Hi! Ako nga pala si Justine. 18, from Mandaluyong. Bagong lipat lang kami dito, okay naman. Tahimik at maaliwalas ang paligid. Actually, mas gumanda pa yung buhay ko nung may nakilala akong babae. Maganda siya, mabait, matalino at malambing.
●●●FLASHBACK●●●
Bumibili kasi ako sa tindahan non, habang hinihintay ko yung binili ko bigla siyang dumating, hehe. Ewan ko ba, parang pinana ako bigla ni Kupido. Di ko na naalis ang mga mata ko sa kanya. Sobrang ganda at mahinhin na babae ang nasa harap ko nun. Ang weird pero di ko namamalayang nakangiti na pala ako, tumingin siya sakin at kinausap ako.
"Ahh, okay ka lang? Ayan na yata yung binibili mo oh."
Yung boses niya... parang anghel, tapos yung mga ngiti nya nakakamatay O:)
"Ay oo, sakin yan. Hehe sorry. Ngayon lang kasi kita nakita dito ehh."
Nagpalusot nalang ako para hindi halatang natulala talaga ako sakanya.
"Ah ganun ba? Bagong lipat ka lang siguro kaya di mo pa ko nakikita."
"Oo, kakalipat lang namin nung isang buwan. Pero ngayon lang talaga kita nakita."
"Di kasi ako masyadong lumalabas dahil wala akong kakilala dito."
"Ahh, by the way, ako nga pala si Justine." (Inabot ko yung kamay ko sakanya para makipagkilala)
"Ako naman si Rachelle." (Inabot nya rin yung kamay nya sakin, tapos ngumiti siya)
"Saan ka nga pala nakatira dito? Ang laki kasi nitong subdivision eh." (Tanong ko sakanya)
"Jan lang ako sa tapat. Haha di naman malayo diba? Sige una na ko." (Sagot niya)
"Ingat." (Sabi ko)
"Ingat? Jan lang ako sa tapat oh, hahaha! Yung yelo na binili mo tunaw na." (Pabiro niyang sabi)
"Hala! Sige uwi na ko bago pa maging tubig 'to. Hahaha" (pabiro ko ring sagot)
Pagtapos ay umalis na siya, hinintay ko muna siyang makapasok sa bahay nila bago ako umuwi. At nung nakapasok na siya, tumakbo na ko dahil yung yelo natutunaw na nga xD
"Ma! Ito na po yung yelo."
"Hala anak! Natunaw na, yelo pa ba to" biro ni mama
"Eh kasi may nakakuwentuhan pa po ako dun sa tindahan ehh. Sorry ma." Paliwanag ko naman.
"Oh siya, ilagay mo muna sa freezer ito para maging yelo ulit. Hahaha! Ikaw talaga Justine, basta magandang babae natatanga ka"
"Grabe ka naman ma, natatanga talaga? Hahaha!"
"Oo anak, akala mo hindi ko alam ano? Sumunod kaya ako dahil ang tagal mo. Eh samantalang sa kanto ka lang bumili. Ayun! Nakita kitang may kausap na babae, saya mo nga eh. Hahaha!"
"Ma naman, ang bait kasi niya. Ang ganda pa, diba complete package na hahaha "
"Nako anak ahh, magingat ka naman sa pagpili ng mamahalin mo. Baka mamaya di mo namamalayan nahuhulog na ang loob mo sakaniya. Anak, pang-ilang babae na yan ahh. "
"Ma, pangalawa palang grabe ka haha"
"Kahit na ba, basta mag-ingat ka, yung una mo niloko ka, kilalanin mong mabuti yang susunod anak ahh, baka maloko ka na naman. Tanga ka pa naman. Hahahha!"
"Mama ang hard mo sakin ngayon. Ano ba nakain mo? "
"Bato ni darna, kaya hard. Hahaha! "