PROLOGUE

404 8 0
                                    

Mula rito sa labas ng kwarto ng asawa ko ay hindi ko makuhang gumalaw o umalis man lang aking pwesto.

Ungol

Tanging mga ungol lang nila ang naririnig ko mula rito sa labas.

Kasama pala niya si Crystal

Ang sakit-sakit isipin na ang taong mahal ko ay may mahal ng iba. Ang hirap hirap niyang mahalin. Pero kailangan kong mag tiis dahil mahal ko siya. Ang buong akala ko kapag ikinasal kami mamahalin niya ako ulit kaya pumayag ako pero nagkamali ako.

Simula ng araw ng kasal namin walang araw na hindi niya ipinamukha sakin na wala akong kwentang babae at hindi dapat ako mahalin.

Dahan dahan na ako nag lakad papunta sa kwarto ko naramdaman ko na rin na huminto na sila. Agad naman akong nag madaling magtungo sa kwarto ko pag pasok ko pa lamang ay bumagsak na ang mga luha ko.

"Babe, I want to eat na, I'm hungry" rinig kong sabi ng babae niya

"Okay babe, saan mo gustong kumain?" Tanong ng asawa ko naririnig ko ang mga yabag nila

"Kahit saan basta kasama kita" narinig ko pa ang hagikgik niya

"I love you babe"

"I love you too babe." Pakiramdam ko may mga patalim na tumusok sa puso ko ng ilang ulit. "Let's go."

Narinig ko ang mga yabag nila na pababa sila ng hagdan siguro aalis na sila. Nang wala na akong maramdaman doon na muling tumulo ang luha ko. Iyak lang ako ng iyak

bakit ba hindi mo ko kayang mahalin ulit?

Ginagawa ko naman ang lahat para bumalik tayo sa dati. Pero bakit ganun? Bakit parang kulang pa rin.

I'm Jane Marquez Villamor, the wife of Tristan Xyrill Villamor.

And this is our story....

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon