Kabanata 14

15K 332 13
                                    

Kabanata 14

Hindi na

Sa pagtatago ko ng nararamdaman, bumili ako ng isang galong ice cream sa malapit na stall dito sa village. Maaga pa ring umalis si Gideon at hindi ko siya naabutan. Ni hindi nga namin pinag-usapan 'yong nangyari kahapon dahil ayoko ring pag-usapan ito. Maybe I was just tired yesterday, mentally.

Ngayon, nilulunod ko ang sarili ko sa ice cream na binili ko habang pinapanood ang all-time favorite movie namin ni bes na 500 days of Summer. Nangangalahati na ako sa ice cream na binili at mag-isa ko lang 'to inuubos. My best friend is not available today because she has a work to do. Gusto ko sanang umuwi kila Mom at Dad pero tinatamad naman akong lumabas ng bahay. Kasi mayroon sa akin, sa maliit na parte ng aking sistema na baka maagang umuwi si Gideon. Na mag-uusap kami, ibibigay niya lahat ng detalye na nangyayari sa kanya—sa kompanya. I know he's busy about Autohub. Yes, I'm not selfish about the work he's doing.

Sumubo ulit ako ng isang kutsarang ice cream pagkatapos ay sinandal ang sarili sa couch. Ni maligo hindi ko magawa dahil nakapantulog pa rin ako. Panjama at naka-hooded shirt pa ako. Magtatanghaling tapat na at matatapos ko na 'yong movie pero ito pa rin ako. Anong gagawin ko?

"AJ?"

Dali-dali akong napaayos nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Napalunok ako at walang masabing salita habang pinagmamasdan 'yong taong bumibisita sa bahay.

"AJ! Gods, mabuti namang naabutan kita sa bahay."

"Maggie?" Napakunot ako ng noo habang pumupunta sa pwesto niya sa tapat ng pinto. "May problema ba? Si Benj? May nangyari ba?" Kumalabog ang aking dibdib sa pinagsasabi ko. Oh my God, what is wrong? Anong nangyari?

Nararamdaman ko ang pawis sa aking likod habang pinagmamasdan si Maggie. She's wearing black shorts and plain shirt. Nang dahil nakashorts lang siya, kitang-kita ang haba ng kanyang thighs and legs. Pang-model talaga.

Pero natigil ang aking pag-aalala nang tumawa si Maggie. "No, AJ. I'm just here to tell you something. I just want to clear things about me, Gideon, and of course, you. Ayoko namang nasa akin lang 'yong lahat ng nangyari. Gods!" Maggie's sexy lips curved into smiled. Hinawi niya ang kanyang brown na buhok sa isang side. "Let me just tell you what happened." Mabilis na gumalaw si Maggie at inakay ako papunta sa couch. Pinaupo niya ako at pinaharap sa kanya.

"Okay," I said. And nod.

"Gideon is the most selfless man I ever met. Sa pananaw ko, he's selfless. Hearing his story—your story on him was like I want to kick him, really, smash his face, and punch him squarely on face. My God! Leaving the one you loved? O God, Gideon. Siguro kung titignan sa isang side lang 'yong ginawa niya, maiinis ka at kamumuhian na si Gideon. Pero...when I heard the damn reason, hindi ko maiwasang maawa. You know Gideon, ayaw niyang kinaawaan siya." Pakiramdam ko parehas kaming hindi humihinga ni Maggie.

"I know," ani ko. Oo, noong una, noong hindi ko pa nalalaman 'yong rason at 'yong pagpapanggap lang 'yong narinig ko sa kanya, mayroon sa akin na syempre sobrang nasaktan. But how can I stop myself on loving him this desperately? How? Walang makakapigil dahil ayoko ng pahirapan 'yong sarili ko. Kaya tinanggap ko siya.

