Maaga akong pumunta sa school dahil sa na-receive kong message galing kay Lia kagabi. Hindi ko naman ineexpect na ichachat niya ako since we are not close. I just saw it in my message request. Buti nalang at nag-open ako ng messages.
Walang klase since Sabado ngayon pero bukas ang school namin. Strikto ang mga guard lalo na't hindi school days, baka may makapasok na outsider kaya naman dala-dala ko ang I.D ko incase na hindi ako papasukin. Ang sungit pa naman ng mga guard dito!
I have waited for almost five minutes already pero hindi pa rin siya dumadating. I chatted with her that I'd be waiting for her at the gymnasium, but she wasn't online yet.
May mga nagpa-practice ng basketball at iba't-ibang sports dito kaya naman parang tanga akong sumisiksik sa gilid kahit pinaka-gilid na ito. Takot pa naman ako sa bola!
And then I saw a familiar faces. Xave and his bestfriend, Zaldrin. Hindi namin kaklase si Zaldrin since STEM ang kinuha niyang strand, samantalang kami ay ABM. I saw Zaldrin pointed me while still talking to Xave. Lumingon na rin ito sa akin. He waves at me, smiling. I do the same thing. Akala ko ay pupuntahan nila ako pero lumiko din naman agad sila at pumunta sa mga athletes. Nakalimutan kong member pala sila ng SSG.
I opened my messages again and finally, Lia chatted with me!
From: Alliah Clarrise Joven
Hi, Astral! I'll be there in a minute. Wala kasi akong masakyan. Pasensya na.
I reacted heart on her message.
To : Alliah Clarrise Joven
Sure, take your time. Hindi naman ako nagmamadali.
She quickly seened my message and reacted heart on it. Tinago ko na ang cellphone ko since hindi naman na siya magrereply pa.
Tumayo ako para umalis na ng gymnasium at abangan nalang sana si Lia sa may gate dahil dumadami na masyado ang mga tao dito. Ang init pa!
Medyo nakipagsiksikan pa ako dahil nasaktuhan na paglabas ko ay tamang pagpasok ng mga football players based sa suot nila at sa bolang dala nila. Magpapahinga lang ata sila dito dahil mukha na silang pawisan.
"Hi, Ate! Ang ganda mo po!" ,bati sa akin nung isang matangkad na player na nakakasilaw sa mata ang suot na damit. Neon, color rainbow.
Ngumiti lang ako sakanila ng tipid at pilit na sumiksik para makaalis na.
"Ate, ano name mo po? I-aadd lang sana kita sa fb, ig tsaka twitter, kung okay lang?!" ,atsaka sila nagtawanan. I didn't say a word dahil alam kong pinagtitripan lang nila ako. Parang mga tangang walang magawa sa buhay. Nakakapikon. Bwiset!
Gumilid nalang tuloy muna ako para makaraan na sila dahil parang walang mga balak na paalisin ako. "Mauna na kayo." Mahinahong sambit ko kaya naman natahimik sila. Tumingin sila sa akin pero hindi pa din umaalis sa pwesto nila. Bakit kasi hinarangan pa ng mga staffs dito sa school ang ibang entrance at exit dito sa gymnasium? Nagsisiksikan tuloy masyado!
"Pwede bang huwag kayong humarang? Andami nang taong gustong pumasok,oh!" I felt relieved when I heard his voice. Buti nalang at dumating siya.
Agad namang sumunod ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na ang mga taong yun sa paningin ko.
I faced him and smiled. "Thanks, Xave! Sorry for disturbing you! By the way, I need to go already. Lia is waiting for me." I waved goodbye and run. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil masyado nang nakokonsumo ang oras ko.
I smiled when I saw Lia waving at me. Tumakbo ako palapit sakanya at halos hingalin na nang magkatabi na kami. "Masyado ka namang excited makasama ako!" Bungad niya sa akin at malakas na tumawa. "Kanina ka pa ba dito? Sensya na, naghintay pa kasi ako ng masasakyan."
"Ayos lang, hindi naman ako gaano naghintay." Sagot ko dito kahit kanina pa ako naghihintay at nagmumukhang loner sa gymnasium kanina. "About sa message mo kagabi, are you really okay?"
Tumango siya at inakbayan ako. "Pwede ka naman akbayan 'di ba?"
Tumawa ako. "Mukha ba talaga akong expensive?" , nagtatakang tanong ko. I remember Xave saying something like that to me before.
Umiling siya. Nagsimula na kaming maglakad paalis sa school habang nakaakbay pa rin siya sa akin. "You look soft and fragile, Astral. That's it!"
Napaisip ako sa sinabi niya. Buong buhay ko, I always thought that I was strong since I don't depend on others. Kaya kong mabuhay ng walang kaibigan. Pero iba ang nakikita sakin ni Lia. Ayoko maging mahina. I never dreamed of being weak.
"Natahimik ka dyan?" Nagulat ako sa biglaang pagsalita niya. Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin. She clung to my right arm with her left arm. Feeling ko ay sobrang close na namin. "Huwag mo na masyadong isipin yung sinabi ko tungkol sayo. That's just how I view you as a person, and take note, there's nothing wrong with being soft and fragile."
I never thought that the time would come for me and Lia to talk about something like this. We're not friends, but I feel like we are. And for the first time in my life, I wished I had a friend. Maybe Xave isn't enough for a friend. That's why Lia is here.
"Thank you for being honest, Lia." I said to her. She looked at me and smiled genuinely.
"Buti ka pa ang tingin sa akin ay ganyan. Samantalang ang mga taong malapit sa akin, tingin sa akin ay tarantado. Kasalanan." Napatawa siya ng sarkastiko. "Sensya na sa pagmumura ah! Every day, people judge me as if they are the writers of my own life. Nakakasawa yun, Astral!"
I stared at her for a minute. Pumasok kami sa isang coffee shop at umupo sa pinakadulo. Walang gaanong tao dahil madalas ay estudyante ang mga customers nila. Umorder ako para hindi kami paalisin.
"That's the reason why I messaged you last night. Ewan ko ba kung bakit ikaw pa yung chinat ko eh andami ko namang kilala."
"Nagsisisi ka ba?" I asked curiously. Natawa siya.
"The first time you spoke to me on that rainy day, I believe people will find comfort in you because I did. You may not know how yet, and maybe I am not the person who would make you realize that, but I'm thankful that I found a friend during a storm in my life."
My heart flutters. It's the first time I've heard something like this about me. Maybe the rain was my comfort zone after all.
*-*

YOU ARE READING
RAINDROPS FALL
Novela JuvenilAstral Zacera used to think that Xavier Vinares was the storm that she didn't want to let in, no matter what. But little did she know, she was the torrential rainfall that would destroy the man's harmonious life.