Kaira's POV
Pumasok kami nang maaga since kailangan na naman naming magpractice para sa darating na College week. Wala palang nagbago sa ganun, kapag may event, ang barkada pa rin ang inuutusang mag-organize ng program.
"Yo!" bati ni Dustin pagkapasok niya ng Leisure room.
"What the hell?!" sigaw ni Viel nang makita si Dustin.
"Bagay ba?" tanong ni Dustin sakin. He has a new hair color. Yung light brown hair niya, pinakulayan niya ng blonde.
"Mas nakita pagkamaputi mo Dust" nakangiting sabi ko.
"Hehe, new look. Nasasapawan na ata ako nila Jerry kaya kailangan magpapogi" masiglang paliwanag niya.
"Narinig ko pangalan ko! Anong meron?" biglang pumasok si Jerry. May hawak siyang bola ng basketball.
"San ka galing? Naglaro ka na naman?" -Dustin
"Libangan lang. Mas nakakahatak ng babae ang paglalaro ng basketball noh!" -Jerry
"F*ck you! Mas gwapo na uli ako sa inyo! Hahaha! Teka nasan pala yung dalawa pang playboy?" -Dustin
"May naghahanap ba samin?" biglang pasok nila Lance at Adam. Pawis na pawis si Adam.
"Anong nangyari sayo Adam? Ba't pawis na pawis ka?" tanong ko.
"Ah, sumayaw na naman siguro yan!" -Dustin
"Sumayaw? Sumasayaw ka Adam?" takang tanong ko.
"Oo naman. Mas nakakalakas ng appeal ang dancer Kai" nakangiting sabi naman ni Adam.
"Wow huh! Si Dustin may bagong buhok, si Jerry nagbabasketball, tapos si Adam sumasayaw para makakuha ng mga babae. Eh ikaw Lance? Anong meron sayo?" tanong ko.
Ngumiti si Lance sakin tapos may itinaas siyang papel. Isa yung papel na gamit ng mga musician huh?
"I'm playing piano" nakangiting sabi niya.
"Ohh, marunong ka pala nun? Ang galing huh! You guys are doing something different for a change"
"We're the Angels Kai, we can do anything" mayabang na sabi ni Jerry.
"Oo nga! Haha. Ay teka, ano palang gagawin natin para sa program?" tanong ni Dustin habang tinatanggal niya yung jacket niya.
"P*ta Villanueva!! May tattoo ka?!" sigaw ni Adam nang makita ang kanang braso ni Dustin na may tattoo.
Nawala ang ngiti ko nang makita ang braso niyang yun. "Maganda ba?" tanong ni Dustin sa ibang Badboys.
"Hanep huh! Anghel at demonyo" -Jerry
"Astig pre" -Adam
"It's a bit ironic for me. Having an angel falling for a demon?" -Lance
"Dust" tawag ko sa kanya.
"Oh Kai? Maganda naman diba?" nakangiting tanong niya.
"Dust, ba't ka nagpatattoo?" malungkot na tanong ko.
"Ayaw mo?" nakasimangot na tanong niya sakin.
"It's just... Nothing" tumahimik nalang ako. Yan kasi ang gusto niya eh, epekto pa rin siguro toh ng pagbibreak nila ni Thalia.
"Bakit demon yung lalaki? Akala ko ba Angels kayo?" biglang sumali si Viel sa usapan. Ngumiti naman si Dustin.
"Fallen Angels kami Viel. Ibig sabihin, mga anghel na binagsak sa lupa dahil mga makasalanan. Fallen angels, pinagandang tawag sa mga demons" paliwanag ni Dustin.
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Roman pour AdolescentsMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...