LORAINE POV
"At dahil ikaw LORAINE DIZON, ay napatunayang nakalabag sa batas, hinahatulan ka sa korteng ito ng pagkakakulong sa loob nang dalawa hangang apat na taon" nanghihina akong napaupo ng tuluyang ipahayag ng Judge ang hatol. Napaka sikip ng dibdib ko.
Biglang nag slowmotion ang lahat, ang pag tayuan ng mga tao, ang pag hatak saakin ng mga pulis patayo, ang pag kayamot ng attorney na nagtangol saakin, at ang pag balatay ng tagumapay sa mga muka ng nasa kabilang panig.
Nangyayari sa harapan ko ang lahat, nakikita ko mismo, ngunit hindi maproseso nang utak ko, tuluyan na ata akong nawala sa katinuan.
"Teka, h-hindi pwedee, hindi pwede! W-aala po akong kasalanan, maawa kayo! Wala akong kasalanan!" mangiyak-iyak kong sigaw, pero mukang hindi naiintindihan ng kahit sino ang mga sinasabi ko. Paulit-ulit akong nakikiusap sa pulis habang nagpupumiglas, pilit kong hinahatak ang sarili ko papalayo. Papalayo sa kulungang pilit nila akong ipinapasok. Ngunit hindi ko kinaya, kusa akong napahinto dahil sa pang hihina.
Sinubukan kong sumigaw, pero walang ng boses na lumalabas. Napaos na ako ng tuluyan. Sinubukan kong kumawala, pero napaupo lang ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Dahil hindi maka proseso ang utak ko, nawalan nadin ng kakayahang gumalaw ang mga parte ng katawan ko. Sinubukan kong makiusap, pero tuluyan na akong tinalikuran ng mundo. Hangang sa napag tanto kong natigil nadin ako sa pagiyak, dahil wala nang luha pa ang pwedeng pumatak.
Makukulong ako sa kasalanang hindi ko ginawa.
--
DAHAN-DAHAN akong humakbang papasok sa seldang tutuluyan ko. Napakadaming tanong ang gusto kong isipin, di na tuloy ako makakapag isip pa ng maayos."Siya ang bago ninyong makakasama" napapitlag ako ng bigla nalang magsalita ang officer na naatasang maghatid saakin, nandito pa pala siya. "Maging mabait kayo sakanya" habilin niya pa. Nang tuluyan akong makapasok sa loob ay ikinandado na nito ang pinto. Kulungan na nga 'to.
Pag angat ko ng tingin, agad na bumungad saakin ang tatlong babae. Isang matanda, isang dalaga, isang mukang matanda na dalaga.
"Magpakilala ka!" sigaw nung babaeng pinaka matangkad sakanila, yung parang matandang dalaga. Nasa Mid-therties na siguro. Totoo ngang masasama na ang mga tao. Sisigawan at huhusgahan ka nila, dahil lang sa mahina ka.
"A-ako si Loraine Dizon" nakayukong pagpapakilala ko. Hindi ko alam kung ano pa ang mga dapat kong sabihin kaya kusa akong natigilan sa pagsasalita. Parang may gusto akong idagdag pero hindi ko alam kung ano yon.
"Pang ilan mo na?!" bulyaw ulit niya, mas lalo akong nanghihina. Ganito na nga ang mga eksena sa labas, pati ba naman dito? Halatang-halata ang kasungitan sa katauhan niya, palaban. Para siyang isang boss na kailangamg sundin, para siyang batas na kailangang igalang.
"H-ha?" hindi maproseso ng utak ko ang lahat, para ngang wala na itong kontrol sa buo kong katawan.
"Pang ilang kaso mona to?!" napalunok ako. Nasa kulwrungan ako, malamang nito'y normal lang na pagusapan dito ang mga ganito bagay.
"Pang u-una" pabulong na sagot, sa sobrang hina maski ako ay hindi ko maririnig.
"Ako si Juliane Min, 18. Dalawang taong pagkakakulong"- napalingon ako sa isa pang babaeng nagsalita, mukang siya na nga ang pinaka bata. Hindi ko alam kung ano dapat magiging reaksyon ko, kung ngingitian ko ba siya o tatango manlang bilang pakikisama.
"Ako naman si Nanay Medith, Iha. 30 years na akong nakakulong." Napalunok nanaman ako. 30 yrs siyang namamalagi sa kulungan, pero heto't nagagawa niya padin akong ngitian. Ganon ba ako kaawa-awa?
YOU ARE READING
Number 0101
General FictionLoraine Dizon was living her life to it's fullest. Hangang sa sinubukan siya ng tadhana, sunod sunod na problema ang dumating sa buhay niya. Mula sa kanilang probinsya, lumuwas siya papuntang Maynila para makipagsapalaran. Subalit sadyang pinag kaka...