CHAPTER FORTY-SIX

1.1K 113 32
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Medyo namimigat ang katawan ko pagdilat ko ng mga mata. Nang iikot ko ang paningin, I saw white walls. Hindi agad ako nakagalaw dahil may nakadagan sa bandang tiyan ko. Nang tingnan ko iyon, may nakita akong balahibuhing braso. Then, I saw a familiar head resting on my side.

"Seth!"

Umungol siya tapos ay napaupo nang matuwid.

"Keri! Thank God, you're awake now. How do you feel now?"

"I feel okay. Ano'ng nangyari?"

Then, I remembered him standing in front of my father. Tinututukan siya ni Papa ng baril habang nakadipa siya. Sinapo ko ng dalawang kamay ang pisngi niyang medyo magasapang na dahil sa maliliit ng tubo ng facial hair.

"I'm all right." He smiled. Pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"You were a fool, Seth! Bakit mo ginawa iyon?" asik ko sa kanya. Tumulo nang walang pagbabadya ang mga luha ko. Kaagad niya iyong pinahiran gamit ang dalawang hinlalaki.

"I'm so sorry. Forgive me, mia cara. Gusto ko lang matapos na ang paghihirap ng iyong ama. I was ready to sacrifice myself so your family can have some peace."

"Ang tanga mo to even think that! Tingin mo it will solve everything? Sa palagay mo, I will have peace of mind?" At lalo akong napahikbi.

"I'm so sorry. It was just an impulse. Hindi na mauulit iyon. Pangako."

"Alam mo na ang mangyayari kung gagawin mo ulit iyon."

Napangiti siya nang mapakla at tumangu-tango.

Pinilit kong kontrolin ang damdamin nang makita kong bumukas ang pintuan at iluwa no'n si Kuya. May dala-dala siyang basket ng prutas. Umaliwalas agad ang mukha niya nang makita niya akong gising na. Dali-dali niyang pinatong sa mesa ang dala at kaagad na lumapit sa kama ko. Kinumusta agad niya ang aking pakiramdam.

"I feel good now, Kuya. When am I leaving the hospital?"

Nagkatinginan sina Seth at kuya.

"Umm---you have to stay here for a while, Keri," sabi ni Seth. "The doctors want to make sure you and the---the---baby are okay."

"Baby?" Napanganga ako sa gulat. Tingin ko'y nanlaki rin ang aking mga mata. Napasulyap ako kay Kuya. He bit his lower lip and nodded. He seemed reluctant to even admit it.

"Paano nangyari iyon?!" naibulalas ko pa.

The two men exchanged awkward glances. Nag-init ang pisngi ko nang ma-realize ang dalawang kahulugan ng sinabi ko kaya mabilis akong nagpaliwanag.

"Regular akong dinadatnan." Kay Seth ako nakatingin. His awkwardness doubled. Napakamot-kamot pa siya ng ulo. "My period did not stop," sabi ko naman kay Kuya. It made him awkward, too. Pinangunutan ko sila ng noo pareho. "What's wrong with what I said? It's a fact of life."

"I know, mia cara. But the doctor confirmed it through a sonogram. Your brother told me that your pregnancy was confirmed about two weeks ago, when I was here for a surgery."

"You threw up in my lap, baby girl. Don't you remember?"

Napalingon si Seth sa kuya ko.

"She did?" tila hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yeah," sagot naman ni Kuya without looking at Seth.

"Two weeks ago pa? Bakit hindi mo sinabi?" Then, I translated what I said in Tagalog into English. He hesitated bago niya amining ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kalagayan ko. Maging si Papa raw ay umiiwas ding i-acknowledge ang kalagayan ko.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon