Lahat Kasali

93 2 5
                                    

May magkabarkada na pagdating sa kalokohan sila ang bumibida. Ito ay sina Mark, Althea, Marjo, Dennise, at Katherine.  

Sa may Paaralan. Nag uusap sina Althea at Katherine sa kanilang kinauupuan habang nasa pinto sina Mark at Marjo. 

Althea: (daydreaming) Ang cute talaga ni Mark no. 

Katherine: Ewan ko sayo. Sabihin mo na kasi sa kanya na gusto mo siya. 

Althea: (binatukan si Katherine) Eh tanga mo pala eh! Di ka ba nag iisip. Kung malalaman niya na crush ko siya edi masisira yung pagkakabigan natin. 

Katherine: eh babatukan mo talaga ako. hmpf! (Tumayo) Makaalis nga at ipagpatuloy mo na yang pag de-day dreaming mo.  

Althea: Whatever. (tumingin sa kinaroroonan nina Mark) 

Sa kinaroroonan ng boys. 

Marjo: Tingnan mo pre si Althea.  

Mark: Ha?(malambing na sagot habang tiningnan si Althea) 

Marjo: Hoy!! Nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagtatanong sa'yo at puro HA lang ang sagot mo!! 

Mark: Sorry naman po... Nag de-day dreaming pa pooo.. 

Marjo: Ano kaya ang iniisip nya? 

Mark: Baka ikaw yung iniisip nya. Hahaha. Bakit kasi ayaw mong ipagtapat sa kanya baka gusto ka rin nya. 

Marjo: Ang hirap kaya pare ng sitwasyon natin.  

Mark: Anong mahirap dun?  

Marjo: Minsan pare ang labo mo kausap. Di mo ba nakikita sa mga teleserye? 

Mark: Teleserye? 

Marjo: Oo! Sa teleserye, dahil minsan sa isang pag ibig nasisira ang pagkakaibigan. 

(papalabas sina Althea, Katherine at Dennise) 

Dennise: O dude. Anong pinag uusapan nyo?  

Mark: Ang pinag uusapan lang naman namin ay si (tinapakan ni Marjo ang paa ni Mark). Aray! 

Marjo: Wala!! Ang pinaguusapan lang namin ay yung natapakan ka ng tipaklong!! (Tumatawa ng paliim) 

Denisse: (binatukan si Marjo) Lanya ka!! 

(Lumapit si Althea kay Mark) 

Althea: Anong nangyari sayo Mark? 

Mark: Ahh...wala. (Hawak-hawak ang isang paa) 

Katherine: Ganun naman pala eh. Oh tara na. Uwi na tayo. 

Sa linya ng cellphone ay sina Mark at Katherine. 

Katherine: Ui Mark. Ano kanina yung pinag uusapan nyo ni Marjo? 

Mark: Si Althea. 

Katherine: Bakit si Althea yung topic nyo? Akala ko di alam ni Marjo na crush mo si Althea. 

Mark: Basta huwag mong ipagkakalat ha?.. 

Katherine: Oo ba.  

Mark: Atin-atin lang to ha? 

Katherine: Oo na! Ano ba yun? 

Marjo: Crush ni Marjo si Althea. 

Katherine: Ano? Alam ba ni Marjo na may gusto ka din kay Althea? 

Mark: Hindi.  

Katherine: E di maganda. Magkakaroon ng love triangle sa barkada. Hahaha! 

Mark: Anong love triangle? Gusto mo bang mamatay ng maaga ha?! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lahat KasaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon