Chapter 40

3 0 0
                                    

He pulled me for a hug. And I swear I felt something inside me. Biglang nawala lahat sa isip ko ang nangyari kanina.

Seriously, Kace? Salamangkero ka ba? How can he possibly do that?!

"Anong oras ako na-admit dito?" I ask while my chin is still resting on his shoulder.

"Before seven." He said, caressing my hair.

I slept for four hours? Tapos binantayan niya pa 'ko matapos dalhin dito?

I move my shoulders para kumalas ang mga kamay niya rito. Nang maitanggal niya na, umusod ako palayo sa kaniya para punasan ang pisngi ko.

"What?" Pagtataray ko dahil kanina pa siya nakatingin sa'kin.

I'm getting shy and conscious the way he looks at me! Dagdag pa yung pag-iyak ko. Ang pangit ko na siguro tingnan ngayon.

"Pinakaba mo 'ko." Aniya na nagpatigil sa'kin. We locked gaze for a moment. At feeling ko ngayon lang umipekto ang mga kape na ininom ko.

I cleared my throat at napababa ang tingin because I couldn't take his concerned gaze. "Gutom na 'ko."

He chuckled lowly. "That's what I figured before you woke up." Bumalik na siya sa stool na inuupuan niya kanina. He bends down at may kinuha sa ilalim ng kama ko.

"Wow, you are prepared." I praised him.

"Ang boy scouts ay dapat laging handa." He said sa pang-military na boses, napailing nalang ako.

"Hawakan mo muna." Sabi niya at inilagay ang plastics sa kama.

"Sa'n ka?" Tumayo siya, and instead of answering my question, he just gestured for me to wait.

Maya maya ay bumalik na siya dala ang isang beside table. Tahimik ko siyang pinanuod habang inaayos ang table at ilagay ang mga pagkain na binili niya.

Nang buksan na niya ang mga takip ng containers ay lalong kumalam ang tiyan ko dahil sa amoy nito. Umusog ako papalapit sa table at parang excited na bata na naghihintay makakain ng paborito nitong cake.

Spaghetti, burger steak, isang bucket ng spicy chicken mula sa jollibee, may burger at fries din itong kasama. At siyempre, hindi mawawala ang kanin.

Matapos maupo ni Kace sa tabi ko ay binuksan ko na ang takip ng bucket at sinumulang papakin ang manok.

Damn, I have never been so hungry in my life!

"Kape pa." Pang-aasar niya. Inismiran ko siya, na agad naman akong tinubuan ng guilt.

"Hoy, nguyain mo ng mabuti!" Asik niya nang mabilis kong nilunok ang nginunguya ko.

Inabot ko ang coke at mabilis din na tinungga 'yon. While I feel his concern and confuse gaze at me.

I swallowed once more before speaking. "Thank you," I sincerely uttered.

That made his mouth curve into a smile. "Walang anuman."

Saglit pa kaming nagkatitigan. But this time, I won. Umiiling itong nag-iwas ng tingin at yumuko. I lick my lips to suppress a smile, at nagpatuloy nalang ulit sa pagkain.

"Trabaho ba talaga ang pinunta mo kanina o coffee party?"

I frowned at his remarks. "Nag 'thank you' na nga e!" He chuckled at nagsimula na ring kumain. Tahimik lang ang pagkain namin nang may maalala ako.

"Ikaw?" I faced him. "Ba't ka nando'n kanina?" Tanong ko habang ngumunguya pa. "Hindi mo naman ako kailangang sunduin dahil dala ko ang kotse ko."

He swallowed. "Para sunduin ka."

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now