Wade's POV:
Early in the morning nagising ako nang wala na sa tabi ko si Natasha, nataranta kaagad ako at mabilis na nagbihis ng damit dahil nakaboxer lang naman ako kahapon pa. Lumabas ako dahil baka iniwan niya na naman ako at nakita s'yang wala, huminga ako ng malalim dahil kinakabahan na naman ako. Pinuntahan ko s'ya sa labas at nakitang payapa ang pang-umagang dagat, napakunot ang noo ko nang marinig ang strum ng gitara.
Tumingin ako sa itaas dahil doon naririnig ko ang pagstrum ng gitara. Kinakabahan ako pero kaagad rin naman akong umakyat sa itaas, palakas ng palakas ang bawat strum ng gitara kaya mas lalo akong kinabahan. It's my birthday today, kaya naman ganito ako dahil baka naman nawala na si Natasha.
Napanganga ako nang makita ang ayos ng upper deck. Nandoon s'ya nakaupo sa upuan at hawak na ang gitara ko,dahan dahan s'yang napatingin sa 'kin at ngumisi nang nakakaloko. Napakurap ako dahil nandoon rin ang mga pagkain sa gilid niya, maayos at malinis ang paligid.
Song: Always be my baby
"We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine
Now you want to be free
So I'm letting you fly
Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No!"Napatulala ako dahil sa biglaang pagkanta niya. Ngayon nalang ulit s'ya kumanta and now she's singing our theme song we we're in highschool days. Napalunok ako dahil dahil diretso ang tingin niya sa 'kin, naka-ayos s'ya ngayon at ang ganda ganda niya talaga.
"You'll always be a part of me
I'm a part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Ooh darling cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my baby,"Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam na ito pala ang surpise na tinutukoy niya, para akong tanga na nakatayo lang sa unahan niya. Unable to move. Ngumisi s'ya at nagstrum na naman ng gitara. Eksperto ang galaw ng mga daliri niya at noon pa man hanga na ako sa kanya, s'ya ang nagturo sa 'kin sa paggamit ng gitara at s'ya ang nagturo sa 'kin kung papaano mahalin ang musika.
"And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my baby
I know that you'll be back girl
When your days and your nights get a little bit colder oooohhh
I know that, you'll be right back, babe
Ooooh! baby believe me it's only a matter of time,"Tumayo s'ya at nilapag ang gitara sa tabi niya. Ngayon ko lang nakita ang suot niya, she's wearing a nike leggings and a black tube. Lumapit s'ya sa 'kin at hinalikan ang labi ko, kaagad ko s'yang niyakap at binaon ang mukha sa leeg niya. Natawa s'ya at niyakap ang bewang ko, piling ko ay naiiyak ako.
"Baby..." suminghap ako at niyakap pa lalo ang leeg niya.
"Happy birthday..." She whispered softly. "I... I love you," mas lalo akong suminghap nang marinig sa kanya 'yun.
Sobrang sarap sa pakiramdam na nakayakap ko s'ya. Sa saya ko ay hinalikan ko ang labi niya na tinugon niya, hinawakan ko ang panga niya papunta sa buhok niya at mas nilaliman ang pagsiil sa labi niya. Niyapos ko ang balakang niya papunta sa pang-upo niya at marahang pinisil 'yun.
"I love you so much..." mahinang bulong ko, gumagaralgal ang boses ko sa tuwa.
She smiled. "Oh, don't cry, your supposed to be happy right now, Wade," ngingising sambit niya at hinawakan ang braso ko.
I shook my head. "I... I can't really believe that you're doing this for me," nangingiting sambit ko sa kanya at niyakap s'ya patagilid.
"Maybe I just realized some things," simpleng sambit niya at tinignan ang nasa unahan namin.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AcciónBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...