Kabanata 7

64 7 0
                                    

•°• ✾ •°•

I enjoy your company
And everytime I'm with you, I just feel so alive
I love the memories I have with you, it makes me smile
I call you coffee so I'm not that obvious

𝘾𝙤𝙛𝙛𝙚𝙚 // Elise Huang

•°• ✾ •°•

Ikapitong Kabanata:
Ang Iba Pang Mga Miyembro

Mabilis na lumipas ang araw at kasalukuyan na akong nakapuwesto sa entablado upang kuhaan ng video ang aking mga kaklase na sasayaw para sa Opening Program ng Foundation Week.

Ilang beses na naghiyawan ang mga schoolmate ko sa tuwing nasa maganda nang parte ang kanta at kapag nakakamangha ang galaw sa kanilang choreography.

Sobrang lakas ng sigawan dahil sa ending pose na ginawa nila.

Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal ay agad kong hinabol ang isa sa kanila at inabot ang cellphone nito. Nagpaalam ako sa isa sa mga kaklase ko na iihi lamang ako at kung kakailanganin ako ay i-chat ako.

Pagkalabas ko ng banyo ay may biglang humila sa akin. Nilingon ko ang may-ari ng kamay na siyang humatak sa akin.

Napakunot ako ng aking noo. Kahit na nakamaskara siyang suot sa kaniyang mukha ay mabilis ko lamang siyang nakilala.

"We need a female vocalist," diretsahan niyang sabi habang patuloy lamang sa paghatak sa akin papunta sa kung saan man niya ako gustong dalhin. "Kasi mayroon kaming temporary female vocalist na kasama namin sa pag-practice ng para sa ipe-perform namin ngayong araw. Unfortunately, an emergency happened. Hindi ko masabi kasi masiyadong mabigat 'yung nangyari."

"Eh bakit ako 'yung hinihila mo?" tanong ko.

"I apologize. Ikaw lang kasi ang kakilala ko. At saka, narinig ko na-namin-ang boses mo. Alam na namin kung ano ba ang mga kailangan naming baguhin para isakto sa timbre mo."

"Just this one, please?" pagmamakaawa niya. Pinaglapat niya ang kaniyang mga palad at yumuko.

"Tim, ayan 'yung gumawa ng kanta?" isang panibagong boses ang lumitaw. "Knuckles, the drummer."

Nakasuot ito ng kulay itim na maskara na may mga gintong disenyo. Mukhang nanggaling siya sa Audio Visual Room ng paaralan. Hindi naman ako nagkamali nang may lumabas mula roon na isa pang lalaki naka-tuxedo at naka-mask pero ang isang 'yon ay kalahati lamang ng mukha ang natatakpan at halong puti at itim ang kulay.

"'Oy, Tim, lagot ka kay Ryo. Kanina ka pa hinahanap kaso iniwan mo naman cell phone mo kaya hindi ka namin ma-contact. Wanted ka na, tangek, akin na pabuya mo, ha?" sambit ng bagong dating.

"Hoy, Mizori, ikaw ang lagot. Hindi mo pa nga raw naaayos 'yung isang part tapos maghahanap ka na agad chikading," sabat naman ng Knuckles.

"Ikaw nga 'tong namamali ng tambol na hahampasin," bawi naman nt isa.

"Sige, ikaw maghampas-hampas nang ganito lang kaliit nakikita." Iniayos pa ni Knuckles ang kaniyang daliri at ipinakita pa talaga ang tila katiting na espasyo sa pagitan ng kaniyang hintuturo at hinlalaki. "Tapos kailangang mag-headbang at magwala-wala para ma-feel talaga ang pagiging mga rakista natin."

"Wow! So kasalanan ko na gusto mong impress-in 'yung crush mong mahilig sa metal?!" bara ng Mizori.

"Kayo ngang dalawa ay magsitigil. Porket wala sa paligid si Ryo ay nagbabangayan na naman kayo. Sige, baka kayo talaga ang para sa isa't isa." Pumagitna si Timaeus sa kanilang dalawa na mukhang malapit nang magsuntukan. "Saka respeto naman kay Erato, oh? Baka mamaya hindi pumayag 'to kasi ang weird ninyong dalawa."

"Erato? 'Yung ilang linggo mo nang pinaglalaban kay Ryo na maging bokalista natin tapos sa huli, 'yung sinuggest mo na 'yun ang mismong hindi pumayag sa ideya mo?" tanong ni Mizori.

Sinapo ni Timaeus ang kaniyang dibdib na tila ba ay nasaktan sa sinabi.

"Ouch! At least, napapayag ko si Ryo, 'di ba? Even though kagabi lang naman siya na-convince," sagot ni Timaeus.

"Ah! Siya 'yung nagsulat ng kanta na sinend mo sa GC?" Tumango si Timaeus bilang sagot. "Wow! Mizori's the name, I'm a big fan. Hehe. Gusto ko idea mo na i-share namin experience namin pero hindi ako marunong magsulat ng kanta."

"Oo, tapos English pa. Bano 'to sa English, eh," komento ni Knuckles.

"Oh, ayan na naman. You're about to fight again. Awat na. Bumalik na tayo kay Ryo, baka mala-bagyo na galit n'on," puna ni Timaeus na sinang-ayonan ng dalawa.

"Oo nga, daig pa naman n'on sumo wrestler kapag galit."

"Naks, Knucks! May tama ka ring sinabi!"

"Ulol! Pokpokin ko kaya ulo mo."

"Didn't I tell you that you have to find Timaeus as soon as possible and bring him here? Tapos makikita ko kayo ngayon, nagtsitsismisan." Isang panibagong lalaki ang dumating.

"Ryo, I found our new female vocalist!" anunsiyo ni Timaeus na siyang dahilan upang manlaki ang aking mga mata.

"Did he force you?" tanong sa akin ng lalaki. "You don't have to do this if you don't want to."

"P'wede bang malaman kung ano 'yung ipe-perform ninyo?"

"IV of Spades' "Bawat Kaluluwa""

Sandali akong natigilan. IV of Spades? Pareho naming paborito ni Timothy ang bandang iyon. Naaalala ko pa kung gaano siya ka-hype sa tuwing nagri-release sila ng panibagong kanta.

Alam kong labis na matutuwa si Tim kapag narinig niya ang kanta nila.

"O-Okay lang."

"So, shall we start practicing, then? We only have few minutes until it's our turn to perform. I'm Ryo, by the way, and I think you already know the other members. I apologize kung may ginawa man sila sa'yo," aniya.

"A-Ah, w-wala naman!" Napalunok ako ng aking sariling laway. Narito na naman ako sa pagiging utal-utal. "Ayos lamang."

"It must be rough. Timaeus has been following your for the past few weeks and---"

Bago pa man matapos ni Ryo ang sasabihin niyo, agad nang tumingkayad si Timaeus upang takpan ang bunganga niya.

"Mas maigi siguro kung pumasok na tayo sa loob, 'di ba? It's too hot here, hindi pa nakakatulong na naka-tux pa talaga tayo," sabat ni Timaeus. Nauna na siyang pumasok at sumunod naman kami.

Humigit muna ako ng isang malalim na hininga bago pumasok.

Hindi ko alam kung tama ba na pumayag akong magtanghal kasama nila. Pero dahil nandito naman na ako, wala nang atrasan pa at ang tanging magagawa ko na lamang ay ang sumabay sa agos nang hindi nagpapalunod.

Behind the Mask [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon