O, ‘wag kang judgemental, ha. Hindi ako ‘yong tipo ng babae na mahilig sa Diary-Diary. Napag-utusan lang ako gumawa.
At alam mo kung sino ang nag-utos? Si Ma’am namin sa Reading and Writing. Project daw namin ‘to para sa Finals kesyo puro lang daw kami sa bahay at walang inaatupag kundi ang magmukmok sa kwarto. Kasalanan ko ba kung nagka-pandemic at hindi kami pwedeng gumala at maglaro ng Chinese Garter o Slipper Game?
Mas gusto ko pa ngang gumawa ng research kaysa sa Diary ek ek na ‘to. Nao-OA-han kasi ako. T’saka ang dami ko kayang friends para makipag-chika-han. Hindi naman kasi ako loner. Ewan ko ba. Basta ang sabi ni Ma’am sa GC ng Grade 11 HUMMS- A as in Apple, kailangan daw makagawa kami ng 40 entries bago mag-Final exam. Meaning, araw-araw kaming magsusulat nito. Writer ba ako? Writer? Hays. Pero para sa grade, magsusulat na lang ako.
Bahala na si Batman, Superman o Spiderman. Bahala na sila. Basta ako, magsusulat na lang para makapag-grade. Siguro naman, kahit papaano, makakapasa ako sa subject na ‘to sa pamamagitan ng ka-OA-han na ‘to.
BINABASA MO ANG
Badiday and her Pandemic Adventures
Teen FictionNagka-pandemic lang, pinasulat na ng Diary si Badiday at ang ibang kaklase niya na under sa Reading and Writing ng ma'am nila. Hindi pa naman siya 'yong tipo na mahilig sa sulat-sulat. Pero habang tumatagal, biglang naging komportable ang loob niya...