Natasha's POV:
Malakas kong sinipa sa tiyan ang nasa unahan ko. Umikot ako at pinatid ang isa, may naramdaman ako sa likod ko kaya naman sinipa ko s'ya patalikod. Naririnig ko ang daing ng bawat taong sinisipa o sinusuntok ko pero wala lang para sa akin ang mga 'yun dahil gustong gusto kong nahihirapan ang mga taong nang-aabuso sa mga kababaihan.
Tinignan ko si Blue na nasa harapan at kinakalikot ang system sa buong lugar. Nabalitaan namin na dadalhin ang mga babae sa Saudi Arabia para sa iilang inspection at kapag natapos ang maiksing checking ay ibebenta nila ito at gagawing laruan ng mga muslim. Bago pa sila gumawa ng kilos ay inunahan na namin sila para masagip ang mga kababaihan na walang laban sa mga kalalakihan.
"Parating na daw si Mr. Henz," imporma ni Iris.
"Mabuti kung ganoon," ngumisi ako at inayos ang mga lalaking nakahandusay sa sahig.
"Nahack ko na ang system at nailipat ko na rin ang iilang sa mga perang ninakaw nila," sambit ni Blade.
Pumwesto kaming lahat dahil madilim sa meeting room ng mga Henz. Isa sa sila sa pamilyang may malawak na koneksyon, maraming tao ang nagsasalba sa kanila kapag nadadawit ang pangalan ng pamilya nila. Isa rin sila sa mga nagbebenta ng mga babae para maging instrumento ng kapwa nila lalaki.
Umupo ako sa swivel chair at pinaglaruan ang ballpen na nasa harapan. Pinasok namin ang pribado nilang tahanan at lahat ng Assassin na hawak ko ay mabilis na nailabas ang mga babaeng naka-kulong sa basement ng mansyon. Narinig ko ang busina ng sasakyan at napangisi dahil nandito na sila, hindi na ako makapaghintay na pugutin ang ulo nilang lahat.
Ilang minuto ang nakalipas at narinig ko na ang takong ng sapatos ng mag-asawa. Base sa kanilang data base wala silang anak at puro ampon ang nasa bahay nila. Ang mga ampon nilang lalaki ay ginagamit nila para mas mapadali ang pagkilos laban sa mga babae. Kagaya na lamang ng paggamit nila sa mga ito para mas madaming makuha ang mga ampon nila ng magagandang babae na pwede nilang ibugaw sa mga taong nasa ibang bansa.
Huminto sila sa pintuan kaya hinanda ko ang baril ko. Hindi rin nagtagal ay bumukas ang ilaw at nanlalaki ang mata nilang napatingin sa 'kin. Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at diretsong nakatingin sa kanila.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa teritoryo ko?" Si Mr. Henz sa galit na boses.
I smiled. "Hindi ka pa rin nadadala sa mga death threats na nakukuha mo? Anong pakiramdam na iniisa-isa ko kayo?" sambit ko at tinignan ang mag-asawa.
"I-ikaw?" Si Mrs. Henz sa gulat na boses. "Siya yung sinasabi ko sa'yo na pumatay kay Mr. Wang! Siya yung nakita ko sa party nung huling namataan si Mr. Wang," sambit niya sa natatarantang boses.
Madami silang kasamang tauhan at lahat ng baril nila ay nakatutok sa akin. Lumabas si Blade at tinutukan ng baril si Mr. Henz na nagulat. Lumabas si Iris at si Joy, isa sa mga tinulungan ko para makatakas sa kamay ni Mr. Henz.
"It's been a long time Mr. Henz," Si Joy sa nang-aakit na boses habang nakatingin sa kanya. "Sarap na sarap ka ba? O baka naman hindi mo ako natatandaan kasi nagpalit ka na kaagad ng ibang babae?" nang-uuyam ang boses niya.
"Hindi kita kilala!" Si. Mr. Henz sa galit na boses. "Ano bang kailangan ninyo? Pera? Kaya kong ibigay sa inyo 'yun para lang umalis kayo dito!" dagdag niya sa galit na boses.
Tumawa ng malakas si Joy. "Oh, you don't remember me huh? Ako lang naman ang ginahasa mo at ako rin ang kinulong mo sa basement ilang buwan. Binaboy ako ng mga tinuturing mong anak at pinahirapan ninyo ako! Lahat kayo!" galit na galit ang kanyang boses.
Nakatingin lang ako sa kanila dahil ayokong marungisan ang kamay ko. Nangako ako sa sarili ko na kapag humarap ako kay Wade walang bahid na dugo, titigalan ko ang pagpatay sa mga taong may atraso sa akin. Ayokong malaman niya na mamamatay tao ako at baka lumayo pa ang loob niya. Hinaplos ko ang tiyan ko at tumalikod ng upo.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AcciónBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...