Hinarap ko si Yandiel matapos bilinan ang dalawang batang alaga ko na umupo muna sa isang tabi at maghintay. Palubog na rin ang araw at baka gabihin na kami na makarating sa San Jose.
"Tell me, what happened?" agad niyang tanong sa akin.
Napalunok ako at muling naalala ang tagpo kanina. Hinalungkat pa ng teacher ang mga notebook ng bata habang nililigpit ni Yandiel ang mga barya na nagkalat sa sahig. Nakakalungkot lang sa side ng kapatid niya na wala naman ginawang masama at napagbintangan dahil lang sa estado nila sa buhay.
"Ask your sister and let her open herself about it. Noong dumating ako, naabutan ko na lang na kinakausap siya ng teacher niya," sagot ko at bahagyang nanginig ang boses.
Mariin niyang pinagdikit ang kanyang mga labi at tumingin sa direksyon ng kanyang kapatid na nakaupo sa isang bench hindi kalayuan sa inuupuan nila Gideon at Shemie. Nakayuko ito at parang nakapikit, parang may sakit talaga siya.
"She won't speak about it," he insisted. "Kung alam ko lang na gano'n pala ang ginagawa nila sa ading ko."
Hindi ako nakapagsalita at napatingin nang ipasok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. He pulled his phone from the pocket of his slacks and quickly handed his phone to me. I stared blankly at his hand holding mine.
"I'll call tomorrow and tell me what happened, can you?"
Mabilis akong tumango at tumingin sa mga mata niya. "Mmm."
Mabilis kong nilagay ang aking number sa cellphone niya. Katulad ko ay di-keypad pa rin ang cellphone niya kahit uso na ang touchscreen ngayon, ang mahal naman kasi. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bahagyang napaatras nang mapagtantong nakalapit pala ang mukha niya sa akin para tingnan ang ginagawa ko.
"Uuwi na rin kami at baka gabihin kami ng mga alaga ko," pagbasag ko sa katahimikan. "You could handle your sister, could you?"
He nodded and let out a little smile, it made my heart thump for a second. He should smile more often. He looks cute.
"Mmm. Saan ba kayo uuwi?"
Napahawak ako sa aking batok. "Sa San Jose pa, eh."
He just nodded and pressed his lips tightly. "Tatawag ako, baka bukas na."
"Mmm. Aalis na kami at baka gabihin kami ng mga alaga ko." Nagtipid ako ng ngiti at komportableng tumawa ng mahina.
Ngumisi siya. "Sige, ingat ka. Ingatan mo 'yang mga alaga mo."
Bahagyang namula ang aking pisngi, nararamdaman ko ito at pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti. Sige, mag-iingat ako.
Pabagsak akong humiga sa aking higaan at tinakpan ang aking mukha. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa mga nangyari kanina. I almost had an argument this morning and I got into an argument with people older than I do.
Humugot ako nang malalim na hininga at tumulala sa kisame ng aking kwarto. Muling bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina at mas lalo akong nakakaramdam ng lungkot. Malapit na akong umiyak at pigilan ang teacher na iyon, buti na lang ay dumating si Yandiel.
I wonder how they are now. What are they doing at this time? Yung kapatid ni Yandiel, ano na kaya ang nararamdaman ng bata? She looks sick and too preoccupied after the incident, siguro ay iyon din ang dahilan kung bakit hindi siya naka-attend ng PE. I can't believe this.
Pinanood ko sila Gideon at si kuya na nagtuturuan kung paano maglaro ng volleyball. I want to join them but I'm physically weak at this moment. Umagang-umaga at hindi mainit ang araw, ang lakas pa ng hangin dito sa likod ng bahay namin kung nasaan ang aming bukid na kasalukuyang court muna ngayon.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Espiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...