Chapter 32

6.5K 174 5
                                    

Wade's POV:

Pumunta ako sa kwarto at kaagad na hinalungkat ang drawer ko dahil dala ko ang letter at ang singsing. Nakanguso kong kinuha ang letter na medyo nalukot ko na dahil sa sobrang galit ko noon sa kanya. Idagdag mo pa ang envelope na naglalaman ng scandal ni Natasha, kissing another boy from every country. Ilang beses akong huminga ng malalim, pumikit ako ng mariin dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nagtagal ako nang ilang minuto bago ako lumabas at naabutan ko s'yang nasa sofa, yakap ang unan.

She's beautiful. Kahit nakaside view ay s'ya na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. Magmula sa makakapal na kilay, nang-aakit na mata, matangos na ilong, perpektong panga, at ang labi niyang perpekto ang hugis. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang tignan ang iba kung sa kanya palang ay kuntento na ako. Simula ngayon, s'ya nalang ang babaeng pagtutuunan ko ng atensyon dahil tatapusin ko na ang alitan naming dalawa.

"Here," malamig na sambit ko, gusto ko na maintimidate s'ya sa 'kin kahit ngayong gabi lang.

"What's this?" nagtatakang tankng niya habang hawak ang envelope.

Nagkibit balikat ako at pumunta sa kusina para magsalin ng alak para may lakas ako para makausap s'ya. Nilagok ko ang isa at kumuha pa, pumunta ako ulit sa kanya at umupo sa kasalungat na sofa sa harapan niya. Nanlalaki ang mata niya, nakaawang pa ang mapupulang labi habang titig na titig sa litrato.

"That was 4 years ago," malamig na sambit ko. "It's been eighth years since we broke up. Yet, I got that information to someone I don't know who are he or she," dagdag ko sa seryosong boses.

"B-but this is not me..." mahinang sambit niya. "Y-yes, I'm partying all over the world but not this flirting," nauutal na sambit niya, gulong gulo.

"Really?" nakangising samvit ko, nanunuot na ang galit sa loob loob ko. "After leaving me naghanap ka kaagad ng iba? You're unbelievable!" malamig na singhal ko sa kanya.

Suminghap s'ya at tinignan ako kaya iniwas ko ang tingin. Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya, paano niya nagagawang makipaghalikan? Hindi niya ba ako naisip? Minsan ba naiisip niya na nasasaktan rin ako? Yumuko s'ya at kumunot ang noo. Naiinis ako dahil kahit anong galit ang mayroon ako, mahal na mahal ko pa rin si Natasha. Walang papantay sa pagmamahal ko sa kanya.

"H-hindi ako 'to...nag-aaral ako sa ibang bansa, minsan lang kung pumunta ako sa club kasama ang mga kaibigan ko pero never akong humalik nang ibang lalaki dahil..." suminghap s'ya at tinignan ako.

"Dahil?" nakangising sambit ko, nag-aalab ang mga mata dahil sa galit.

She sighed. "Dahil hindi ako hahalik ng iba kung alam ko sa sarili ko na sa'yo pa rin ako..." mahina ngunit rinig na rinig ko.

Napalunok ako. Parang sumapul sa puso ko ang sinabi niya. Seryoso na ang tingin niya sa 'kin kaya naman alam kong totoo, sa lahat ng tao s'ya ang pinagkakatiwalaan ko nang lubos. Kaya ang marinig sa kanya ang lahat, naninibago ako at nabubuhayan ako.

"Kilala mo ako...kapag sinabi kong s-sa'yo ako, sa'yo ako. Kaya I'm telling you it's not me who's in this picture," seryoso at kalmadong sambit niya.

"I don't believe you," mariing  sambit ko at tinuro ang picture. "Mukha mo ang nakikita ko! Buhok mo, katawan mo! Lahat lahat kaya wag mong sasabihin na hindi ikaw 'yan," dagdag ko sa mariing boses.

"Hindi nga ako 'to," kalmadong sambit niya. "Kilala ko ang sarili ko at ang katawan ko. Kung hindi ka naniniwala hindi ko na problema 'yun," dagdag niya at inirapan ako.

"What about the letter huh? Sasabihin mo rin bang hindi sa'yo 'yan gayong sulat kamay mo ang nakalagay diyan," sambit ko sa kanya at suminghap.

Tinignan niya 'yun, nangingilid na naman ang luha sa mata ko na kailangan ko pang uminom ng alak para mawala. Huminga s'ya nang malalim at kunot noong binasa ang sulat, tumataas pa ang kilay niya at ngingiwi pa. Kumunot naman ang noo ko, tuwing maiisip ko talaga ang sulat na 'yan nagagalit ako at baka sumabog ako ngayon dahil sa letter.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon