Chapter 39

5.8K 158 1
                                    

Natasha's POV:

Pagkaapat ko sa mansyon namin ay kaagad akong sinalubong ng mga magulang ko, hindi ko alam na sobra pala ang pag-aalala nila sa akin. Sinong hindi? Umalis ako ng walang paalam sa kanila at tumagal ng apat na buwan kaya naman pinaulanan nila ako ng sangkatutak na tanong. Balak ko kasi ay bibisita ako sa mga anak ko sa siargao madami akong namiss dahil they're 6 years old na at kailangan kong bumawi sa mga anak ko.

"Where have you been, honey?" si Daddy ang nagtatanong habang haplos ang buhok ko.

Lumunok ako. "Well, uh, nasa trabaho lang ako. I was just busy with my work," pagsisinungaling ko at iniwas ang paningin.

"Really?" nanliliit ang mata ni Mommy sa 'kin. "Si Wade rin ay apat na buwang nawawala. We're just pretend na hindi kayo magkasama," dagdag niya at ngumisi matapos kuritin ang bewang ko. 

"Mom!" I hissed at her quietly dahil alam kong may alam s'ya sa nangyayari.

Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad akong pumunta sa kwarto ko para alamin ang nangyayari kay Emmanuel. Nag-aalala ako sa kanya dahil last na nag-usap kami ay ang tungkol sa kasal, bumuntong hininga ako at pasalampak na umupo sa kama ko. Madami akong gagawing trabaho sa araw na 'to at kailangan kong magimbestiga sa kaso ni Emmanuel.

"Tita Lucy..." mahinang sambit ko after she responded my call.

[Hija...] malamig na sambit ni Tita at napalunok ako. [Alam mo na ba ang nangyari sa anak ko?] pigil ang galit na tanong niya.

Lumunok ako. "Y-yes tita, I... I'm really sorry... gagawin ko ang lahat para malaman kung a-ano ba talaga ang nangayari," kalmadong sambit ko.

[Really?] she mocked. [Ayaw sana kitang sisihin pero sobra ang naging epekto sa anak ko nang mawala ka. Imagine? Four months kang wala! Hindi mo ba naisip na nag-aalala ang fianceè mo sa'yo ha? Nasaan ka ba? Are you with someone else?] pabulong na singhal niya.

Lumunok ako at napahilot ng sentindo. Kasalanan ko. Kung sana ay hindi ako nagpadala ay hindi sana mangyayari ang ganito, alam ko naman kung gaano kamahal ni Emmanuel ang mga magulang niya kaya never s'yang gumawa ng ikakagalit nito. Naiintindihan ko si Tita dahil ganyan na ganyan ang Mommy ko kapag may hindi magandang nangyari sa'kin.

"I-I'm sorry..." mahinang bulong ko. "G-gagawin ko lahat...aalamin ko ang nangyari sa kanya... pangako po," mahinahong sambit ko sa kanya.

[Ayusin mo lang hija dahil hindi kita mapapatawad! We lost Emmanuel! We lost my son! Kaya sana maiintindihan mo ako kung bakit ganito ang galit ko sa'yo,] malamig na sambit niya at pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga ako at kaagad na hinanap ang laptop ko. I callee my butler Icarus para asikasuhin ang kaso ni Emmanuel. Mabilis akong naligo at nagbihis para makita ang crime scene banda sa Pampanga. Ang sabi sa 'kin gabi daw nun at nagmamadali daw si Emmanuel na lumabas ng condo niya dahil may pupuntahan. Ayon sa investigator na kinuha ni Kuya nakita nalang daw ang kotse ni Emmanuel sa bangin at sunog na.

"Kuya, aalis ako. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya," sambit ko at tinignan si Kuya.

"Sasamahan kita," mabilis na sagot niya at tumayo dahil nandito rin pala si Zein na limang buwan ng buntis.

Mabilis kaming sumakay sa kotse niya, tahimik akong nag-iisip kung paanong naaksidente si Emmanuel. Wala naman siguro sa mga kaaway ko ang may gawa nito sa kanya hindi ba? Nakakapagtaka lang na parang ang bilis ng pangyayari. Last time we talked ay masigla pa s'ya at panay ang sabi tungkol sa kasal namin. I don't understand him, minsan ay natataranta, minsan ay napuputol ang tawag dahil may pumapasok na call galing sa ibang tao.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon