Lumipas ang ilang araw na kasama namin si Tita Lira ay parang nabuhayan ulit ang bahay namin,nakikita ko rin si Papa kay Tita Lira dahil may pagkahawig ito sa tuwing ito ay magiging seryoso.Simula nung dito muna si Tita Lira hindi na umuuwi si Mama hindi ko alam kung bakit..Nag aalala na nga din si Tita Lira sakanya e.
"Czereena kumain muna kayo bago kayo umalis.." Paalala samin ni Tita Lira,Agad naman kaming tumungo sa kusina para kumain.
"Ang sarap naman ng ganto" Masayang sambit ni Astrid,Ngayon nalang kase ulit namin naranasan na may sumabay samin kapag kumakain dito sa bahay kaya ang sarap sa pakiramdam.
"Bilisan nyo na dyan para mahatid kona kayo.." Sabay naman kaming tumango ni Astrid,Lagi nalang kaming hinahatid ni Tita sa school para daw mas safe kesa naman daw sa maglakad kami.
Matapos ang ilang oras ay hinatid na nga kami ni Tita Lira,Dumiretsyo na ako sa room namin na masaya ang sarap bumalik sa dati na wala yung lungkot sa buhay mo.
"Morning Chester," Bati ko kay Chester na mukang hindi ako narinig,"Good Morning Chester!" Sigaw ko sakanya.
"Anu ba!kailangan ba talagang sumigaw gago ka--Oh..h-hi Vi..kanina kapa jan?" Inirapan ko nalang sya ng dumating ang Ma'am namin.
"Good Morning class..May announce lang ako sa inyo at pagkatapos nito ay wala ng klase..Bukas ay mawawalan na kayo ng pasok dahil sa nalalapit nyong graduate ang kailangan nyo lang gawin ay mag practice yun lang Thank you.." Pagkatapos i-announce yun ay agad ng umalis si Ma'am.
Bigla naman nag si tayuan ang lahat at masayang lumabas dahil sa narinig.
"Anu bayan ang aga-aga ko gumising tapos wala naman palang klase!" Iritang saad ko.
"Okay lang yan kasama mo naman ako ah.." Sabay akbay sakin ni Chester,Agad akong tumayo para umuwi na tutulungan ko nalang si Tita Lira sa paglilinis.
"Vi anong strand kukunin mo sa Senior High?" Biglang tanong ni Chester,Hindi ko pa pala nasasabi sakanya na hindi na ako mag a-aral dahil kailangan kong bayaran ang utang ni Mama.
"H-hindi na ako mag aaral.." Mahinang sambit ko,Alam kong natigilan sya sa sinabi ko pero agad din syang umiling.
"Bakit?"
"Kailangan ko ng mag trabaho may malaking utang si Mama sa kapit bahay namin,At kapag tumung-tong pa ako ng Senior High dagdag gastos lang samin yun ni Astrid." Pagpapaliwanag ko,Tyaka bat ba ako nagpapaliwanag dito?Siguro nasanay nadin akong kasama sya.
"Tutulungan kita Vi..Basta mag aral ka lang pleasee gusto kitang kasama.." Agad naman akong natigilan sa sinabi ni Chester gusto akong makasama?Baliw ba toh.
Sinabi din ni Tita Lira yun na gusto nya akong tulungan wag lang akong tumigil sa pag aaral pero desidido na talaga ako kailangan kong tumayo sa sarili kong paa,Hindi porket nanjan sila sa tabi mo ay dun kana aasa minsan kailangan mo ding kumayod para sa kinabukasan ng pamilya mo.
"I'm sorry Ches..Pero--"
"Ano bang magagawa ko diba?Supportahan nalang kita Vi..Basta pag gusto mo ng tulong i'm always here.." Agad naman akong napangiti sa sinabi nya.
"Thank you.." Sabay hug ko sakanya,Sobrang swerte kopa rin talaga kahit ganito ang buhay na binigay sakin may mga taong handang tumulong at suportahan ka.
"Na-iinlove ako.." Bigla naman akong napabitaw sakanya at lokong ngumiti.
"Yii..Kanino?" Bigla ko naman naalala ang sinabi sakin ni Astrid na may gusto daw sakin si Chester?Minsan naiisip ko din na magkakagusto rin ba ako kay Chester kung sakaling hindi sya tumigil sa kakadikit sakin...
