Once Upon a Time in Hell

104 3 0
                                    

" Franceeene!! May ikukwento ako sayo!" - Tintin.

Asar! Matutulog sana ako. " ̄︿ ̄" - ako.

Sinigawan ni Tintin yung seatmate ko at kinuha yung upuan nito tsaka tumabi sakin. Kawawang seatmate tsk.

"Alam mo ba yung school na kulay itim ang pintura?" - Tintin.

"Yep" - ako.

"Anong pangalan nung school na yun Cene?" -Tintin.

"Westminster -_-." -ako. Hay nako. ANTOK NA AKO!!

"May mga rumors kasi na ang pinagtayuan daw ng Westminster ay sementeryo, sabi naman ng iba ay sentro daw impyerno and pugad daw ng demons. Waaahh! Bes, sa tingin mo tunay yun?" -Tintin.

Tsk. Pake ko naman.

In-ignore ko yung tanong nya pero napasabi nalang ako ng,
.
.
"INTERESTING."
.
.
.
What? I actually said that? Nag-process ulit sa utak ko kung sinabi ko nga ba talaga yun. Sinabi ko nga.

Pero......okay lang. Madaanan nga mamaya ang Westminster.

Tintin's POV

"Interesting."

Baliw talaga siguro si Francene. Tinanong ko sya kung ano yung palagay nya dun sa kwento kung tunay o hindi tapos ang sagot interesting. *-*? Hay nako, alis na nga ako.

Andami ko pa naman sanang ikukwento tungkol dun sa school na yun.

Sabi bawal daw ang pumatay pero madami daw ang namamatay? Phew.

"Oy Tin!" sigaw ni Cene sakin. Hmmp. Hindi ko sya nilingon.

Kaya lang parang butas-butas na yung likod ko sa mga tingin nya palang. Kaya hinarap ko na sya hihi.

"Why Bessy~?" -ako. Naka smirk sya. Waaah! Ano kayang balak nito.

Tino-torture nya ata talaga ako. I'd rather die than, .......

"Enroll tayo" -Francene.

Francene's POV

......boogsshh..Nahimatay si Tin.

"Hina naman nito. *chuckle* Dun ako magka-college." I whispered to myself.

彡★彡☆彡★彡☆彡★彡☆彡★彡

Dismissal na din sa wakas. 2 more days bakasyon na!

Naglakad ako pauwi. Ang tahimik ng paligid. Boring.

Anlamig ng hangin. Walang katao-tao. Ang dilim ng langit.

Well, ang astig nga eh. Madilim dun sa may bandang Westminster pero ang liwanag naman dun sa kabila.

Malapit-lapit sa apartment ko yung Westminster. Kaya medyo madilim ang dinadaanan ko.

Naisipan kong dumaan sa Westminster.

Gloomy. Ang lakas ng bad aura. Hellish. And as I said a while ago. Interesting.

Sinilip ko yung loob, though may gate na pagkataas-taas na parang pag pumasok ka dito, hindi ka na makakalabas pa.

May mga black and blood-coloured streaks ang makikita na lumulutang sa ere na nakapalibot sa buong school.

Tapos may mga....talisman ba yun?

Don't tell me cursed ang school na 'to.

Aalis na sana ako.

"Iha..." - a creepy voice sent chills down my spine.

Westminster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon