Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kadali para sa'yo ang kalimutan ako.
Ginawa ko namang lahat di ba?
Yun nga lang hindi ko maibigay lahat ng gusto mo.
Alam mo namang hindi yun ganun kadali di ba?
Wag ka ng magtampo!
Ok lang naman saken na hindi lang ako ang mahal mo,kahit pa madame kame.
Nauunawaan ko..
Hindi ko naman hangad ang buong buhay mo eh.
Konting atensyon lang,konting oras,solve na'ko dun.
Ano ba 'yung isang araw sa isang linggo,o isang oras sa isang araw?
Kahit pa nga isang minuto lang,sapat na yun,wag ka lang tuluyang umiwas.
Hahayaan kita sa mga bisyo mo,malaya ka namang gawin yun eh.
Ikaw ang boss!!
Hindi ako magagalit,kahit pa ilang beses ka'ng magkasala at magwalangya.
Hinding hindi ako magrereklamo,pramis.
Pero
Kapag sawa ka na sa lahat ng lumilibang sa'yo,o iniwan ka na nila.
Pag parang ang hirap ng lahat.
or kelangan mo lang ng makakausap..
Umasa kang andyan pa rin ako para sa'yo,
hinding hindi mapapagod mghintay.
hindi magsasawang magmahal.
,
At
Kapag handa ka na ulet tanggapin ako sa buhay mo,
tawagin mo lang ako,pramis hindi ako magpapakipot.
Nagpapakamartir,
Jesus