Entry I

169 8 3
                                    

Dear Humdrum,

        Call me now a stupid vampire for I wrote this stupid diary. Siguro natatawa ka na or nakakunot na ang noo mo sa word na 'vampire'. Yeah. I'm a vampire. I don't force you to believe that I'm a vampire. Well, definitely, totoo kami at isa na ako dun. Sa mga nababasa or napapanuod nyong movie about sa aming mga vampire, siguro masasabi nyong kinakatatakutan kami. Well, siguro nakakatakot kami.

Sino ba namang hindi natatakot sa creepy looks namin. Maputla. May inborn na eyeliner at ang goth fashion namin. At ang mga pangil naming nagsilbing straw sa tuwing humihigup kami ng dugo mula sa inyo. Nakakatakot di ba?

Hindi totoo na nasusunog kami mula sa sinag ng araw. Pati na ang pagtranform namin in paniki form or ang natutulog kami sa coffin or ang masusunog kami sa mga bawang. Para lang din kaming ordinaryong tao. Natutulog sa malambot na kama. Nakakalabas rain or shine. At kumakain pa kami ng bawang.

Gaya niyo, tumatanda rin kami. Pero dahil sa dugo niyo, umiextend ang buhay namin. 

        Isa lang naman akong ordinaryong bambira. Siguro minsan lang ako lumalabas at makipaghalubilo sa inyo. Ayoko kasing may kaibigang tao. Ang creepy lang at ang weird. Teka? iisa lang di ba yun?

Well, nag-iisa akong anak sa aming pamilya. Mayaman ang family ko. Dahil mayaman kami, 'di na namin kailangang mambiktima para lang maka-inom ng dugo nyo. Bumibili lang kami sa mga Funeral, syempre yung safe na dugo.

I'm just a teenager vampire. 17 sa edad ng mga tao but 85 years old in vampire's age. Nag-aaral rin ako sa school .. dati. Yeah, pero mas prefer akong maghomeschool na lang. I really hate crowded places lalo na sa school.

Yeah. I'm a stupid Vampire. Bakit ba ako nagsusulat ng diary? Well, wala na kasi akong masasabihan bukod sa parents kong busy. So yeah, loner ako sa sarili kong mansion. Pero salamat sa oras. 

xoxo,

Akim

***

PS ng manunulat:
Please approach me if I had a grammatical errors. Thank you :)

23:23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon