Chapter 18: The Saint Brother

46 2 0
                                    

Chapter 18: The Saint Brother

"Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol don? Bakit hindi mo pa ako dinaretso?" Marcus

Napatingin ako sa kanya. Naaawa ako sa sitwasyon nilang dalawa.

"Dahil ayoko na sa akin manggaling ang plano ng pamilya nila. Pinsan niya lang ako at wala akong karapatan para mangialam sa kanila."

- Six Araneta -

I never wished to be in this situation. Being controlled by my uncle, being a puppet to my own family.

"Mahal ko siya, kinalimutan ko yung plano kong saktan ang iba dahil mas mahalaga siya." Marcus

Alam ko, alam kong gusto niya si Alexandria. Pero dahil sa babaeng mahal niya, dahil sa pamilya nila masisira lahat ng plano ko sa buhay. Lahat ng pinaghirapan ko, lahat ng bagay na iningatan ko kahit na ang gago ko. Mawawala lang lahat bigla dahil malaki ang utang na loob namin sa Tatay niya.

"Kung sabihin ko ba, may mababago? Wala naman di ba?" Ako

May tumulo ng luha sa mga mata niya. Parang kailan niya lang nakilala si Alexandria, parang kailan lang hindi pa niya kilala si Alexandria. Pero ngayon, pakiramdam ko nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

"I love her. She's important, ayokong maiwanan ulit. Ayokong may mawala na naman sakin dahil hindi ko kayang patunayan ang sarili ko." Marcus

Nakakatawa isipin na parehas kaming nahihirapan. Ang pinagkaiba lang, iniwan ko si Eizel para mapabuti siya at ang masakit nawala ang magiging anak namin. Bata pa kami alam ko, I just turned eighteen. Pero ganun talaga kapag mahal mo eh, tumikim 'man ako ng ibang babae, siya at siya pa rin ang uuwian ng puso ko.

Naalala ko ang mag-asawang sampal na natanggap ko kay mommy. Kakauwi niya lang ng France 'nun dahil sa umuwi din si Kuya Kelly.

"Can I ask you something about your family? I mean, yours and Alexandria's." Marcus

"You really want to know, huh? Baka mabigla ka sa maririnig mo." Ako

"Just tell me. Para naman maintindihan ko, para naman hindi ako mag-mukhang tanga kakaisip kung bakit mangyayari lahat ng dapat mangyari." Marcus

Ganito niya ba kagusto si Alexandria?

"Bata palang kami ni Ayi, kilala na kami ng lahat. Dahil nga ang mommy niya ay isang 'Theatre Actress' madalas kaming kasama ni Tita sa mga interview at shows niya sa ibang bansa. At doon, doon nag-simula ang lahat ng nangyayari ngayon." I said

"Nakilala ni Tita ang isa sa mga katrabaho ni Kuya Kelly sa modelling, 12 years old na siya nun at medyo maganda na ang estado niya sa pagmo-model. Nakausap niya yung nanay nun at sinabing magpapakasal ang anak niya sa isang anak ng negosyante. At doon, nagsimula ang bagay na hindi namin kailanman naiisip na mangyayari."

Parang hindi ko na yata kayang ituloy ang kwento. Pero dapat, hiningi niya ito at kailangan na niyang malaman.

"Hindi ko alam, parang bigla nalang naisip ni Tita na ipagkasundo si Ayi sa lalaking yon. Maganda ang kakalabasan ng kasal nilang dalawa kung magkakataon. Dalawa sa pinaka-kilalang pamilya sa France ay magsasanib pwersa para sa negosyo." Ako

Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa malayo at nakikinig.

"Do you get my point? Magiging investment ang kasal ni Alexandria sa lalaking yon." Ako

Lumingon siya sa akin.

"Sino? Sinong lalaki 'yang sinasabi mo?" Siya

"Si Clarence Lux, ang lalaking baliw na baliw sa pinsan ko mula bata palang kami. Yung lalaking nakukuha lahat ng gustuhin niya, at wala siyang pakialam kung sino ang makabangga niya." Ako

He Is A Former Nerd [ Discontinued ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon