Halos hindi makapaniwala sina Law, Jake, at lalo na si Raze nang makita nila ang kabuuang transformation ko.
Parang hindi nila matanggap na ako ito. Na ‘yung dating tahimik, nerdy, at invisible na Aisla… ngayon ay nakatayo sa harap nila, punong-puno ng kumpiyansa, ganda, at bagong aura.
"H-Hahahaha... maniwala?" natatawang sabi ni Jake pero halatang pilit. "S-Si Aisla ikaw? Eh ang ganda-ganda mo tapos—"
Pak!
Siniko agad siya ni Law sa tagiliran. Halatang may isusunod pa siyang insensitive na komento pero pinigil siya.
Napalingon ako kay Raze. Hindi pa rin siya nakakagalaw. Parang nananaginip pa rin, o baka iniisip kung totoo nga bang ako ito.
Then, like an interruption sa isang pelikula, may tumawag.
"Loveee!" malambing at medyo irritating na boses ng isang babae.
Napalingon kaming lahat. Papalapit ang isang magandang babae, hawak-hawak ang phone niya habang tumatakbo papunta kay Raze.
Sino pa nga ba?
Si Yumie. Ang self-proclaimed girlfriend ni Raze.
Agad siyang kumapit sa braso ng binata. Kita ko kung paano biglang bumalik ang ulirat ni Raze sa hawak na iyon.
"Hello!" bati niya sa akin na may pilit na ngiti. "Are you a transferee?"
Napangiti ako—ngiti na may bahid ng kapilyahan.
"Let’s just say I’m the granddaughter of the owner of this school."
Tinapunan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya alam kung paano magre-react. Hindi niya rin ako nakilala.
"Ohh! Hello, I'm Yumie Vinuex," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.
Tiningnan ko lang ‘yung kamay niya. Matagal. Tahimik.
Pero hindi ko inabot.
At kitang-kita ko ang unti-unting pangungulubot ng confidence niya habang unti-unting bumababa ang kamay niyang iniabot sa ere.
"Well, Rynx… kailangan ko na pumasok sa room natin. Mauna na ako sa’yo."
Muling binalingan ko sina Raze at Yumie. Nginitian ko sila, pero ‘yung ngiting hindi mo alam kung compliment o insulto. At iniwan ko silang pareho na parang nabuhusan ng malamig na tubig.
Pagpasok ko sa loob ng campus, ramdam na ramdam ko ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang ko. Mga bulungan, mga tanong, mga titig.
"Sino siya?"
"Ang ganda niya. Baka artista ‘yan."
"Goddess. Literal na goddess."
Hindi pa ako sanay sa ganito. Pero ang totoo, ang sarap pala. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nakakakita na sa'yo. Hindi na ako ‘yung dating background character sa buhay ng ibang tao. Ngayon, ako na ‘yung eksena.
Pagkapasok ko sa room namin, bigla silang natahimik. Lahat napalingon. Parang may bisitang celebrity.
"Siya ba ‘yung visitor natin today?"
"Ang sexy niya!"
"Sino siya, grabe ang aura niya!"
Ngumiti ako. Natural, hindi pilit. For the first time, hindi ako nahihiyang mapansin.
Pero bago pa ako makaupo sa dati kong upuan, may pumigil.
"Hindi na available ang upuan na ‘yan," malamig at seryosong tinig.

BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)
Teen FictionCOMPLETED What if the love of your life was also your greatest heartbreak? Aisla Xyceria wasn't looking for forever-but it found her in the eyes of Raze Yuan, a boy with a heavy past and a dangerously beautiful smile. Their connection was instant, u...