#SIC C-27
Niyakap ako ni Hermes nang nasa harap na kami ng airport.
"Sigurado kang okay ka lang rito? Puwede ka namang mag-stay sa condo ko sa Cebu," giit ko nang kumalas na kami sa pagkakayakap.
Ngumiti siya, "I'll be fine, Arus. Tsaka, you'll be back naman agad. Hihintayin kita rito."
"Sigurado ka? Puwede ka namang makipag-aya ng gala nina Dream kahit wala pa ako imbes na makipagkita na lang sa kanila para sa picnic natin."
Umiling siya, "I prefer seeing them again with you by my side. Kinakabahan akong harapin sila ulit."
"Okay sige," tumango ako at ginulo ang buhok niya. "Basta mag-ingat ka palagi rito ha? Huwag kang magdalawang-isip na tawagan ako kapag may problema ka rito."
"Yep. Sige na, alis ka na. You'll be late," pagtawa niya at marahan akong tinulak.
Kumaway ako sa kaniya at ngumiti, gano'n rin ang ginawa niya.
_________
Ilang linggo akong nanatili sa barko at nang nakababa na ako ay agad kaming naghanda ni Hermes para sa picnic na kinabukasan na mangyayari. Nag-grocery kami para sa mga kakainin namin at habang paikot-ikot kami sa department store ay kitang kita ko ang pagiging kabado ni Hermes na i-send ang text kina Dream. Ilalabas niya ang kaniyang cellphone, titingnan ang ginawa niyang message sa draft, tapos ibabalik ang cellphone sa purse dahil hindi niya kayang i-send.
"Okay na ba 'to?" Tanong ko sa kaniya para maagaw ang atensiyon niya. Itinuro ko ang push cart namin na halos kalahati na ang laman, kalimitan sa naroon ay mga prutas at carbs.
Tiningnan naman ni Hermes ang cart bago tumango, "Yes, I think it's already enough. Punta na tayo sa cashier."
Pumunta kami sa cashier at luminya. Pangalawa kami mula sa cashier at patapos na naman sa pag-scan ang nauna sa'min kaya nag-antay kami nang konti. Muling kinuha ni Hermes ang cellphone mula sa purse niya at tiningnan ulit ang message sa kaniyang drafts.
"Send mo na," sabi ko sa kaniya nang nagdadalawang-isip pa rin siyang i-send ang pag-aaya kina Dream sa picnic.
Tumango siya at bumuntonghininga. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at agad niyang pinindot ang send. Matapos niyang magawa ito ay mabilis niyang ibinalik sa kaniyang purse ang kaniyang cellphone.
Nginitian ko siya para mabigyan siya ng assurance na magiging maayos lang ang lahat. Tipid naman siyang ngumiti pabalik at kinuha na ang mga items sa push cart namin para ilagay ang mga 'yon sa counter.
Matapos naming makapagbayad ay pumunta na kami sa sasakyan. Dumaan kami sa isang shop na nagbebenta ng cake & pastries para bumili ng buko pie. Ako lang ang bumaba at pumunta sa loob ng tindahan, ar nang nakabalik ako sa sasakyan ay nakita kong nakangiti na si Hermes habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.
"Nag-reply na sila?" Tanong ko tsaka ini-start ang makina.
Tumango siya na nay malawak na ngiti, "They all said yes! They're so hyped up. Sobrang excited silang makita ako ulit!"
"Mahal na mahal ka talaga ng mga 'yan," giit ko at iniliko ang sasakyan para umuwi na.
"Dream suggested na sa backyard na lang nila tayo magpicnic. Sina Rain na rin daw magdadala sa mga pangdesign at blanket since tayo na naman raw ang bumili sa mga kakainin."
Tumango lang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa nakarating na kami sa condo.
________
Kinabukasan ay puting pang-picnic na dress ang suot ni Hermes habang dala-dala niya ang basket. Dala-dala ko rin ang iba pang mga pagkain habang nakatayo kaming dalawa sa harap ng bahay nina Dream. Matapos naming magdoorbell ay nakita kong patakbong lumabas si Dream sa bahay nila habang may malawak na ngiti.
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
Lãng mạnMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...