Pero ramdam kong Oo..Gusto sya ng isip ko pero hindi ko alam tong nararamdaman ng puso ko..Mabait si Chester,gwapo,makulit,madaldal kaya sinong babae ang hindi magkakagusto sakanya.
"Wala..tara kain tayo" Sabay hawak nya sa kamay ko pero agad din syang bumitaw.
"Bakit?" Takang tanong ko,Para kaseng napaso di naman ako mainit ah.
"W-wala tara na.." Mabilis syang lumakad kaya agad ko syang hinabol kita ko parin ang pamumula ng kanyang muka,Ako nalang ang humawak sa kamay nya gulat syang napatingin sakin kaya pinisil kona lang ang pisngi nya.
Cute..
"Anong gusto mo?" Tanong nya sakin.
"Kahit ano nalang.." Mahinang sambit ko,Kita ko kase na kanina pa kaming pinag titinginan ng mga estudent dito kaya naiilang ako.
Bat kase ganito ka gwapo.
Agad umalis si Chester para umorder ng mga pagkain namin,Buti nalang at hindi mapili si Chester at dito nya ako dinala sa isang maliit na karenderya.Maya-maya pa ay agad na dumating si Chester na may dalang isang tray ng palabok,fries,burger at coke.
"Ubusin mo lahat yan ha?"Paalala nya agad sakin bago umupo.
"Bat kase ang dami" Reklamo ko agad di naman ako maarte sa pagkain ayaw ko lang na gumastos pa sya ng malaki para sa pagkain namin.
"Gusto kong tumaba ka,Look oh ang payat mo..Tapos kanina mukang masaya ka bakit?Buti nalang diko na nakikita yung laging seryosong Vi.." Nakangiting sambit nya.
"Kasama na kase ulit namin si Tita Lira masaya ako kase wala ng mananakit sakin.." Tipid akong ngumiti sakanya.
"Sana kasama moko lagi para wala ng manakit sayo.." Agad ko naman ginulo ang buhok nya.
"Kaya ko ang sarili ko Ches..Ikaw bat tulala ka kanina?" Sabay kain ko ng fries.
"Uh..sa ibang bansa na mag a-aral yung pinsan ko..nakakalungkot lang kase simula bata palang kasama kona sya tapos ngayon malalaman kong aalis na sya para sa pangarap nya.." Bigla naman syang tumawa ng peke.
"Ganun mo talaga ka mahal yung pinsan mo noh?"
"Sobra..parang Kuya kona sya e.." Nakayukong saad nya agad kong hinawakan ang kamay nya at ngumiti
"Ganun talaga ang life Chester..hindi habang buhay anjan lang sila may time na aalis at may time na babalik." Bigla naman syang nag angat ng tingin sakin.
"Sana kagaya mo din ako Vi..Sana kagaya mo din ako na malakas,hindi sumusuko." I smiled.
"Laban lang.." Sabay gulo ko sa buhok nya,Agad naman syang napatahimik at tumingin sakin.
"Why?" Takang tanong ko,Wala naman akong dumi sa muka ah.
"Beautiful Vien.." Agad naman nag init ang muka ko sa sinabi nya.
"Kumain kana nga lang!Dami mong alam!" Singhal ko sakanya,Kaya natawa sya at nag simula na kaming kumain.
Maganda ba talaga ako?Argh!Bwisit ka talaga Chester Neil.
"Kuya Neil?" Gulat akong napatingin sa babae na parang kaseng edad lang ni Astrid.
"Cassy!Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Chester,Agad naman kumunot ang noo nito dahilan para malaman kong kapatid ito ni Chester.
"Wala kaming klase,At ikaw anong ginagawa mo dito at--" Bigla naman syang napatingin sakin na nakataas ang kilay,Kinagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa pinapakita nitong reaksyon saakin.
"Is that Vien?" Sabay turo nya sakin.
"Yes--" Sasagot sana si Chester ng bigla akong tumayo at nag pekeng ngiti sa kapatid nya.
"Y-yes i'm Vien,Nice to meet you" Utal na saad ko.
"Ano ba yan Kuya sumasama sa mga malalandi."
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...