Chapter 31

6.5K 172 3
                                    

Natasha's POV:

Bumuntong hininga ako at kaagad na sumalampak sa sofa, kaninang umaga pa umalis si Wade. Hindi ko alam kung bakit nandito ako at naghihintay sa kanya, hindi ba dapat wala akong pakielam? Kanina pa masakit ang puson ko at panay rin ang pagsusuka ko, I have this fucking diarrhea at ganito ako kapag mayroong ganoon. Nagsusuka, panay ang kain, at nanghihina dahil sa sakit ng puson ko ganito ako kapag dadatnan na.

Nakapagluto na rin ako at nag-e-expect ako na magsasabay kami ni Wade kumain, I don't know this strage feelings. Komportable ako kay Wade noon pa man at pati hanggang ngayon, imbes na nagagalit ako sa kanya sa mga nagdaang araw mas gumagaan ang pakiramdam ko. Literal na naiinis ako pero dahil ganito ako noon sa kanya, kaunting assurance lang sa kanya ay napapanatag na kaagad ang loob ko.

Napapikit ako dahil sa inis sa sarili at inis sa puson ko. Nakahoodie ako at isang cycling, nakamessy bun ang buhok ko at kanina pa ako namimilipit sa sakit ng puson. Napatakbo kaagad ako sa banyo at doon sumuka nang sumuka, wala rin akong ganang kumain pero dahil may coco jam sa ref ay nilantakan ko na kaagad ang pagkain.

"What the heck..." nanghihinang sambit ko at umupo sa tiles.

Sapo ko ang puson ko at pakiramdam ko lalagnatin ako dahil sa sakit. Narinig ko na ang paglipad ng helicopter kaya nabuhayan ako pero nanghihina pa rin. Hindi ko alam bakit nae-excite ako sa pagdating ni Wade, napangiwi ako sa sarili ko. Ganitong ganito ako noon kapag naghihintay sa kanya sa pagdating niya sa school or sa trabaho.

"Natasha? Baby?" narinig ko na ang pagtawag ni Wade.

Hindi ako gumalaw dahil nahihilo rin ako at sumasakit talaga ang puson ko. Narinig ko ang kalabog sa pinto ng kwarto at ang nataranta niyang boses, kahit ano ang gawin ko hindi ako makatayo sa sakit.

"Natasha? Damn it! Where are you?" gumaralgal ang boses ni Wade kahit na pilit niyang hindi pinapahalata.

Nanikip naman ang dibdib ko dahil alam kong kahit hindi niya ipahalata, natatakot s'yang mawala ako. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako tumakas gayong ako lang ang mag-isa dito sa yate. Tumayo ako dahil kanina pa s'ya panay ang tawag, huminga ako ng malalim at naglakad hawak ang puson ko. Natigilan ako nang makita ko s'yang nakaupo sa ibaba ng sofa, yakap ang mga tuhod niya at umiiyak. Napakurap kurap naman ako sa nakikita ko, ganoon ba s'ya katakot na mawala ako sa tabi niya?

"No...no... she didn't leave me... no..." rinig kong mahinang hikbi niya at panay ang iling.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa pangingilid ng luha. Pumunta kaagad ako sa kanya at lumuhod upo sa harapan niya, napa-angat ang tingin niya at nanlalaki ang mata. Niyakap niya kaagad ako at siniksik ang ulo sa leeg ko, I sighed and hugged his masculine back.

"Hey," mahinang sambit ko at hinaplos ang likod niya.

"I thought you leave me..." He murmured softly on my neck while hugging my waist.

"No," mahinang saad ko at tumingala dahil nahahawa ako sa pag-iyak niya. "D-don't you dare cry in front of me Wade." Hindi ko alam kung siya ang sinasabihan ko o ang sarili ko.

"No.. no..." mahina na naman ang paghikbi niya at tinignan ako ang mga mata ay mapupungay at namumula pa. "You won't leave me? Aren't you?" dagdag niya at ngumusong parang bata sa harapan ko.

"What's that face?" nakangiwing sambit ko ngunit nginitian niya lang ako at niyakap ang bewang ko.

Napangiti ako, ganoon na ganoon pa rin s'ya. Pagkatapos umiyak ay ngingiti na parang baliw, kapag nakayakap lang s'ya nagiging abnormal. Tinignan niya ako at napakunot ang noo niya at sinipat ang kabuaan ko, masakit ang ulo, puson, at iba pa.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon