Chapter 8
Pass
"Calla, nandito na pala si Benjamin Rosales," si Lola habang nakatayo na tinitingnan ako sa bawat yapak ko pababa.
Si Daddy ay nakasunod sa akin. Tumango siya kay Benjamin.
"Hello po, Tito," sabay lapit niya kay Daddy.
"Iha, try to get some coat," Lola requested.
Pinakita ko ang aking puting coat. Pwedeng pang-pares sa white keyhole top at red flounched skirt ko.
"Oh! I think you're ready. Mauna na ho kami," si Benjamin.
Daddy threatened me. I just shrugged my shoulder. Kagabi pa lang ay binabalaan niya na ako. Sa ikalawang pag-aya niya sa akin ay naalarma na sina Lola.
Lumabas ako nang dahan-dahan sa aming mansyon. Sa malayo pa lang ay nahagip ko na ang lalaking naglalakad nang matulin patungo sa akin, pinagsisita siya ng kanyang mga kasamahan ngunit 'di nagpapatinag ito. Tinanaw ko si Benjamin na nasa malayo na.
"Dali na, Calla," tawag ni Benjamin sa akin. Ngumiti at tumango lang ako.
"Alright. I'll be there," 'di makabasag-pinggan kong ani, sabay sabit ng takas ng buhok sa likod ng aking tenga.
I flipped my hair while facing him. Nandito na pala siya. Ang bilis, ah!
"You should not go with him, Miss Calla. You know that guy, right?" banta niya sa akin.
I raised my right eyebrow and began to walk away from him. Umihip ang hangin at napatigil ako ng isang malakas na kamay ang nagpabalik ng aking paningin sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Miss, please, masasaktan ka lang sa pinagagawa mo," pigil niya pa.
Kinalas ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Tiningnan niya naman ang kamay kong kumawala na sa kanya at nakayuko na siya sa akin. Nang pilit siyang lumingon sa akin ay namataan ko ang pagdaan ng sakit sa kanya.
"Sino ka ba para pigilan ako?" taas kilay kong sabi.
Bumalik siya sa pagkakayuko at dahan-dahang tumango.
"Binabalaan lang naman kita, Miss," aniya at tumuwid sa kanyang pagkakatayo.
Tumalikod ako sa kanya at tinahak na nga ang daan patungo sa sasakayan ni Benjamin.
"Let's go?" si Benjamin.
'Di ko mapigilan ang pagbungisngis ko. Pakiramdam ko tuloy ay nagsi-angatan lahat ng dugo sa pisngi ko sa paraan ng paglahad niya ng kamay sa akin. Mahinhin ko itong tinanggap at nagpa-alalay sa pagsakay ko.
BINABASA MO ANG
Home of Hopes (Caledonia Series #1)
Fiksi RemajaStatus: Completed Genre: Teen fiction and Romance. Posted: September 8, 2021 - January 21, 2023 Things are unexpected. People will come and go, but the truth is that when you don't want that person in this certain place and time...he will come. •Cov...