Chapter 51

6.4K 169 0
                                    

Natasha's POV:

Masaya ko silang pinagmamasdang mag-usap. Kahapon ko pa naisip na ipaalam sa kanya ang tungkol sa mga anak namin kaya naman nagulat ako nang nandito siya sa Siargao at nagtratrabaho. Wala akong ideya dahil ang buong akala ko ay nasa headquarters lang siya kaya naman wala akong choice kung hindi ang dalhin s'ya sa mismong villa ko.

Kanina niya pa ako hindi iinimik kaya naman nakanguso ako dahil nagseselos ako. Hinaplos ko ang tiyan ko habang pinagmamasdan silang tatlo. Para silang pinagbiyak dahil magkakamukha talaga sila at ang sarap nilang panggigilan. Alam kong naguguluhan pa rin si Wade kaya handa ako sa magiging tanong na ibabato niya para sa akin mamaya. Sa tingin niya pa lang alam kong marami siyang tanong tungkol sa mga anak namin.

"Are you sleepy?" Si Wade sa malambing na boses habang karga si Wayne.

"Elle paki-ayos na ng mga laruan. Kami ng bahala sa kanila. Salamat," sambit ko sa naguguluhan pa ring si Elle.

Mabilis siyang tumango kaya naman kinuha ko na si Warren kaso ayaw niya sumama sa akin. Ngumuso ako at sumunod sa kanila papunta sa kwarto nila Warren at ako na ang nagbukas ng pintuan para sa kanila. And swear para akong hindi nage-exist sa kanilang tatlo.

"Hindi nakakatulog si Wayne kapag hindi mo siya binabasahan ng libro," paalala ko kay Wade na wala pa ring kibo. "Babe," tawag ko pero tanging tingin lang ang iginawad niya sa akin.

I rolled my eyes and make a face to him. Padabog akong lumakad papunta sa banyo para makapaghilamos at magrelax dahil kanina pa ako pakilos-kilos. Baka nga bukas ay matulog lang ako magdamag. Nang matapos ako at nakapagbihis na ay nakatitig pa rin siya sa mga anak ko at may hawak na libro.

"Sa labas muna ako," imporma ko sa kanya.

Nang wala akong narinig ay kaagad na akong lumabas at bumuntong hininga. Pumunta ako sa dulo kung nasaan ang balkonahe at kaagad akong umupo sa duyan at niyakap ang sarili. Tama ba ang ginawa ko? Hindi ba masyadong mabilis ang ginawa ko? Huminga ako ng malalim at tinignan ang buwan. Isa nalang ang problema ko at si Emmanuel nalang ang kailangan kong solusyunan.

I want my kids to have a completed family. I want them to feel that they're special, gusto kong maranasan nila ang pagmamahal ng isang magulang. At gusto kong maramdaman nila na walang kulang sa kanila.

"Now tell me simula sa umpisa," napatalon ako sa boses ni Wade sa likod ko.

"W-wade," mahinang bulalas ko at huminga ng malalim.

Pinanood ko siyang umupo sa upuan na nasa gilid ko. Bahagyang nakabuka ang mga hita niya at diretso ang tingin sa akin at para akong mapapaso. Kinagat ko ang labi ko at tinignan ang payapang dagat sa gabi at ang magandang buwan bago ako nagsalita.

"Masyadong mabilis ang pangyayari at bigla ko nalang nalaman na buntis ako. I was so stressed that time because of you and to Shane kaya naman napapabayaan ko ang sarili ko. Everytime we made love it has no protection and as I said naka-control birth ako pero eventually tinanggal ko 'yun  dahil narealize ko na gusto ko ng magkaroon ng pamilya," paunang kuwento ko.

Huminga ako ng malalim at sinuklay ang buhok ko bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ilang weeks after nun ay nagsimula na akong magsuka at magkaroon ng ilang symptoms as a pregnant woman. And as our relationship went upside down at plano kong sabihin sayo kaso nga lang ay wala ka palagi sa tabi ko. I keep it to myself lahat at ng mga oras na dapat magkasama tayo ay hindi ko na pinansin. Until I decided to go back in Italy to save myself and to save my kids from the stressful world," sambit ko at ngumiti sa kanya.

Nakita ko ang pagkislap ng mata niya at ang pagkuyom ng kamao niya. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkukuwento.