"I met him at Mercedes-Benz Fashion Week in London. Gideon was one of the special guests of the event. Pinakilala siya ng artistic director ng agency ko sa akin pagkatapos ng event. Dalawa lang kaming naiwan don sa kwarto kasi siya hinihintay niya 'yong secretary niya habang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko after nung event. Noong mga oras na 'yon, I was messed up, mentally. Hindi ko alam kung bakit sa harapan niya ako umiyak. Bigla na lang akong umiyak sa kanya. He was so shocked and confused. But i told him my story." Maggie laughs. Umiling ito at napaawang naman ako ng bibig. "Minsan, mahirap palang kinikupkop mo lang sa sarili mo 'yong problema dahil hindi mo alam kung kailan ka sasabog. O Gods! Ang drama ko pala noon!" Napailing mulit ito ngunit ako'y nanatili na tahimik sa harap niya. "Naalala ko 'yong mukha ni Gideon non, he was like a zombie. He was so calm but he always threw glance on his phone. Noong sinilip ko, I saw a picture of you and Gideon together." She smiled. My heart melted. Napakagat na lang ako ng labi sa pagpipigil ng emosyon. "Ewan, naisip ko na lang na parang may problema rin 'yong taong iniyakan ko. Kaya tumigil ako pagkatapos. I was really sorry about what happened. Panay hingi ko ng sorry sa kanya. Saktong dumating din 'yong secretary niya si Andy kaya umalis agad ako."

"Maggie..." I breathed her name.

Tipid na ngumiti si Maggie sa akin at nagpatuloy, "But you don't really know fate can do something for your desire—my escape—his reason. I was visiting a friend in Autohub London branch nang mamali ako ng napuntahang floor, may narinig akong nag-uusap. I was shocked that the calm Gideon was furious staring nowhere. Nakayukom ang kanyang kamay sobra habang nagpapaliwanag si Andy. I heard your name, Aly. Napapalunok na ako sa kilos ni Gideon non kaya pumasok na ako ng office niya. Gods, kung may bodyguards lang siguro non, siguro nasa police station na 'ko. Pero pinabayaan lang ako ni Gideon hanggang sa naiwan kaming dalawa sa office niya. Umalis si Andy and I'd started to talk on what I'd heard from Andy. Hanggang sa nagulat ako nang mag-umpisa siyang ikwento 'yong nangyari sa'yo—sa inyo—even the company. He was so broke, Aly. So...so broke." I gulp. Ngunit hindi ko magawa dahil tuluyang nanunuyot ang aking lalamunan. Napatakip ako ng bibig. "Iniisip niya ikaw at 'yong kompanya. Kung anong mangyayari sa kompanya kapag nawala 'to sa kamay niya—'yong mga taong nagtatrabaho don. The devil never plays fair, Aly. The goddamn—jerk—ass—psychotic Niccholo Guzman, the devil in this story, in your story, never plays fair.  Siguro sa pananaw ng ibang tao, mali 'yong ginawa niya sa'yo. Oo sana sabay pinaglaban pero dumating sa punto na kailangan ni Gideon na isaalang-alang 'yong kaligtasan mo. Kahit ibigay niya 'yong kompanya, paano ka? Paano 'yong mga nagtatrabaho don? Gideon loves the company. But he loves you more than anything in this world. Pinili niyang iwanan ka at maging ligtas. Because sometimes, love means sacrificing. "

Kahit na narinig ko 'yong iba kay Gideon. Pero kapag narinig mo ulit 'yong dahilan, 'yong rason, bumabalik 'yong nangyari. Pero ito 'yong nagpapatatag ng lahat sa amin.

"Aly, 'yong deal namin ni Gideon, was just a deal. Si Gideon 'yong mas hirap. Pagnanawala ka sa paningin niya noong minsang pumunta tayong Grecia, Gods, he was always asking me. Tinatanong niya rin si kuya sa akin. Everything. Lahat na." Nawala ang tensyon ng sabihin ni Maggie 'to. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "Just promise me, Aly. Please promise me, na hindi kayo maggi-give up. Too many hearts and promises had been broken. 'Wag niyo ng dagdagan pa. Please."

Ngayon naisadetalye sa akin 'yong nangyari, ayoko ng may mangyari pa. "Oo. Hindi na," I smile and say what's on my heart right now. Hindi na. Ayoko na.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon