#SIC C-28
To: Hermes
Bababa na ako ng barko next week, August 10. May plano ka na ba para sa birthday mo?
To: Hermes
Ilang linggo mo nang hindi sinasagot ang mga messages ko. Galit ka ba? ;-;
To: Hermes
Kung galit ka man, sorry naaa. Sagutin mo na ako, please?
Nakatitig ako nang ilang minuto sa cellphone ko habang naghihintay sa reply niya. Bumuntoghininga na lang ako nang ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring reply mula sa kaniya.
Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang aking cellphone. Dapat talaga kasi umilag ako no'ng hinalikan niya ako, bobo ko talaga.
Lumipas ang isang linggo ay nakababa na ako ng barko pero hindi pa rin ako nakatanggap ng reply. Kaya pagbaba ko, agad akong nagbook ng flight pa-Maynila para makausap siya. Kailangan ko rin naman talagang humingi ng paumanhin sa personal para mas sincere.
Bago ang sched ng flight ko ay nilinis ko muna ang condo dahil ilang linggo na rin 'yong hindi nalilinisan. Nang papunta na ako sa airport ay wala akong ibang dinala kundi sarili ko at extra cash. Nag-commute lang kasi ako mula condo patungo airport, wala akong pag-iiwanan sa motor ko kung 'yun ang sasakyan ko patungong airport, e.
Pagdating ko sa airport ay kalahating oras lang ang hinintay ko bago tuluyang nagtake-off ang eroplano. Mabilis lang rin ang byahe sa himpapawid, buong byahe ay gising lang ako at nakadungaw sa bintana.
Nang nag-landing na ang eroplano ay bumaba na ako at naghanap ng taxi. Nang may tumigil na taxi sa harap ko ay agad kong binuksan ang pinto, pero napaatras ako nang bigla akong tinulak ng tatlong lalaki at nagmadaling pumasok sa taxi.
"Sorry bro! May hinahabol lang!" sigaw nila mula sa bintana nang paalis na ang taxi.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko at muling naghintay ng panibagong taxi. Hindi rin naman gano'n katagal bago may muling huminto na taxi sa harap ko kaya agad na akong pumasok roon at sinabi ang address ni Hermes.
Tinanguan ako ng driver at nagmaneho na palabas ng airport. Kahit hindi gaano kalayo ang condo ni Hermes, mahigit dalawang oras pa bago ako umabot do'n dahil sa traffic. Mas mainit na nga sa tirik ng araw ang ulo ng mga taong na-stuck sa traffic.
Nang sa wakas ay itinigil na ng driver ang taxi sa harap ng building, agad akong nagbayad at bumaba. Dumiretso ako papasok sa building at pumunta sa floor ng unit ni Hermes. Nang tumunog ang elevator ay unti-unti itong bumukas. Lumabas na ako at naglakad sa hallway hanggang nasa harap na ako ng pinto ni Hermes.
Tatlong beses akong kumatok. Narinig ko naman agad ang mga yapak niya at nang bumukas ng pinto, bumungad sa'kin ang nakapambahay na Hermes na kaka-suklay lang ng kaniyang buhok dahil may suklay pang hawak ang isa niyang kamay.
Napaawang ang labi niya nang nakita ako pero agad rin naman niya itong tinikom.
Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian, "Kumusta?"
"Uh, fine?" Nagkibit-balikat siya. "I'm currently having my breakfast."
Tumango ako at tinapunan ng tingin ang relo ko bago muling bumaling sa kaniya, "Alas dose ka nagb-breakfast?"
Nagkibit-balikat siya, "Wala na akong magagawa kakagising ko lang, e."
"Sabagay," nagkibit-balikat na lang rin ako.
She tilted her head, "So, uh, what brought you here?"
Tumaas ang dalawa kong kilay sa tanong niya. Naglabas ako nang malalim na hininga bago nagsalita, "Gusto ko lang sana mag-sorry."
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
RomanceMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...