Halos hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"And you slut!" Sinabunutan ni Xylene ang babaeng kasama nila Raze, ayaw magpaawat ni Xylene sa gusto niyang gawin. Naiiyak nalang ako dahil sa nangyayari.
Inawat ng DS girls si Xylene, dahil umiiyak na yung babae.
Itinulak ni Raze si Xylene ng sobrang lakas dahilan para matumba si Xylene. Agad ko namang inalalayan si Xylene sa pagkakatumba.
"Ano bang problema mong babae ka?" galit na tanong ni Raze. "Don't mess with me Xylene! hindi mo gugustuhing magalit ako!" pagbabanta ni Raze.
"Wow Raze! Ang kapal din naman pala ng mukha mo para sabihin yan ah! Edi go magalit ka hanggang mamatay ka. kapal ng mukha mong saktan ang kaibigan ko, at ipagpalit sa babaeng yan" galit na galit na sabi ni Xylene habang ako naman ay nakakapit sa braso niya dahil baka sumugod nanaman siya.
Tiningnan ko naman yung babaeng kasama ni Raze, umiiyak siya na parang aping api sa ginawa ni Xylene sa kanya.
"So ang ipinaglalaban mo ay iyang kaibigan mo. Hahahaha Aisla bakit hindi mo sabihin sa kanila kung anong sinabi ko sayo kahapon!" sabi ni Raze habang nakatingin sa akin. Nakita kong yumakap ang babae sa kanya at umiyak ito.
"X-xylene t-tara na umalis na tayo dito" pag iwas ko sa mga pinagsasabi ni Raze.
"Come-on Aisla o sige ako na magsasabi dito sa bida bida mong kaibigan" sabi ulit ni Raze.
Dumarami na ang mga estudyanteng tumitingin sa amin dito dahilan para mahiya ako.
"Para sabihin ko sayo Xylene na kahit kailan hindi ko minahal yang kaibigan mo! Sino namang magkakagusto sa ganyang itsura? Hindi ganyan ang tipo kong babae, pinagpustahan lang namin siya ng mga kaibigan ko at nakuha ko na ang gusto ko sa kanya" kahit narinig ko na ang linyang yun ay nagugulat parin ako lalo na doon sa huli niyang sinabi.
Dahan dahan akong bumitaw sa pagkakahawak kay Xylene atsaka ako lumuluhang lumapit kay Raze.
Nakatingin lamang ito sa akin atsaka niya ako nginisihan.
"Masakit ba Ais----" sinampal ko siya ng ubod ng lakas bago pa niya sabihin kung anong sasabihin niya..
"Masaya ka ba dahil nakuha mo na yung gusto mo? Masaya ka ba dahil napaluha mo ako? Masaya ka ba dahil sinira mo ang buhay ko? Masaya ka ba dahil uto-uto ako at naniwala ako sayo? Masaya ka ba dahil sobra mo akong sinaktan, dahil kung ganun napakababaw naman ng kaligayahan mo! Wala kang kwentang tao! Ikinagwapo mo ba yang panloloko mo sa akin?" pagkatapos kong punasan ang luha kong sunod sunod na pumapatak ay ngumiti ako ng mapait sa kanya. "Wag kang mag-alala sa oras na mawala yung sakit na pinadama mo sa akin, ikaw naman ang magdudusa" pagkatapos kong sabihin iyon tumakbo na ako palayo sa kanila.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa isang bench, tulala akong nakatingin sa kalangitan habang tumutulo ang mga luha ko.
Bakit ganun? Ang sakit sakit palang magmahal! Bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Bakit? Dahil ganito lang ako?
"Dahil hindi ako maganda, katulad ng babaeng gusto niya?" sabi ko ng wala sa sarili.
"You're beautiful, don't say that" nilingon ko kung sino ang nagsalita sa likuran ko..
Bakit ba siya nandito? Bakit hindi nalang niya samahan yung kaibigan niyang manloloko.
"Kasama ka rin ba sa pumusta na mahuhulog ako kay Raze?" sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
"No. I'm not that kind of person" sabi niya.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya dahil pagkatapos ng lahat ng nangyari parang ayaw ko na maniwala sa sinasabi ng kahit na sino!
Mga manggagamit.
"But if you don't want to believe me, that's fine hindi naman kita masisisi eh, I just want you to be ok" tiningnan ko naman si Rynx na ngayon ay katabi ko ng nakaupo sa may bench.
Tinitigan ko siya mula sa kanyang mga mata at kita ko namang sincere siya sa lahat ng mga sinabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako at muling tumingin sa mga estudyanteng dumaraan..
"You deserved someone better Aisla, try mo rin lumingon sa iba you might see who I am referring to" napalingon ulit ako kay Rynx na ngayon ay diretsong nakatingin sa kawalan.
Napailing ako dahil sa mga sinasabi ni Rynx.
"Hindi na, hinding hindi na ako magtitiwala pa" sabi ko atsaka ako tumayo at iniwan siyang nakaupo roon.
Pumunta na ako sa room namin dahil tiyak kong hinihintay na ako ni Xylene.
At hindi nga ako nagkamali, buti nalang at wala pa yung professor namin.
"Omg! Diba siya yung pinagpustahan nila Raze?"
"Siya nga! Kawawa naman siya"
"Well deserved niya yun tama si Raze, sino naman kayang malas na lalaki ang magkakagusto sa kanya?"
Inis akong napalingon sa mga kaklase naming nagbubulungan pero naririnig naman.
"Nandito kayo para mag aral hindi para pagchismisan ang issue ng iba!" matapang kong sabi..
Hindi ako makapaniwalang sinabi ko ko iyon ng buong tapang! Hindi naman ako ganito dati ah pero bakit ibang iba ako ngayon?
Dumiretso na ako sa upuan ko at hindi ko na pinag aksayahan ng oras ang mga kaklase kong chismosa.
Pagkatapos ng klase namin ay kinausap ko si Xylene tungkol sa plano nila papa na pag aaralin daw nila ako sa ibang bansa dahil nga sa nangyari, at nabanggit ko rin ang tungkol sa nangyari sa amin ni Raze nung nakaraang araw.
"Walang hiya talaga yang lalaking yan, una palang against na ako sa kanya, dahil alam kong hindi siya karapat-dapat sa iyo" gigil na sabi ni Xylene na parang gusto niya ulit sampalin ang Raze na iyon.
Ewan ko akala ko hindi ko magagawang magalit kay Raze dahil sa ginawa niya, pero nung pinahiya niya ako kanina sa lahat ng mga estudyanteng nandoon sa cafeteria, parang gusto ko siyang isumpa sa galit ko kanina!
"Sana lang pagdating ng araw hindi siya magdusa sa gagawin ko sa kanya!" matapang kong sabi. Gulat namang napatingin sa akin si Xylene.
"Wow! Parang may gagawin kang amazing kay Raze ah, chika mo naman sa akin" excited na sabi ni Xylene.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng classroom namin.
Itong nerd na 'to, hindi lang basta nerd.
"Ako ang sinaktan niya, at ako rin ang magiging karma niya!"
————————————————————————————
:>
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
Teen FictionMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...