, hindi na maayos ang dating nasira na," ngumisi ako at kaagad s'yang tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AcciónBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...