"And it turns great kasi nailayo ko ang mga anak ko sa pwedeng sakit na maranasan nila. Pinalaki ko silang dalawa sa tulong ni Tita Amara, hindi naging madali para sa akin kasi iba pa rin kapag nandiyan ka..." huminga ako ng malalim at nagpatuloy. "Hindi ko alam kung kanino ako kukuha ng lakas kasi araw-araw nahihirapan ako sa pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung kanino ako kakapit at kung kanino ba ako hihingi ng tulong. Kinaya ko lahat, Wade. Kinaya kong mag-isa at kakayanin ko para sa mga anak ko. Kaya hindi mo ako masisisi kung matagal na panahon kong tinago ang mga anak ko," pagtatapos ko at yumuko para punasan ang luha sa mga mata ko.

Nagbabara na ang lalamunan ko kaya huminto ako. Kitang kita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya. Lumapit siya sa 'kin at lumuhod upo para mayakap ang bewang ko. Parehas na kaming umiiyak dahil ako, na-aalala ko ang hirap.

"I-I'm sorry..." He paused and cry. "I'm really sorry...I wasn't there for you. I'm really sorry for making you feel that you're alone," mahinang bigkas niya at kinuha ang kamay ko.

Nilagay niya sa pisngi niya ang kamay ko at paulit-ulit na hinahalikan. Humikbi ako dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko sa gabing ito. Hinaplos ko ang buhok niya at niyakap 'yun dahil kitang kita ko ang panghihina sa mata niya.

"Babe, I'm sorry..." He paused again. "H-hindi ko alam... hindi ko nalaman, walang nagsabi sa akin. Nagkamali ako, inaamin kong nagkamali ako. Dapat nandiyan ako para sa'yo...dapat inalagaan kita nung panahon na 'yun. Babe, patawarin mo ako hindi ko sinasadyang iparamdam sa'yo na kaya kong mag-isa," lumuluhang  sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Lumunok ako dahil hindi ako makapagsalita sa harapan niya. I wiped my tears using my free hands and stared at him na ganun pa rin ang posisyon.

"P-patawarin mo ako," nakikiusap na sambit niya at niyakap ang katawan ko. "Patawarin mo ako, itatama ko ang lahat magiging better ako. Aayusin ko ito kaya bigyan mo akong chance na maging ama sa mga anak natin," lumuluhang sambit niya.

I hushed him and kissed his head dahil nasasaktan ako kapag nakikitang umiiyak siya. I cupped his cheeks and stared at his most beautiful that I've seen in my entire life. I smiled even with my tears.

"You can be the father of our child. Way back then, we are so immature to the point na nagiging toxic na ang relasyon nating dalawa. We're not getting any younger now, itatama ko ang lahat at ganoon rin ang sa'yo. Magiging sandalan mo ako okay? Magtutulungan tayong dalawa kahit ano pa 'yan," seryosong sambit ko at ngumiti sa kanya.

"I love you so much," He murmured softly. "I'm so lucky to have you in my life," dagdag niya.

I kissed his lips and his forehead. He smiled and kissed my tummy kaya napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. Tumayo kaming pareho at hawak kamay na pumunta sa kwarto kung nasaan sina Wayne. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti sa isa't-isa.

"Magleleave ako sa trabaho para mas makasama sila. I want to know there favorites lahat ng may kinalaman sa kanila ay gusto kong malaman," sambit niya.

"Okay," sambit ko sa kanya at humiga sa tabi ni Warren na gumalaw ng kaunti.

Napangisi ako nang tumabi sa likod ko si Wade. Tumatama ang hininga niya sa leeg ko at mahigpit ang yakap sa bewang ko.

"I really can't believe I have kids with you," He whispered at pinasok ang kamay sa sandong suot ko para hawakan ang tiyan ko. "Gusto ko ng babaeng anak," He chuckled and kissed my neck.

"We can work on it," nagbibirong sambit ko sa kanya.

"Yeah?" alam kong nakangisi siya ngayon sa leeg ko. "Pwede naman sa bathroom or sa closet natin gawin 'yang sinasabi mo. What do you think huh, babe?" bulong niya kaya natawa ako ng mahina sa kanya.

"Calm down your dick, dude!" mahinang singhal ko sa kanya na tumawa sa leeg ko.

"I love you," mahinang bulong niya at huminga ng malalim.

I smiled. "I love you too," saad ko naman at naramdaman ko na naman ang pagtigil niya.

"Damn! I love you so much," namamaos na bulong niya at mas humigpit ang yakap sa akin.

Hinalikan ko ang noo nina Wayne at ganoon rin si Wade. Umayos ako ng higa at naramdaman ang pagsalikop ng mga daliri ni Wade sa kamay ko. Ngumiti ako at napatulala. Gusto kong maging maayos ang lahat pagbalik namin sa Laguna. May meeting pala kami muntik ko ng makalimutan. Kamusta na kaya sina Mommy?

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon