Chapter 62

6K 165 7
                                    

Wade's POV:

Sumakay ako sa kotse ko habang nasa bulsa ang underwear ni Natasha. Natawa ako at mabilis na pinaandar ang sasakyan papunta sa kambal pero dumaan muna ako sa dunkin donuts para bilhan si Wayne. Habang nagmamaneho ako ay naisip ko ang lahat ng nangyari sa ilang linggo, akala ko talaga ay mawawala na sa 'kin si Natasha. Thank God, dahil lahat ng 'yun ay nasagot simula nang ipaliwanag ni Kent ang lahat ng puwedeng mangyari.

Napailing ako at kinagat ang labi ko, kung ako ang masusunod ay tinakas ko na si Natasha sa lugar ng mga Santiago. Ayokong nandoon si Natasha dahil natatakot ako sa puwede nilang gawin ngunit na-alala ko ang sinabi ni Tito sa 'kin.

"Si Natasha, siya ang magaling sa pamilya namin. Katulad ni Cathalina, parehas silang mag-isip at palaging may plano sa lahat ng bagay. I want you to trusted my daughter dahil hindi kikilos si Natasha kung wala na siyang nagawang plano, at hindi rin siya pupunta doon na walang dahilan," si Tito sa banayad na boses.

Napagtanto ko na hindi ko pa pala lubos na kilala ang girlfriend ko, hindi ko pa pala kilala ang pamilyang Martinez. Kaya nang malaman ko ang tungkol sa plano nila naisip ko na, napakabilis nilang magplano. Palagi kong naririnig mula sa kanila ay ang pangalan ni Natasha, kesyo si Natasha ang may sabi, si Natasha ang masusunod, at iba pa.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa mansyon kung nasaan ang kambal dahil balak kong dalhin sila kina Tita Cathalina. Naki-usap sa 'kin si Tita na kung sakali man na may libre akong oras ay papuntahin ko ang mga anak ko, hindi ako tumanggi dahil kahit papaano ay Lola at Lolo sila ng mga anak ko.

Pumasok ako sa loob at napakunot ang noo ko dahil sa pagbasag ng mga plato, kaya nagmamadali akong pumunta doon dahil narinig ko ang kambal. Nabitawan ko ang mga dala ko dahil sa nakita ko.

"What the hell?!" tumaas ang tono ng boses ko nang makita ang kambal ko na hawak ni Shane na galit na galit.

Mabilis kong kinuha sa kanya ang kambal ko dahil nakita kong namumula na ang magkabilang braso nila. Umiiyak silang dalawa kaya niyakap ko at hinaplos ang buhok nila.

"Daddy," lumuluhang sambit ni Wayne at niyakap ang leeg ko.

"Hushed, I'm here..." malumanay na sambit ko. "Tahan na," dagdag ko sa malambing na boses.

Tinignan ko si Shane na nakatulala at takip ang kanyang bibig. Tinawag ko ang babysitter nila na nagdidilig ng mga halaman sa backyard. Kaagad kong pinaasikaso sa kanya ang kambal nang hindi inaalis ang paningin kay Shane.

"Pupunta ako sa kwarto, mag-uusap kang kami," mahinahong sambit ko kay Warren na namumula na ang kilay at ilong sa pagluha.

Pinanood ko silang umalis papunta sa itaas, nang makitang wala na sila ay tignan ko si Shane. Nakita ko rin ang mga nabasag na baso at iilang mga pagkain na nakakalat sa sahig.

"What did you do this time?" pinipigilan ko ang magtaas ng boses dahil baka marinig ako ng mga bata.

She gulped. "W-wala akong ginawa! Pinagsasabihan ko sila dahil nabasag nila ang iniingatan kong baso! Masyado silang malikot at natapunan ang laptop ko!" Si Shane sa nauutal na boses.

"Pero hindi mo kailangang saktan ang mga anak ko, at 'yan ang tatandaan mo..." nagtatagis ang panga ko at nakakuyom ang mga kamao.

"Ako pa rin ang may kasalanan ha? Pinagsasabihan ko lang sila kaya hindi mo kailangang magalit sa akin! Kung ayaw mong napapagalitan 'yang mga anak mo better discipline them!" Si Shane sa iritadong boses at nakuha pa akong irapan.

"Anong sabi mo?" tumaas ang boses ko at binasag ang baso sa harapan niya na ikinatalon niya. "Sino ka para pagbuhatan ng kamay ang mga anak ko? Anong karapatan mong husgahan ang pagiging tatay ko sa kanila ha? Puwede mong kausapin ng maayos! Naiintindihan ka naman nila! Alam mo? Nakakapagod na ang ugaling mayroon ka!" dagdag ko sa pasigaw na boses.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon