Mabilis ang takbo ng oras
Buong tapang kong tinahak ang daan papunta sa kung saan dapat kami magkikita.
Dala ang bigat sa kalooban ay isang malalim na hininga ang aking binitawan.
Pagdating sa dalampasigan, aking natagpuan,
Ang lalaking tanging laman ng aking puso't isipan.
Nakaupo lang siya sa buhangin habang nakatitig sa banayad na hampas ng alon sa kanyang mga paa.
Ilang minuto na lang at palubog na ang araw.
Isang ngiti ang kumawala sa aking mga labi.
Tinapik ko ang kaniyang balikat atsaka umupo sa kaniyang tabi.
Tahimik lang kaming nanonood sa papalapit na paglubog ng araw.
Inaalala ang mga nakaraang di na pwedeng balikan.
Hanggang sa dumating na ang oras na aming hinihintay.
Mabilis siyang tumayo atsaka inalay ang palad sa akin.
Hindi naman ako nag-alinlangan at tinanggap ito ng buong puso.
Sa isang malalim na hininga, nagsimula kaming magsayaw.
Mabagal ngunit punong-puno ng emosyon.
"Just like the first time"
Pagbasag niya sa katahimikan
Napapikit na lamang ako at napasandal sa kaniyang balikat
"I'm happy for you"
Buong tapang kong sambit kahit halatang nasasaktan na.
Naging tahimik ulit ang paligid.
Tanging tunog ng along naghahampasan sa dalampasigan ang siyang aming narinig.
Palamig na ang simoy ng hangin.
"Can we just go back in time?"
I asked out of nowhere.
At yun ang naging hudyat ng pagbagsakan ng mga luha namin.
"I'm sorry"
Tanging sambit niya
At yakap lang ang tanging tugon ko
Isang mahigpit na yakap.
Ilang minuto pa ang tinagal nun
Malapit nang tuloyang lumubog ang araw,
Unti-unti nang dumidilim ang paligid.
Nagsisilitawan na ang mga bituin.
At walang anu-anong kumalas siya sa mahigpit naming yakapan.
"Kailangan ba talaga?"
Puno ng sakit niyang sambit
Tango lang ang tugon ko.
Napabuntong hininga siya atsaka inipit ang mga takas na hibla ng aking mga buhok sa aking mga tenga.
Hinawakan niya ang aking mga pisngi at pinunasan ang mga luhang dumadaloy dito.
"Mag-iingat ka ha"
Pilit na ngiti niyang naisambit
Atsaka hinalikan ang aking noo ng puno ng pagmamahal.
Matapos nun ay pinagdikit niya ang aming noo.
Tuloy tuloy ang agos ng luha sa mga pisngi namin.
At sa tuloyang pagtunod ng araw,
Sa tuloyang pagdilim ng paligid
Naghiwalay kami ng landas gaya ng napagkasunduan
Buong tapang na naglakad palayo
Umaasa na pagtatagpuin muli sa tamang panahon.
>¥<

YOU ARE READING
Reach for the Stars
DiversosThis is an Anthology of fictional works of Red Orion. Behold and prepare to be Bewitched!