Wounds of Hauled Arrows
"Nan, mun, des, kor, rai, pel, fen, vei, hul. . ." Tumaas ang panulat na mula sa balahibo ng kalapati sa pagtatala ng babae sa papel na papyrus nang matapat sa pansampung bilang ang pila. Ito na rin ang huling pangkat na lulusot sa "Four Seasons Tree" para sa kanilang huling pagsasanay bilang isang ganap na kupido.
Naningkit ang mga mata nito't kinurot ang bahaging palipisan ng hugis-pusong salamin na suot upang kumpirmahin ang nakikita sa harapan. "Trove, babva? (Yes, baby?)" biglang ngiti niyang tanong.
Malawak ang pagkakasilay ng mga nagkikintabang ngipin ang aliw na aliw na tumugon sa kaniya.
Inilinga-linga niya ang paningin sa mga nagliliparang mga kupido; gayunman, wala rito ang guro ng mga ito at ang lahat ay abala sa pagdedekorasyon sa hilagang parte ng puno.
Nang mahagilap ang nakatayong si Emiliano-ang katiwala ng lugar na ito-ay bahagya niyang tinanguan ng ulo bilang senyas na lumapit sa kaniyang tabi. Tumalima naman agad ito at pumuwesto ng paglapit ng tenga sa kaniya upang hayaan siyang bumulong.
"Sino itong batang 'to?" Umagaw pa siya ng sulyap sa tinutukoy na hindi pa rin mabita-bitawan ang ngiting naka-ukit sa mukha na tila hindi nangangalay.
Napaayos ng tayo ang kausap at kulubot ang noo siyang tinitigan. "Anak mo 'yan, hindi ba, Vhayen?"
Mapanghusga niyang sinagot ang tanong nito na nagpapakahulugang nainsulto rito. "Alam ko naman, pero bakit ni'yo naman 'yan pinapasok?" huling bulong niya.
Nang tutukan itong muli, ini-angat ng dalawang niyang kamay ang hawak na panulat at papel na kinuha naman sa kaniya ng dalawang puting kalapating iwinawagwag pa rin ang kanilang mga pakpak sa ere.
Sa pagtukod niya ng mga kamay sa tuhod ay binati na naman niya ito ng matamis na ngiti. "Kalila, mi dresdin, deheir hase vensh dantothe Conor? (Kalila, my child, where is your brother Conor?)"
Halos kumupas ang silahis ng ngiti nito sa tanong. "Sie hase fald, ayraith. (He is sick, mother.)"
"Kaya ikaw ang papalit?"
Siniko ni Emiliano ang kaniyang tagiliran na nagresulta ng kaniyang mahinang pagdaing. Wala kasi sa bokabularyo niya ang magdahan-dahan, oras pa kaya para alamin pa ang damdamin ng iba?
Subali't bago pa man mapagtanto ang kamalian ay nakarinig na sila ng maliliit na hikbi mula rito.
Hindi mapakaling tumuwid nang tayo si Vhayen at napahawak sa kaliwang baywang habang ang isa ay nasa bibig bago nagpakawala ng malalim na hininga. Mula sa kanilang mga gilid, nagtitigan sila ni Emiliano, nagbabatuhan ng katanungan sa maaari nilang gawin.
Nailipat na lamang niya ang kamay sa sentidong problemado.
"Sige na. . ." nahihirapan niyang banggit, "Maaari ka nang pumunta."
"Yes!" bulalas nito sa kanilang lengguwahe.
Nanlaki ang kaniyang bista sa turan nito. Kanina lamang ay umiiyak ito, biglang gano'n?
"Pero sa isang kondisyon!" habol niya. "Sa kanila ka lang susunod at huwag kung saan-saan magpupunta, ha."
Matiim siya nitong pinakinggan at tumango bilang pagtanggap.
BINABASA MO ANG
Cup Bearer's Wine
FantasyCup Bearer's Wine: VoraciousGanymede's collection of stories as wine; and yet, it is not typically one-shot stories as you expected to be. It will reminded that, every part of this book could be the "preview" of my upcoming novels. So I hope you wil...