"Pinapaalalahan po ang lahat ng mga tao lalo na ang mga kababaihan na mag-ingat lalo na at maraming mga babae ang nawawala at nababalitaang dinadakip. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga kapulisan ang mga nawawalang babae at iniimbestigahan na rin ang dahilan ng pagkawala ng mga ito-"
Nakaramdam ng takot si Blythe at Prama pero mas natatakot si Prama para sa kapatid dahil puro mga estudyante ang mga dinadakip ngayon.
Bumuntong hininga si Theo at tinignan ang dalawang kapatid na babae na halata ang kaba at takot dahil sa mga babaeng nawawala na dumami agad ang bilang sa loob ng isang linggo.
"Kayong dalawa . . ." Pag-agaw ng atensyon ni Theo sa dalawa kaya agad silang tumingin sa kaniya.
"Simula ngayon, sabay-sabay na tayong aalis at uuwi, naiintindihan niyo?"
Kumunot ang noo ni Blythe sa pagtataka at nakatingin lang si Prama sa nakakatandang kapatid.
"Pero, kuya, paano po 'yon? 'Di ba po minsan, maaga ka pong umaalis dahil sa mga meetings mo po? Ayoko rin naman pong pumasok ng maaga dahil kahit naman nasa school baka mangyari pa rin siya lalo na't kakaunti ang tao kapag ganoong oras." Pagbibigay ng opinyon ni Blythe na ikinatango lamang ni Prama at ikinatahimik ni Theo.
Mas maaga kasi talaga na umaalis si Theo kahit pa sabay-sabay silang kumakain ng agahan. Kung pupunta nga naman si Blythe ng ganoong kaaga sa eskuwelahan, delikado pa rin lalo na't magaling magtago at mangkidnap ng mga taong ibinalita kanina.
Si Prama naman ay kahit anong oras pwede siyang pumunta roon sa shop niya pero syempre hindi niya ginagawa na magpa-late dahil ayaw naman niyang gamitin ang posisyon niya para lang gawin iyon.
"Sige, gan'to na lang, since may mga babae namang nagtatrabaho sa kompanya ko at delikado na para sa kanila ang lumabas ng maaga ay iibahin ko ang oras ng pagpasok. Pwede rin naman akong magpa-late ng kaunti para maihatid ko pa rin kayo."
Tumango na lamang ang dalawa sa sinabi ng kapatid at nagpatuloy sa kanilang ginagawa.
"Blythe . . ." Tawag ni Theo kay Blythe kaya nagtatakang napatingin sa kaniya ang dalaga.
"Kung may pupuntahan, please, 'wag na. Lalo na't hindi naman importante."
Tumingin si Theo kay Prama.
"Sa'yo rin."
Ngumiti si Blythe kay Theo.
"Don't worry, kuya. Hindi naman po kami naggagala at wala rin naman po akong balak. Lagi lang naman po akong nasa school kapag hindi pa kayo dumadating ni ate Prama o kaya ng driver para sunduin ako."
Napanatag naman ang kalooban ni Theo dahil alam naman niyang gano'n palagi ang ginagawa ng kapatid. Lagi lang itong nasa eskwela lalo na sa loob ng opisina ng SSG kapag ni isa sa kanila ni Prama o ng driver ang hindi pa dumadating para sunduin siya.
"Same, kuya," Sabi naman ni Prama. "Lagi lang naman akong stuck sa shop at kung kakain man, sa opisina lang kami kumakain."
Tumango-tango si Theo dahil panatag na siya na magiging ligtas din ang mga kapatid niya pero kailangan pa rin na mag-ingat. Lalo na't andaming mga nawawalang kababaihan ngayon at gusto lang niya na hindi mapahamak ang dalawa lalo na't silang tatlo lang ang magkakasama ngayon.
Kumunot ang noo ni Blythe sa pagtataka dahil sa nakikita niya sa paligid ng eskuwelahan. Karamihan sa mga babaeng estudyante ay may mga guard.
"Nadagdagan na naman ang mga babaeng nawawala ngayon at nababalitaang myembro sila ng mga mayayamang pamilya," Sabi ni Rea na kasabayan ni Blythe maglakad.
Doon naalala ni Blythe na karamihan nga pala sa mga estudyante rito ay galing sa mga mayayamang pamilya kaya hindi na nakakapagtaka na may mga kasamang guwardya ang mga kababaihan dito.
"Mabuti hindi ka binigyan ng guard ng mga kapatid mo." Puna naman ni Rea.
