Chapter 65

6.3K 157 4
                                    

Natasha's POV:

Mabilis namin siyang dinala sa hospital dahil maraming dugo ang nawala sa kanya, hindi ko man lang napansin ang paglapit ni Mrs. Santiago sa kanya kaya nang makita kong siya ang may gawa hindi ako nagdalawang isip na patayin siya. Ang sabi sa 'kin ni Icarus ay buhay pa si Emmanuel kaya pinadala ko sa hospital dahil gusto daw makita ni Faye ang ama ng anak niya.

Yes, si Faye ang nabuntis niya ilang buwan ang nakalipas. Dating kasintahan ni Emmanuel si Faye at nagkasama lang sila ulit sa Madrid para sa araw-araw na photoshoot. Kapangalan ng dating asawa ni Emmanuel si Faye, the rest ay hindi ko na alam. Naghihintay pa rin ako ng update kay Icarus tungkol sa totoong magulang ni Emmanuel.

"Kailangan natin siyang operahan sa lalong madaling panahon. Malalim ang sugat na natamo niya at kailangan rin nating salinan ng dugo si Wade," sambit ni Tita Chin.

Tumango ako. "Gawin mo ang lahat, Tita. Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Wade," seryosong sambit ko.

Tumango siya at nag-pautos sa mga nurse na dalhin sa emergency room si Wade. Nasa iisang hospital pala sina Wade at Shane kaya alam na rin nina Tita ang nangyari sa kanya.

"I'll give my blood basta't maayos ang lagay ng anak ko," si Tito Owen sa seryosong boses.

Umupo ako at hinaplos ang dalawang buwan ko nang tiyan dahil bigla bigla nalang itong humihilab. Sila Mommy ang umasikaso sa bangkay ng mag-asawa kaya naman ako lang ang nandito kasama ang assistant kong si Francis. Si Tita Pamela ay nasa bill section para asikasuhin ang babayaran sa hospital.

"Ate," napa-angat ang tingin ko kay Francheska.

"Cheska," mahinahong pagtawag ko at nagulat nang yakapin niya ako. "Magiging okay rin si Wade, huwag kang mag-alala," dagdag ko sa mahinahong boses.

"I know..." She murmured. "Masyado lang akong nag-aalala dahil ito ang unang beses na nahospital si Kuya," dagdag niya sa mahinahong boses at lumayo ng kaunti sa 'kin.

Ilang oras ang hinintay namin bago makumpirma na maayos at wala namang naging problema ang operation ni Wade. Nandito rin sa hospital si Emmanuel para gamutin ang ilang tama ng baril sa kanyang katawan, pasalamat siya at hindi ko siya tinuluyan dahil baka hindi niya na makita ang mag-ina niya.

"He need some rest, masyadong nabugbog ang katawan niya. Nakausap ko na si Owen kung ano ba ang mga bawal at hindi bawal kapag nagising si Wade," si Tita Chin matapos lumabas ng kwarto kung nasaan si Wade.

I hugged her. "Thank you," mahinang sambit ko kaya ngumiti siya at hinaplos ang likod ko.

Pinauna ako ni Francheska sa pagpasok sa kwarto kung nasaan si Wade. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Wade na mahimbing ang tulog, umupo ako sa upuan at pinakatitigan ang mukha niya na puno ng galos. I sighed and held his hand at marahang hinalikan 'yun dahil masyado niya akong pinag-aalala.

"Sinabi kong mag-iingat ka hindi ba? Sinabi ko na sa'yo na huwag kang aalis sa tabi ko," mahinang sambit ko habang pinagmasdan ang bawat sulok ng mukha niya.

Hinalikan ko ang noo niya at hindi nagtagal ay narinig ko ang naghihisteryang boses ni Shane sa labas. Tumayo ako at tingnan siyang nagpupumilit pumasok ngunit hinaharangan siya ni Francheska.

"Papasukin niyo ako! Gusto kong makita si Wade!" Si Shane sa galit na boses.

Nakita niya kaagad ako kaya mabilis niya akong sinugod nang sampal, napasinghap ako sa lakas ng pagkakasampal niya sa pisngi ko.

"Shane!" Si Francheska sa galit na boses. "What do you think you're doing huh? Gusto mo bang malaman ni Kuya na sinasaktan mo si Ate?" dagdag niya sa galit na boses.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon