Wade's POV:
Kanya kanya kaming alis sa event dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Mabuti nalang at alerto ang mga tauhan nina Tita kaya mabilis ring nadaluhan ang ibang mga bisita. Walang may gusto sa nangyari at mabuti nalang hawak hawak ko ang dalawa kong anak para hindi sila mapahamak sa kung anong mangyayari.
Walang may alam kung sino ba talaga ang may gawa nun kay Tita dahil bandang dibdib ang tama sa kanya. Mabilis namin siyang isinugod dahil na rin lahat kami ay natataranta, lumabas ako kaagad at sinakay sa kotse ang mga anak ko. Natakot rin sila kanina kaya naman alerto ako dahil baka kung anong mangyari sa kanila lagot ako kay Natasha.
"Everything will be okay..." kalmadong saad ko.
"What happened Daddy?" pagtatanong ni Warren at ang paningin ay nasa bintana.
"Something happen anak kaya huwag kayong lalabas dito..." mahinahong sagot ko at tinignan sila Kent sa labas.
Pinaandar ko ang sasakyan ko patungo sa mansyon dahil gusto kong alamin kung ano ba ang nangyari kay Tita. Inalalayan kong makababa ang kambal at sumabay kina Mommy, pumasok kami at kaagad naging abala si Daddy sa pagtawag sa kung sino man.
"Walang may alam sa nangyari ang nakakagulat ay si Cathalina pa ang pinuntirya. God, parang bumabalik na naman sa dati ang lahat," si Mommy na sapo sapo ang kanyang noo.
"Dinala na si Cathalina sa hospital nawalan lang ng malay pero kailangan pa ring imbestigahan ang kanyang katawan," si Daddy na kabababa lang ng cellphone.
Nagpaalam akong iaakyat ang kambal dahil nakikita ko na ang pagbagsak ng mata nila. Napagod sila kanina dahil panay ang paglalaro nila nina Troy kasama sina Keizer. Hinubad ko ang damit nila at nakangusong pinagmasdan ang mukha nila.
"Daddy... I'm sleepy," si Wayne na kinukusot na ang mata.
"Sure, sleep. Gigisingin ko nalang kayo kapag kakain na," nakangiting sambit ko.
"Gracias, mi amore..." sabay na sagot nila kaya natawa ako at napangiti rin kalaunan.
Speaking of Mi Amore, naalala ko na naman ang mata ni Natasha. Hindi ako puwedeng magkamali dahil kilala ko ang matatalim na mata ni Natasha. Huminga ako ng malalim at tinignan ang kambal bago napagdesisyunan na pumunta sa hospital.
"Francheska ikaw na muna ang bahala sa kambal, kakamustahin ko muna sina Tita," saad ko.
She smiled. "Ako na ang bahala sa kanila. Mabuti naman at wala dito si Shane," sarkastikang sambit niya.
Napailing nalang ako at kinuha ang susi ng motor. Lumabas kaagad ako at hindi na hinintay sina Mommy dahil alam kong pupunta sila sa hospital. Mabilis ang pagmamaneho ko kaya kaagad rin akong nakarating sa hospital kung nasaan si Tita. Hinubad ko ang helmet ko at nakita ang iilang media na nasa labas at nag-aabang sa mangyayari sa loob.
"Excuse me..." seryosong sambit ko habang pinapalibutan ako ng mga guards.
Kanya kanya sila ng tanong tungkol sa pagkawala ni Natasha at sa pagkakaroon namin ng anak, pumunta kaagad ako sa loob at nakita sina Kent na nasa labas at abala sa pagtawag ng kung sino.
"Tito," pagbati ko kay Tito na nakaupo at sapo ang noo.
"Wade," pagbati niya at tumango. "May balita na rin ba kung nasaan si Natasha? Ilang linggo na ha?" dagdag niya sa kalmadong boses.
"As of now, wala pa rin po pero ginagawa ko ang lahat para mahanap siya. Nag-aalala rin ako sa anak namin," malumanay na sambit ko.
"Mag-usap tayo some other day about my daughter," seryosong sambit niya kaya napalunok ako at tumango.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
ActionBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...