Napaigtid si Blythe at napatingin sa gilid niya. Nakita ni Blythe si Rea na may kasamang dalawang lalaki kaya agad niyang nilingon ang kaibigan na medyo nakasimangot.
"Well, alam kong meron." Binigyan niya ng maliit na ngiti si Rea.
"Hindi nga lang pinapalipat . . . 'di katulad ng sa'yo." Dugtong ni Blythe.
Bumuntong hininga si Rea.
"Ayoko talaga ng ganitong set up pero wala naman na siguro akong magagawa dahil kahit ako . . ." Tinuro pa niya ang sarili.
"Ay natatakot na rin."
Bumuntong hininga rin si Blythe dahil sa mga nababalitaan ngayon.
"Nakakatakot naman talaga lalo na't hindi natin alam kung ano nga bang nangyari sa mga babaeng nawawala," Sabi ni Blythe.
Nilibot ni Blythe ang tingin dahil sa mga babaeng may kasamang mga guwardya.
"Dahil hanggang ngayon, wala pa ring nasasagap ang mga pulis sabi sa balita." Dugtong ni Blythe.
Dumikit si Rea kay Blythe, dikit na akala mo hindi na makakadaan ang hangin sa pagitan nila.
"Sa tingin mo, binenta ang mga babae?" Bulong ni Rea kay Blythe na nagpataas sa mga balahibo ng dalaga.
Palihim na kinurot ni Blythe si Rea kaya humiwalay ito ng kaunti sa dalaga at hinimas ang parteng kinurot ng kaibigan.
"Ano ka ba! Kinikilabutan ako sa'yo." Mahinang saway ni Blythe kay Rea kaya dumukit na naman ito sa kaniya.
"Pero totoo naman, 'di ba? Sa tingin mo, bakit wala pa rin silang nakukuhang lead kung nasaan ang mga nawawala? Kahit mismong katawan nga, wala e."
Napatingin si Blythe kay Rea na pinagtaasan siya ng dalawang kilay na parang sinasabing, 'isipin mo at anong sa tingin mo'.
Kaya napaisip nga si Blythe dahil sa sinabi ni Rea. Totoong napabalita nga na kahit katawan ng mga nawawala ay wala silang nakita o natanggap na report na lalong nagpahirap sa imbestigasyon ng mga pulis kaya hindi nga malayong totoo ang sinasabi ni Rea na baka nga ibinibenta ang mga babae.
Tinipon ang mga estudyante sa auditorium at halatang-halata na mapupuno na agad ito dahil sa mga kasama ng mga kababaihan. Hindi naman sila pinapaupo pero nandyan lang sila sa malapit. Kung mapapansin ay medyo nakakatakot ang awra sa loob dahil na rin sa nakakatakot na tindig ng mga guards na akala mo ay konting likot sa katabing babae na binabantayan ay may gagawin na kaagad sila.
"Good morning, everyone." Pagbati ng Guidance Counselor.
Naramdaman kong dumikit na naman sa akin si Rea.
"Anong good sa morning kung ganito ang feeling?" Sarkasmong sabi ng dalaga kaya kinagat ni Blythe ang labi para pigilan ang pagngiti.
"-delikado na ang panahon ngayon dahil sa mga balitang pagkawala ng mga kababaihan. Kaya pinapaalalahan ang mga estudyante lalo na ang mga babae na umuwi ng maaga kahit pa na may mga guwardya na ibinigay ang mga magulang sa inyo."
Inilibot ng Counselor ang paningin nito sa mga estudyante.
"Wala muna kayong pasok ngayong araw na ito." Nagbulungan ang mga estudyante kaya nanahimik ang Counselor.
Nang maramdaman ng mga estudyante na may sasabihin pa ang Counselor ay nanahimik sila at tumingin sa harap.
"Pero pupunta muna kayo sa mga classroom niyo para ma-announce ng inyong mga guro ang pagbabago sa inyong schedule. Ayon lamang at maraming salamat. Mag-iingat kayo," Sabi ng Counselor.
Agad na bumaba ang Counselor at siya namang nagsilabasan ang mga estudyante para pumunta sa kanilang mga classroom.
YOU ARE READING
Uncontrollable: The Hidden One
AksiUncontrollable #1 We need to deceive other people to live, to survive. We need to be safe. . . she needs to be safe. We cannot fall into the hands of the wicked. They will use us. . . her. I need to hide her. But how long? How long can I hide her f...