HQ- Prologoue

18 0 0
                                    

Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ba akong maghihintay?

Minsan, akala mo siya na. Pero hindi pala, dadaan lang pala siya sa harap mo at iiwan ka.

Gaano ba katagal dapat para malaman mo na, siya na? Yung, dadaan sa harap mo at di ka papaasahin.

Ayan na....

Paparating na siya.

Siya na ba? O katulad din siya ng iba na papaasahin lang ako?

Worth it ba ang paghihintay ko?

O katulad din siya ng iba, na dadaan sa harap ko, papaniwalain ako na siya na nga. Pero iiwan din naman akong naka-tanga.

O baka naman, siya talaga ang nang-iwan. Yung ginawa mo lahat ng makakaya mo, hinabol mo pero iiwan ka rin pala. Di ka pinaasa, pero ikaw ang umasa.

Pwede ding, dahil busy ka kakahanap sa iba, hindi mo napansin, na yung hinihintay mo ay dumating na pala. Kaya ayun, nganga at sa bandang huli nagsisisi ka.

Siya na ba?

Kasi masakit na. Sobrang sakit na....

Ayan na, malapit na siya. Pero di ko na kaya..

Sa wakas eto na siya, tumigil siya sa harap ko at inantay ako...

Hayy, worth it din pala. Kahit masakit.

Waiting is painful, ika nga.

Sobrang sakit kaya...

Ang sakit sa mata at paa maghintay ng jeep, punyeta..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon