Forever (Short Story)

327 15 2
  • Dedicated kay Daisy Gigante
                                    

It was raining again. Bumuntong hininga si Jonathan. Pinagmasdan niya ang paligid. Sa mga nakalipas na buwan ay ang puting kuwartong ito ang kasa-kasama niya. Araw ng operasyon niya. Fifty-fifty ang chances kung makakasurvive siya. Pitong buwan na ang nakararaan nang ma-diagnose siya na may brain tumor. Malignant na ito. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang mag-under go sa iba't-ibang treatment lalo na ang operasyon. Pero his parents insisted na magsagawa ng operasyon. Honestly, hindi siya nanlumo nang malaman niyang may sakit siya. Mas gumaan pa nga ang pakiramdam niya na kung hindi niya lang inaalala ang mga magulang ay baka namuhay na lang siyang mag-isa sa isang lugar na siya lang ang tao at maghihintay hanggang sa malagutan siya ng hininga. Yes, he wanted to die pero parang mailap ito sa kanya. Suicide? No, wala siyang karapatang kitlin ang sariling buhay. Besides, masyado niyang mahal ang mga magulang para iwan ang mga ito ng ganun-ganun lang.

Tumingin siya sa labas ng bintana. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Napangiti siya. It always felt good to watch the pouring rain. It reminds him of someone..someone special. Daisy Mercado. The woman he fell inlove with. Ang tanging babaeng nagbigay sa kanya ng dahilan upang magpatuloy sa buhay.

It was fine rainy day....

Shit! Asar na sambit ni Nathan. Traffic again. Kahit saan ka tumingin ay traffic bukod pa doon ay ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na siyang pangunahing dahilan ng traffic. Iyon ang rason kung bakit kinamumuhian niya ang ulan. Naiinis na pinukpok niya ang manibela at luminga-linga sa paligid.

Maghahanap siya ng ibang daan. Mataktika niyang iniliko ng sasakyan. Tamang-tama, may daan dito patungo sa kanyang destinasyon. One-way lang ang daan kaya naman walang kahirap-hirap na nakalusot siya sa nakakainis na traffic, ganun pa man hindi naman totally nawala ang irritasyon niya dahil wala pa ring tigil sa pagbuhos ang ulan na sa wari ba ay inaasar siya.

Sige lang. Umulan ka ng umulan. Tiyak naman na mauubos ka din! Inis na sambit niya. Hindi nagtagal ay binabagtas na niya ang short-cut na daan nang may mamataan siya. Isang pigura ng babae sa isang waiting shed, her hair is wet dala ng pagkakabasa sa ulan but it doesn't lessen the simple beauty that she possess.

Dahan-dahan ang pagmamaniobra niya sa sasakyan habang palapit dito at inihinto malapit sa waiting shed kung saan naroon ang babae. He studied her face, bukod sa butil-butil na tubig ulan sa mukha ay hindi maikakaila na taglay nito ang pinakamagandang mukha na nakita niya. She possessed impressive, smiling eyes, a few strands of hair that fell freely over his rosy cheeks; cute pointed nose and sweet looking lips. Even though she didn't smiled, her eyes do so while looking at the pouring rain.

"Hi" sabi niya pagkalapit rito. Bahagya pa itong napapitlag at lumingon sa direksyon niya.

"Yes?"

Kung kaakit-akit ito sa malayuan higit sa malapitan. Bahagya pa siyang natulala dito. She looks familiar, though. Hinamig niya ng bahagya ang sarili. 

"Tingin ko ay walang dumadaang pampasaherong sasakyan dito. Maaari kang sumabay sa akin"

Hindi niya alam kung bakit iyon kaagad ang kanyang sinabi.

"Thanks, but no thanks. Okay lang ako rito." sagot nito.

"Hindi ako masamang tao"

"Sinabi ko bang masama kang tao?"

"Iyon ang ibig mong ipakahulugan sa pagtanggi mo"

"May hinihintay ako"

"Sino?"

"Ang aking kasintahan." nakangiting sagot nito. He was a bit dissapointed sa kaalamang kasintahan nito ang hinihintay.

Forever (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon